Chapter 8

7 0 0
                                    


Madaling araw ako naka flight, ilang oras rin ang lumipas bago ako makarating sa leyte. Sinundo ako ni ate sa airport kasama ang asawa niya.

Habang nasa sasakyan eh pansin ko na tila hindi mapakali at aligaga si ate.

“ Ate may problema ka ba at dika mapakali?” tanong ko.

“ Ahh w-wala naman Mariah, may iniisip lang ako na bagay.” sambit nito.

“ Ahh okay, kamusta si itay nga pala?” tanong ko.

“ M-medyo bumuti na yung lagay ni itay.” sagot nito sabay iwas nang tingin sakin.

Napakunot na lang ako sa noo at tila may kaba akong naramdaman, kakaiba ang kilos nang ate ko na tila may bagay siyang nahihirapang gawin o sundin.

Sumilip ako sa sasakyang lumang sasakyang pang delivery ni kuya Roy, asawa nang ate ko. Napansin kong ang daan ay papunta sa bahay namin.

“ Teka Ate daan ito pauwi satin ah? Bakit dito tayo lumiko? Doon ang sa hospital!” natatarantang sambit ko.

“ Tama ang daan natin Mariah.” sagot nito.

Napatigil na lang ako nang ma realized kong may mali sa nangyayari, at sa realisasyon na ’yun ay lalo akong ninenerbyos.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay namin. Agad na bumungad sa pinto si ina na nagwawalis sa labas habang si itay ay nagpapatuka nang mga manok na alaga nito.
Bumaba na ako agad sa sasakyan, agad na lumingon sakin sila inay. Lumapit sakin si inay at niyakap ako.

“ Taon na ang lumipas anak, salamat at bumisita ka!” masayang sambit sakin. Yumakap ako pabalik.

“ Uuwi at uuwi parin ako sa inyo inay.” sagot ko.

“ Mariah, mag usap tayo sa loob.” sambit ni ama at pumasok ito sa loob nang bahay.

“ Mariah, sorry nag sinungaling ako sayo, utos kase ni itay eh na magpanggap siyang na stroke para makauwi ka.” paliwanag nang aking ate.

Tinignan ko na lamang siya at nilampasan, siguro panahon narin para makapag usap kami ni itay.

Pumasok ako sa bahay umupo sa katapat na upuan ni itay.

“ Akala ko po ba ay na stroke kayo itay, ano po bang kailangan nyo sakin?” agad kong tanong.

“ Alam kong hindi ka uuwi nang walang matibay na dahilan, kailangan kitang makausap patungkol sa iyong anak, at bakit hindi mo siya dala?”

napahigpit na lang ako nang hawak sa laylayan nang damit ko.

“ ano po ang pag uusapan natin patungkol sa anak ko?” tanong ko.

“ Magtapat ka sakin, anong rason at umalis ka noon? Sumagot ka nang maayos Mariah.” sambit nito.

“ Dahil ayokong mamulat sa magulong mundo niyo ang anak ko, tama nang ako lang ang wag na ang anak ko itay. Ayokong kamuhian siya nang lahat at ayokong pagdudahan niya ang kanyang kalayaan bilang bata. Hindi ko kayang makitang magagaya sa inyo ang aking anak.” matapang na sagot ko.

“ At bakit mo masasabing magagaya sakin ang apo ko? Nasasabi mo ba iyan dahil lalaki ang anak mo?” tanong nito.
Hindi kaagad ako nakasagot at yumuko na lamang dahil biglang pumasok sa aking isipan ang maamong mukha nang aking anak at lalo akong mangangamba nito sa oras na mahiwalaya sa akin ang aking anak.

“ Lalaki ba ang anak mo Mariah? Sagot!” galit na sambit ni tatay.

Agad na lumapit si inay sa akin at hinarap si itay.

“ Huwag mong sigawan ang anak ko sa pamamahay na ito!” inis na sambit ni inay.

“ Sumagot ka Mariah habang nakakapagtimpi pa ako.” sambit ni ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Soldier's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon