CHAPTER 8: A DAY WITH MY B-F

43 1 0
                                    

Nasa bedroom si Honey (as, usual ) reading and searching sa google for her project. Hindi nga kasi siya nakapag- research sa library after the incident. ( dun sa chapter 6 )

Ayaw na niyang maalala yung nangyari sa lib. Pero hindi niya maiwasan maisip yun…….

Masakit kasi, mas masakit pa sa migraine niya……

Someone knocked on her door,

“Come in,” not looking at the door

“Hey there, what’s up?” It’s Love

*_*

Her heart jumped, pero she promised na babawasan o pipigilan na niyang ma-excite ang puso niya para dito.

( pwede bang maturuan ang puso?)

“Hi, I’m doing my project for history.” Sagot niya.

Medyo natulala si Love nang mapagmasdan niya ang suot ni Honey. She’s wearing a red spaghetti strap and white short-shorts. Hindi kasi siya sanay na ganun ang suot nito. Sa tagal-tagal na nilang magkaibigan bihira niyang makita na nagsusuot si Honey ng mga reaveling clothes. Madalas pants, walking shorts na mahaba, shirt o simpleng house dress. 

“huy! Para kang natuklaw ng ahas diyan.” She snapped out of him.

“ Let me help you with that. Pero pwede bang mag-bonding naman tayo? Laro muna tayo ng Wii just like before.”  Parang bata si Love na nagmamakaawang makipaglaro sa kanya.

They played tennis, golf and boxing. They really like to play video games kahit nung mga bata pa sila. After they got tired, isinaksak ni Love ang Super Paper Mario na CD,

Na-complete ni Love ang mission. Sa tagal-tagal na nilalaro nila ito, atlast na-save na ni Mario ang princess from the monster. Medyo mahirap din malagpasan yung mga mission at kelangan ng pasensiya,

Sa sobrang katuwaan nila they got carried away and they ended up hugging each other….then bigla silang natigilan,

(<<_)------(_>>)                               looked away….

It was a moment of silence, it was awkward for the both of them.

 Dati rati naman ginagawa nila ito nang walang halong malisya, but not this time.

It’s totally different. Para silang napaso at the heat is so much to bear….

May malisya na ba ang dati nilang ginagawa dahil;

A). Grown-ups na sila,

B). Love niya si Love,

C). May pagnanasa sa kanya si Love?

Siyempre inalis niya sa multiple choice yun letter C! feeling naman niya na pagnasaaan siya ni Love, eh mas sexy pa yung mga nagiging babae nito.

So the answers are A and B!!!

Love broke the silence para mawala ang tension,

“Galing ko talaga no! dapat igawa mo ko ng special sandwhich mo!”

Ang special sandwhich na tinutukoy ni Love ay simpleng ham sandwhich na nilagyan ng scrambled egg, lettuce, mayonnaise at tomatoes. Palaging gumagawa si Honey ng sandwhich everytime na mag-bobonding sila nito.

After nilang kumain, nagkwentuhan sila sa veranda ng room ni Honey…

“Um..Love, kung hindi mo ako best friend sa tingin mo magkakagusto ka sa ‘kin? I-I mean am I pretty?” hindi niya alam kung saan siya kumuha ng sandamakmak na lakas ng loob to ask him about that.

Tinitigan muna siya nito and that make her feel uncomfortable. Siguro kung best friend lang talaga ang tingin niya dito hindi ganun ang nararamdaman niya everytime he stares at her.

Then he smiled, “ You’re the most beautiful woman I’ve ever known.”

Then pumagitna nanaman si AWKWARD …..

“….isip bata ka nga lang! hehehehe!” dugtong ni Love,

Hinampas niya ng hinampas sa braso si Love and they both laugh hard.

pero deep inside sobrang kinikilig si Honey!!!

My Boy-FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon