Chapter 2
Ang sabi nila, ang kasal raw ay hindi parang kanin na pagmainit ay iniluluwa pero sa mga nalaman ko ngayon... hindi pa man nangyayari ang kasal na iyon ay parang ayaw ko na. Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon.
Kinabukasan rin ay kinausap ako ni Lola. She told me about the content of the will.
Alam kong nagdadalamhati kami pero nang maliwanagan ako ay hindi ko rin s'ya maintindihan. Isang kagimbal-gimbal na kaalaman ang nalaman ko ngayon pero kailangan bang madaliin ang lahat?
Tama si Magnus na bakit nga ba hindi na muna palipasin ang libing ni Tito bago pag-usapan ang bagay na ito pero mukhang nagmamadali si Lola.
She discussed to me along with attorney the content and the conditions of the will and I’m confused bukod pa sa kaalamang parte ako ng pamamanahan ng mga ari-arian ni tito lalo pa at hindi n’ya naman ako kadugo o kaano-ano. Sigurado ako sa bagay na iyon. Ngunit ang sabi ni attorney ay pwede raw at nangyayari talaga ang ganito. It is unexplainable dahil baka raw random lang ang naging desisyon ni tito at hindi na ako makapagtanong pa ng mas malinaw na dahilan.
Isa pang nagpapasakit ng aking ulo ay ang pagpapakasal raw naming dalawa ng kanyang apo.
“It is stated here, Miss Altamarino, that both you and Mr. Albez will inherit the company and the properties. In a condition that you’ll have to get married," paliwanag ni Attorney.
“Pwede ho bang tumanggi?” singit ko na ikinaalma naman ni Lola.
“Well, in this case then... a charity of your choice can obtain all of these in a form of money. Nasa sa inyong dalawa pa rin ang desisyon hija.”
Hindi ko alam kung anong klase pang pagtanggi ang gagawin ko. Idinahilan ko na ang lahat lahat kung bakit hindi ako dapat na pamanahan ng mga iyon and this idea is insane. I mean, me marrying Magnus. Oo nga't gusto ko s'ya pero hindi ko alam ang iniisip n’ya hinggil rito. Mukha ngang ayaw n’ya yatang makasal sa akin base na rin sa nangyari kagabi. At isa pa’y hindi ko bagay ang magpakasal para lamang sa mamanahin. Kung magpapakasal man ako ay dapat bunga iyon ng pag-ibig at hindi ng kung anong bagay.
Ayaw kong sabihin ito pero I’ve always thought of Tito as a just and a wise man at kung s’ya nga ang nagdesisyon ng mga bagay na ito ay nakakadismaya. I am clearly left here without a choice. Kung sa akin lang ay payag akong ibigay na lamang sa charity ang mga mamanahin pero mukhang hindi naman papayag si Magnus lalo na si Lola na mariing tumututol. At isa pa'y hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko para desisyunang ipamigay lang ang lahat ng iyon.
“Hija, hindi maaaring ipamigay lang ng basta ang mga iyon. Alam kong kung ganoon man ang magiging desisyon ninyong dalawa ay sa mabuti naman mapupunta, makakatulong iyon sa charity na mapipili n'yo pero... nakikiusap ako, apo. Isipin mo na lang ang lahat-lahat ng iyon. Pinagsikapan iyong maigi ni Armando and these, all of these hija is the family's loom na sinikap na panatilihin ng ninuno namin. Just think of it. Please, kahit iyon na lamang ang pagtanaw mo sa mga utang na loob mo kay Armando at sa pamilya namin.”
Tama s’ya, ang buhay ko ngayon ay bunga ng kabutihang loob ng kanilang pamilya pero hindi ko alam kung tama bang ang pagpapakasal ko ang magiging kabayaran ng lahat ng iyon.
Katulad ng sinabi n’ya ay pinag-isipan ko nga ang lahat ng maigi. Malinaw naman na wala na akong ibang pagpipilian pero hindi ko alam kung bakit pa nga ba masyado kong iniisip. Siguro'y dahil alam kong napakalaking bagay nito.
Buong linggong pinag-isipan ko ang bagay na iyon. Noong hindi pa dumadating dito sina Magnus at hindi pa napag-uusapan ang tungkol doon ay naisip kong bubukod ako. Kagagraduate ko lang at pupwede naman ako sa kahit anong trabaho. Nakakahiya rin naman na dito pa rin ako susulok. Pero dahil ro'n ay mukhang hindi na matutuloy ang aking plano.
BINABASA MO ANG
Sealed And Kept (on-going)
RomanceLilac Altamarino, being the good girl of La Rosaria del Ranzo, dreamt of getting noticed by Magnus Salvatore Albez. She is reserved and modest and she's not sure if he'll ever notice her especially that she knows she's just some boring, plain girl. ...