CHAPTER 1: "B-F" ( BEST FRIEND)

202 0 0
  • Dedicated kay Jenna Mariel Gonzales
                                    

6:00 am

Biglang napabalikwas si Honey sa kanyang kama dahil sa tunog ng kanyang alarm clock.

“ Good morning world….” ( yawn)

Siya nga pala si Honey Chiu, 17 year old, first year college, bunso at only daughter ng mag-asawang sikat sa business world.

Dali-dali siyang pumasok sa sarili niyang banyo at naligo. After niyang magbihis ay nag-quick breakfast siya at humalik sa pisngi ng mommy niya..

“ Bye ma!”

“ You take care. Oo nga pala mala-late ako ng uwi dahil susunduin ko ang dad mo sa airport. Ngayon ang uwi niya from Singapore, si Manang  Josie nalang ang bahala sa dinner mo.”

“Ay oo nga pala ngayon ang uwi ni daddy!” excited na talaga siyang makita ang daddy niya. Kahit na magkakasama naman sila sa iisang bahay malimit na nasa ibang lugar ang mommy at daddy niya, out of town and mostly out of the country. Pero kahit ganun wala siyang complain sa set-up nila, ganun din ang kanyang kuya who is already working sa kanilang business. She understands na ang pagiging workaholic ng parents niya is for their own future.

“ Hurry up, nandyan na BF mo he’s waiting outside.”

“Ma naman!” complain niya.

“ BF means lalaking kaibigan, am I wrong?” biro ng mommy niya.

She just blushed and didn’t argue dahil malalate na siya sa biyahe.

Paglabas niya ng gate nakita na niya si Love na naghihintay.

LOVE? FYI hindi siya girl….

Love Andrew Sy, 18 year old, 2nd year college, bunso din and only son ng mag-asawang Sy na nag-mamay-ari ng kilalang fast food chain. In short, he’s rich.

Miracle baby kasi si Love, hindi ineexpect ng mga parents nya na magkaka-anak pa silang muli after maaagasan ang mom niya sa second baby nito. He has a sister at graduate na sa college. Ipinangalan ng parents niya ang “Love” because they believed that nabuo siya out of God’s love for them.

“Hop-in mala-late na tayo traffic kasi.”

Napakurap si Honey sa sinabi ni Love. Para kasi siyang na-hypnotized nung makita niya ang kanyang kababata-slash- neighbor-slash- BOY FRIEND….ooops teka, correction BEST FRIEND!

Oo, best of friends sila kaya nga BF di ba……

They live in the same exclusive subdivision since nung mga bata pa sila.

Pero napatira din si Love sa U.S ng 4 years but he returned dahil he was bored daw……. Or may be he misses someone.

Kung tatanungin niyo kung gaano sila ka-close…..well mas close pa sila sa close-up.

Partners in crime,

Study buddy,

Siblings ( kahit hindi blood-related ),

At si Honey ang bridge niya…..bridge niya pag may gusto siyang girl.

But because Love is a typical player ( yah, he’s  foot ball player, but what I mean is player sya with a capital P-L-A-Y-B-O-Y ) most of the times hindi na niya kailangan ang tulong ni bridge este ni Honey,

Si Honey???

NBSB!!! No Boylet Since Birth siya.

Pretty naman siya, makinis, may figure din naman, mabait at matalino pa. kaya lang manang at may pagka-childish! Pero marami pa din naman na nagpapa-cute sa kanya na mga boys.

Pero dahil may one and only true love siya since high school, she decided na hindi i-entertain ang mga fanboys niya.

Sino ang lucky guy???

Walang iba kundi si BF niya…..si love ( si love na walang malay! Hahaha! Hindi kasi alam ni Love na may feelings siya dito)

But she loves him silently. Happy na siya to be with him everday. Mababaw lang naman ang kaligayahan niya. She doesn’t want to expect anything in return. To see him smiling and happy OK na siya ng ganon. “ Unconditional Love” yun ang exact words to describe her feelings for him. It all started when he came back from U.S. at first she thought na-miss niya lang si Love, but as the days passed by she came to realized that…….SHE LOVES LOVE.

Back to reality…..

Napaka-handsome nga naman ni love habang nakahawak sa steering wheel ng kanyang brand new black BMW while waiting for her at their front gate.

Plus the killer shades na suot nito,

( haay…good morning talaga….kakakilig!) she said to herself.

“ O-ok, sasakay na po!” she replied.

Habang nasa daan, tinitigan niya si Love. She asked to herself, ano nga ba ang nagustuhan niya kay Love? He’s a total player, he drives fast, he’s hard headed, he’s a jerk, he’s a bully…….pero, he has hypnotic eyes, perfect nose, cute dimples, cherry lips, an athletic figure….he can be sweet most of the time. In short, he makes her heart beats fast. Basta bigla nalang niyang naramdaman na mahal na niya si Love.

“ Hoy Hon, baka matunaw ako niyan! Alam kong guwapo ako but I’m not comfortable when you look at me like that. Baka mabunggo tayo. Hahaha!”

And that makes her heart jumped off out of her chest.

“Ha? O-oy h-hindi ah! Thick face ka talaga!” but deep inside sobrang napahiya siya.

Atlast, nakarating na sila sa university na pinapasukan nila.

Pagkababa nila sa carpark, all the girls staring at them….no, they’re staring at him only.

She literally rolled her eyes   (tssk… mga patay gutom sa guwapo!)

“ Love, una na ko sa’yo baka ma-late na ko sa class.” Sabi ni Honey.

“ teka, where’s my kiss?” pahabol nito

She always blush whenever he teases her like that. Pero alam naman niyang mapagbiro talaga si Love, so she doesn’t take it seriously kahit pa na kinikilig siya.

“ i-kiskis mo sa kanila.” Pointing at the girls who are willing to that.

My Boy-FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon