CHAPTER 8

283 13 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ASTRID'S POV

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Napaisip ako sa nangyari kahapon. Normal lang ba na magkiss ng walang label? Okay lang siguro iyon dahil kwento nila mommies na ganun din sila noon, eh.

Nakakahiya!

Pero bakit ang rupok ko? Ay, nasa lahi pala namin. Pero sa dinami dami din ng makakapagpangiti sa akin ng ganito bakit doon pa sa kinaiinisan ko?

Tapos mahal pa ang ex kaya olats tayo.

Napailing iling nalang ako bago bumangon at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para makainom ng tubig pero nakita ko ang maliit na papel sa may ref.

Good morning! Eat your breakfast first. Take care!

Napangiti ako bago buksan ang ref at kumuha ng tubig para makainom bago dumiretso sa bathroom.

Ng matapos ako napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Nakita kong may message si rox kaya binasa ko iyon.

Rox
Nasa baba ako ng dorm. Come here.

Nagmadali akong bumaba at nakita ko nga itong nakatayo sa gilid.

"Let's talk." Sinundan ko siya at pumunta siya sa may garden.

"Talk about?" Tanong ko bago umupo sa bench.

"Kayo na ba ni Yuzuki?"

Huh? Gago?

"Hindi."

"Saan ka nagpunta kahapon? Nag ditch ka sa klase."

"Rooftop."

"Are you with her?"

"Yeah."

"Sabi na, eh!"

"Bakit ba?"

"Balita ko kasi babalik na si Lian dito sa university."

"Oh tapos?" Kunot noo kong tanong. Ano naman kung babalik siya? Magpapaparty ba ako?

"Anong tapos? Kapag bumalik si Lian wala kana."

"Huh? Saan naman ako? Bakit wala na ako?"

"Tangina ang slow mo. I mean, wala kana. Kawawa ka dahil nandiyan na si Lian."

"Paano ako kawawa?"

"Tangina talaga." Napahilot ito sa sentido niya pero taka parin akong nakatingin sa kanya.

"Kapag bumalik siya pwedeng magkabalikan sila ni Yuzuki lalo na nagtransfer dito si Yuzuki. Remember girl, sa ASU nag aaral si Yuzuki pero nagtransfer dito sa SU."

Mukhang natauhan ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita.

"Astrid, do you love her?"

Oo? Siguro?

"I dunno."

"Ang gulo naman ng nararamdaman mo."

Sobra.

"Sa tingin ko kasi kapag kasama ko siya ayaw ko ng matapos yung araw. Gusto ko din na lagi siyang nasa tabi ko. Gusto ko na lagi siyang kasama."

My Queen! (G×G)Where stories live. Discover now