CHAPTER 14: STATUS: IT'S COMPLICATED!

38 0 0
                                    

Pagdating niya sa bahay, pakiramdam niya pagod na pagod siya. Hindi dahil sa school activities, kundi dahil kay Love,

"Honey darling, how are you? You like tired." salubong ng mommy niya,

" I'm ok ma, where's dad?" sabay halik sa pisnhi nito,

" He's inside the room, pagod sa biyahe,"

" Ah, miss ko na din siya. What about kuya, nagkita na kayo?"

"Yes darling, actually sabay kaming nag-dinner tatlo. Sabi ni manang mga 8:30 pm pa kasi ang labas mo sa school so hindi ka nanamin nahintay. Promise magse-set kami mg dad mo ng dinner na magkakasabay tayong apat."

Minsan kasi hindi maiwasan ni Honey ang malungkot. Kailangan din naman niya ng presence ng family niya lalo na sa panahon na may problema siya. Gusto din niyang maka-bonding ang family niya, aapat-apat na nga lang sila tapos bihira pang magkita.

" Oh by the way Honey, nakasabay nga pala namin si Tito Ridger at Tita Faye mo sa airport. For good na yata sila dito sa Pinas. Mga binata at dalaga na ang mga anak nila. Si Jake at Jane dito na mag-aaral."

Si Tito Roger at Tita Faye ay family friend nila and neighbor din tulad ng family ni Love. May dalawang anak ang mga ito. Si Jake kasing edad ni Love. Nung mga bata pa sila lagi sinasabi na pakakasalan daw siya nito pag lumaki na sila. Siyempre hindi naman siya naniwala, mga bata pa kaya sila nuon. Si Jane naman kasing edad niya. Crush na crush naman nito si Love, pero laging tinatakasan ito ni Love pag kinukulit siya na i-kiss Daw siya nito.

Naisip niya na ano na kaya ang itsura ng mga ito ngayon? Antagal din kasing hindi sila nagkita. 10 yrs old si Jake nung umalis ang pamilya nila at pumunta sa States para dun na mag-stay dahil sa work at business ng mga magulang nito.

Tanda pa niya bago ito umalis, binigyan siya ng isang key chain ni Jake na may palawit na kalahating puso. Yung daw kabiyak nito ay itatago naman niya. Kapag dumating daw yung time na magkita sila ulit, pwede nang pagsamahin at pag-isahin ang puso na yun.

Napangiti siya nang maisip niya ang kakulitan ng magkapatid, lalo na si Jake. Si Jake na bukambibig na mahal daw siya nito. Buti pa nga ang bata pag sinabi niyang mahal o gusto niya ang isang tao, hindi complicated. Hindi katulad sa sitwasyon nila ngayon ni Love.

It's Sunday morning........

5:30 am, mas maaga siyang nagising sa usual na gising niya pag may pasok siya. Malapit lang naman ang school nila sa subdivision nila. Ang traffic lang talaga ang kalaban nila sa biyahe.

Hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari kahapon,

Ang dami niyang gustong itanong kay Love pero hindi naman niya masabi ang mga ito....

Naiinis siya dahil pinapaasa lang siya lalo, pakiramdam niya pinaglalaruan lang ang damdamin niya. Inisip niya na marahil nalaman na nito ang totoong nararamdaman niya at nagta-take advantage lang ito. Pwede ding nalaman nito ang feelings niya at naawa lang sa kanya kaya pinagbibigyan lang siya.

"aaaaaahhhhhhh!!!!!!!!"

"anak, wats da matir?" si manang. Parang anak na din kasi ang turing nito sa kanya. Maliit pa silang magkapatid nung nagsimula itong magsilbi sa kanila. Makulit din si manang at minsan trip mag- ingles.

"Manang, I'm ok."

Naisip nalang niyang mag-jogging, gusto niyang ma-divert ang attention niya sa ibang bagay. Sasakit lang ang ulo niya kapag inisip niya ng inisip yung sa complicated love story nila ni Love.....yun eh kung meron nga!

Nagjogging sya hanggang sa makapunta siya sa park. Naupo siya sa isang bench nang mapagod. Nauhaw siya pero nakalimutan niyang magdala ng tubig.

Biglang may nag-abot sa kanya ng bottled water,

My Boy-FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon