CHAPTER 15

300 10 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

ASTRID'S POV

Nag aayos ako ng mga libro ko para makauwi na din ako sa dorm ng mapansin ko ang maliit na envelope dito. Kinuha ko iyon at binasa pero para akong binuhusan ng malamig na tubig at naramdaman ko nalang ang panginginig ng katawan ko.

Magaling ka parin makipaglaban, huh. Sa susunod mas maghihirap ka pa, QD. Yung mga kambal mo kaya nasaan nadin? What if unahin ko si Zephyra Azherah Sevilla Singh? Pwede rin naman si Zehera Ashelah Sevilla Singh? No, no, no. Ikaw ang gusto kong unahin, Zerlain Astrid Sevilla Singh.

Ganito din ang natanggap kong sulat noon kaya hinanap ko ang sulat na iyon sa bag ko.

Ang tagal mo ng nagtatago, ah. Miss kana namin, QD. Hindi ka pa ba papakita sa amin? Gusto ko ng magbaha ulit ng mga dugo, QD.

Damn!

Who they are?

"May binigay nanaman bang love letter ang secret admirer mo?" Napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Rox kaya mabilis kong tinago ang mga envelope.

"Ang dami mo na talagang secret admirer kaya nagseselos si Yuzuki, eh." Kung alam niya lang yung nakasulat malamang matatakot na siya.

"Dami mong sinasabi diyan. Tara na." Pag iiba ko ng usapan at lumabas na. Paglabas ko nakita ko si Yuzu na nakasandal sa corridor.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Rox sa kanila pero seryoso lang ang tingin sa akin ni Yuzu kaya ako na ang umiwas ng tingin

"Susunduin kayo." Tori said

"Susunduin? Bakit naman?" Tanong ulit ni Rox.

Kailangan ko ng makaalis dito.

"Hindi ba kayo manunuod ng practice namin para sa intramurals?" Tanong ni Jane

Intramurals? Oo nga pala, pumasok sila dito bilang volleyball player.

"Astrid, nood tayo?" Napatingin silang lahat sa akin.

"May pupuntahan kasi ako." Sagot ko dahilan para lumapit sa akin si Yuzu.

"Saan?" She asked

"Uuwi kasi ako sa bahay." Pag sisinungaling ko pero yung mga tingin ni Yuzu ay hindi naniniwala. Nakokonsensya tuloy ako pero kailangan ko na talagang makaalis dito.

"Oh, okay. Take care." Pilit na sabi niya

"Kayo din mag iingat." Mabilis akong umalis at sumakay nalang sa taxi ako para walang makasunod sa akin. Siguradong alam nila ang kotse na ginagamit ko.

Pumunta ako sa Underworld na nakahoodie at mask para hindi nila ako makilala, napangiti ako sa nakita.

Dito sa Underworld na ito nandito ang iba't ibang organization sa iba't ibang bansa na naglalaban, meron din dito na mga anak ng mafia. The Fallen Devil are the top in the Philippines at kasama ako doon. We are the leading the underworld of this country. Lahat ng laban na nangyayari dito ay legal dahil isa si Mamu Zeki sa mga humahawak nitong underworld.

I am the Queen of Death, dating rank no. 1 ng The Fallen Devil, iba't ibang laban ang meron dito. Pwedeng laban gamit ang mga kutsilyo, laban gamit ang kamay, laban gamit ang mga baril at hindi papahuli ang death race.

Mahabang kwento kung bakit ako umalis dito sa underworld. Pero dahil dito natago ko din ang totoong ako. Wala, eh. Isa akong Singh at galing ako sa pamilyang mafia, isa din akong heir ng mga Singh dahil ako ang bunso sa mga kambal ko kaya sinabi sa akin ni Mamu Zeki na dapat walang makakakita sa akin. Masyadong mahigpit ang sitwasyon ko dito kaya umalis ako at nagpakalayo, nawala ng parang bula. Hindi nila alam kung nasaan ako pero kilala nila ako bilang Queen of Death dahil sa paraan ng pagpatay ko. Natrain na ako simula bata kung paano pumatay kaya wala na din akong pake kung may mapatay ako. Walang nakakaalam ng totoo kong pangalan maliban sa mga kasamahan ko dito.

My Queen! (G×G)Where stories live. Discover now