Introduction

8 1 0
                                    

guys it is my first time na magsulat ng sarili kong story so hope you guys like it. :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ma intindihin mo naman ako! Mahal ko yung tao!" pagmamakaawa ko sa mama ko.

"Mahal? Anong alam mo sa salitang yan ha? Dise otso kalang!" sigaw sa akin ni mama.Medyo nagulat ako dahil hindi nya naman ako sinisigawan.

"Oo dise otso lang ako ma pero alam ko na yun. Sa kanya ay naramdaman ko kung kung anong ibig sabihin ng mga salitang yun ma. Sa kanya hindi ko na kailangan na magpanggap na masaya ako. Kusang lumalabas yung mga tawa ko. Kusang ngumingiti yung labi ko.Sa kanya nararamdaman ko kung pano maging totoo sa sarili ko. Sa kanya naramdaman ko na may taong nagbibigay importansya sa akin. Sa kanya humaharap ako bilang ako. Hindi yung humaharap ako sa isang tao dahil yun ang kailangan."

Alam kong wala akong karapatang sbihin tu kay mama pero parang sasabog na kasi ang dibdib ko. Sobrang sakit na kasi.

"Hindi ko ba napaparamdam sayo yun?" medyo naging mahina ang pagkakasabi ni mama.

"Naparamdam? Sorry ma ha dahil hindi ko matandaan na nag effort ka para maiparamdam sa kin ang mga bagay na yun. Nakalimutan mo na ata dahil sa pagiging busy mo sa trabaho. Buti pa nga ibang bata naalagaan mo pag may sakit sila. Buti pa sila nagagamot mo. Buti pa sila natatanong mo kung kumusta. Sa akin ba ma naisipan mong gawin yun? Huh! Bat ko pa tintanong e obvious na nga masyado e. Ang tanga ko talaga para tanungin pa yun. Nga pala ma nalaman mo bang inapoy ako ng lagnat nung isang linggo? Malamang hindi. HAHA. Pinilit kong makapunta nun ng hospital. Kahit na sobrang sama na ng pakiramdam ko pinilit kong umabot dun. Pero nalaman mo ba? Hindi! Dahil wala kang pakialam sakin." Wala na hindi ko na talaga napigilan yung mga luha ko.

"Anak hindi ko alam." Alam kong nakokonsensya si mama. Pero lagi nalang bang ganun?

"Lagi naman ma. Kelan ka pa magkakaron ng alam tungkol sa akin? Hindi ko na aasahan yun. Sabagay sanay nadin naman ako na ako lang mag isa. Wag kayong mag alala wala na akong nararamdaman. Ewan ko ba ma. Siguro nga ma pag tinanong kita kung ano ang paborito kong ulam di mo masasagot. Kasi wala kang alam sa akin ma. Wala!"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mama. Masakit. Sobra. Pero hindi lang yun basta physical na sakit. Hindi ko akalaing kaya ni mama na pagbuhatan ako ng kamay sa kabila ng lahat ng mga naging kakulangan nya sa akin.

"Anak sorry. Hindi ko sinasadya. Anak sorry." Umiiyak din pala si mama? Pinigilan ko si mama nung akma syang lalapit sa akin.

"Masakit sya ma. Pero mas masakit pa din yung sakit dito ma. Sobrang sakit." Habang

tinuturo yung dibdib ko.

"Ma mahal na mahal kita pero kasi hindi ko na yata ulit kakayanin na mag away tayo. Kaya ito na yata muna ang mas magandang gagawin natin ngayon." Sinasabi ko yun habang nakatingin sa picture namin dito sa may side table ng kwarto ko. Matagal na ang picture nay un. Mga grade 1 pa yata ako. Isang picture yun na nakunan nung nasa isang park kami. Makikita mo sa picture ang isang Quinne Caroline Velasco na nakangiti habang nakahawak sa mga magulang nyang sina Pauline Velasco at si Joseph Sarmiento. Ibang iba sa Quinne ngayon. Surename ni mama ang dala ko dahil hindi pa kasal ang mga magulang ko. Hindi pa din kasi pwede noon na dalhin ng bata ang apilyedo ng ama kapag hindi pa kasal ang mga ito. Madalang ko lang din noon makasama ang papa ko dahil isang beses lang syang umuuwi sa loob ng isang taon dahil sa trabaho nya. Kung hindi nga dahil sa picture na to ay baka tuluyan ko ng nakalimutan ang mukha ng ama ko. Sigurado din naman ako na nagbago na ang mukha nya dahil sa tinagal tagal na ng panahon ng di naming pagkikita. Hindi ko na nakita ang papa ko simula nung naghiwalay sila ni mama. Kung ano man ang rason ay hindi ko alam. Bukod sa wala akong lakas ng loob na kausapin si mama tungkol dun ay natatakot ako sa malalaman kong sagot galling sa kanya. Duwag na kung duwag pero takot lang akong masaktan. Pagod na akong masaktan.

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon