023: Workaholic dreamers

13 2 0
                                    

[messenger]

Adi

06:25 PM

Patch
pagoda sa inventory at sanitary inspection ng Manila city hall

😩😩😩😩😩

Adi
Parang taon-taon nilang gagawin 'yan, pangalawang beses na nila tayong binigyan ng surprise inspection, ano?

Patch
nice. i hope all nasu-surprise HAHAHAHAHA

Adi
Ramdam kong tinatawa mo na lang yung pagod. HAHAHAHAHA

Magpahinga ka na, Patch.

Patch
oo kailangan ko na rin ghad

Adi
Can I ask something?

Patch
oh sure ano yon

Adi
How could you survive being alone in your set-up? I mean, you are a full-time writer, I assume although you scheduled doing it every weekend. On the other side, weekdays 9 to 5 ang pasok mo sa Sororitea?

Patch
adi, kung may pangarap ka rin sa buhay, alam mo kung bakit ginagawa ko ito.

saka this isn't merely about surviving. i'm living my dream and i'm existing with my very purpose. masaya ako sa ginagawa ko, adi. so exerting efforts on both of my jobs is equivalent to filling my needs and wants.

in short, ito talaga ang trip kong gawin sa buhay. HAHAHAHAHA

ikaw ba? ano bang trip mong gawin sa buhay?

Adi
Gusto kong maging linguist at maging contributor ng mga studies sa academe.

Patch
seryoso ba? so anong ginagawa mo sa sororitea? full-time kang nagsasayang ng oras na magpunas ng mesa at mag-abot ng order don! gagi ka ba?

Adi
Calm down. HAHAHAHAHA

At the same time, gusto ko ring maging businessman. Preferably this line of business. Kaya sa ganito ako nag-apply habang tinatapos ang thesis ko.

Patch
hitting two birds at the same time huh

galing mo dyan

Adi
Let me throw that question back at you. So anong ginagawa mo sa Sororitea at kumukuha ka ng order imbis na magsulat full time?

Patch
i want a normal life style habang nag-iipon at living independently. just proving something to myself and to my parents, na kaya ko. saka nakakatulong din 'tong set-up ko sa pagsusulat. i get to encounter different people everyday and walk on busy streets. mas tumatakbo ang utak ko kasi nakikita kong tumatakbo ang mundo.

Adi
Do you still see yourself doing that after five years or so?

Patch
hindi ko pa alam. ang dami pang pwedeng mangyari para masabi ko kung saan ko makikita ko sa panahong 'yon. hindi mo nga alam kung saan ka mapupunta bukas o sa makalawa, limang taon pa kaya.

ikaw?

Adi
By that time, I am probably handling my business already, while working on research, and taking law?

Patch
dami mo namang gusto sa buhay!

Adi
May hindi pa nga ako nababanggit na gusto ko e.

Just Because (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon