Chapter 7

5 0 0
                                    


Ilang linggo nang pabalik balik si Captain Lorenzo sa school. Ilang araw narin nila akong tinatanong kung ano nga ba ang relasyon namin ni Captain Lorenzo Romero.

“ So ano ang chika natin  Ma'am Mariah? Anong score niya sayo?” pang aasar niya.

“ Wala nga kaming relasyon Ma'am Yazona.” sagot ko.

“ Eh ano kayong dalawa?”

“ Tatay siya nang anak ko.” bagot na sambit ko.

Nanlaki ang mata nito at niyuyog ako.

“Omg! kaya pala ang pogi nang anak mo! Pogi pala ang tatay! omg! ang swerte mo!” sambit nito.

“ Anong swerte pinagsasabi mo? hindi ako swerte!” sambit ko

“ Sus nag deny kapa, kamusta naman ang puso mo Ma'am, may pag asa ba?” panunuksong tanong nito.

“ Wala maayos ang puso ko, tigilan mo ako Ma'am Yazona..” sambit ko.

tinigilan na ako nitong asarin dahil magtuturo na siya. Habang nagcheck ako nang mga seat work nang mga studyante ay mag ring ang phone ko. nang i check ko ito ay tumatawag si ate Tanya.

“Hello ate bakit napatawag ka?”

“ M-Mariah, hinahanap ka ni itay, umuwi kana!” utal na sambit ni Ate.

“ Teka nga umiiyak kaba ate? May nangyari ba??” tanong ko.

“ Si tatay inatake sa puso kanina, nag uusap lang naman sila ni pinuno tapos parang may pinagtalunan sila at biglang nagkaganon si itay.” paliwanag ni ate.

“ S- Sige uuwi ako agad try kong makabili nang ticket ngayon.”

“ Sige ingat ka."

Binaba ko na ang call, agas akong naghanap nang ticket na rush mabuti na lang at may nakitaa ako. Napatigil na lamang ako nang maalala ko ang aking anak.Hindi ko ito pwedeng isama dahil sigurado akong magkakagulo. Dali dali akong lumabas at nakita ko sa playground ang mag ama.

“ Lorenzo p-pwede ba tayyong mag usap saglit”

“ Sige, ano yun?”

“ Maari bang isang linggo muna sayo si Micheal? Kailangan kong umuwi sa leyte para puntahan ang tatay ko, inatake ito sa puso.”

“ Kailan ka uuwi?”

“ Bukas ng alas singko.”

“ So sakin uuwi ngayon ang bata?”

“ Oo, pansamantala.”

“ Bakit hindi mo siya isasama?” tanong nito.

Napatigil ako at umiwas nang tingin.

“ p-para sa safety nang anak ko." sagot ko.

“Safety? What do you mean?”

“ Please wag kanang magtanong..” sagot ko.

Tumango na lang ito at binuhat ang anak ko.
Pumunta kami sa faculty, at kinuha ko ang bag na dala ko.
Lumabas kami at sumakay sa sasakyan niya. Nakarating kami sa apartment, pinapasok ko siya at dumeretso ako nang kwarto para kunin ang mgaa gagamitin nang anak ko.
Nilagay ko ito sa malaking bag at nilabas.

“ Ito ang gamit ni Micheal na dadalhin mo, andyan ang diapers, gatas at mga damit.” sambit ko.

Tumango lamang ito at chineck ang nasa loob  nang bag.

“ Hindi kaba magpapahatid?” tanong nito.

“ Wag na kaya ko mag isa.” sagot ko.

Tumango lamang ito at tumayo, kinuha nito ang bag.

“ Sige na aalis na kami.” sagot nito.

“ Mag iingat kayo  ah, alagaan  mong mabuti si Micheal, Captain.”

“ I will.” sagot nito.

Hinatid ko sila sa labas at nang maka alis na ang sasakyan niya ay agad akong pumasok sa loob at nag impake nang mga damit ko at nilagay itto sa travel bag. Ang totoo niyan diko alam kung lalagpas nang isang linggo ang pagpunta ko doon, hindi ako sigurado.
___________________________
Tanya's pov

“ Natawagan mo naba?” tanong nito

“Opo, itay.” sagot ko.

“ Ano po bang kailangan nyo kay Mariah?”

“ May mga kailangan siyang ipaliwanag sa akin.”

The Soldier's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon