CHAPTER 18

255 13 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ASTRID'S POV

"Yuzu...." Banggit ko sa pangalan niya ng hawakan niya ang kamay ko at ito nanaman ang kakaibang tingin niya, nakatingin siya kay Megan ng masama.

"Coach was looking for you awhile ago, tawag ka niya." Madiin na sabi niya kay Megan

"Oh, I see. Thanks." Lumabas na si Megan kaya kaming dalawa nalang ni Yuzu ang naiwan dito.

"What are you two doing here?" Yuzu asked seriously

"Wala."

"Let's go kanina ka pa din hinahanap ni Rox." Hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Habang naglalakad kami yung mga students na ang tumatabi sa dinadaanan niya. Nakakatakot kasi ang awra niya ngayon. Nasa daan lang ang tingin niya kaya binitawan ko ang kamay niya.

"What's the problem?" Sa wakas nagsalita na siya.

"Are you mad at me?"

"Why would I? May dapat ba akong ikagalit?"

"Bakit ganyan ang inaasal mo?"

"Wala. Pagod lang ako sa practice." She looked at me seriously

"Sorry." I lowered my head but I felt she hold my hand again.

"Let's go, I'm starving."

Pumunta na kaming canteen at nakita naman namin sila Rox na nagtatawanan doon.

"Yuzuki, si Meg?" Tanong ni Jane kay Yuzu

"Pinatawag ni coach. Bakit ganyan mukha mo?" Tanong naman ni Yuzu

"Itong dalawa kanina pa naghaharutan sa harapan ko, eh." Turo niya kina Tori at Rox

"Hoy, hindi kami naghaharutan."

"Palibhasa wala lang makausap."

"Alam mo Jane, hanap ka nalang ng babae diyan para may makaharutan ka din." Tumatawang sabi ni Yuzu kaya napabusangot si Jane

"Wala akong mahanap dahil halos lahat mukhang gurang." Humagalpak na kami ng tawa dahil sa sinabi niya.

"Oh, si master!" Napunta ang tingin namin sa may entrance at nakita ko na papunta sa gawi namin sila East.

"Hi guys!" Bati ni Blue kina Yuzu bago sila umupo left side ko. Nasa right side ko kasi si Yuzu at katapat namin ang tatlo.

"May kwento kami sayo." Taas kilay na sabi ni Blue. "Ang daming magagandang babae kanina."

"Kaya nga. May nakilala nga ako, eh. Lian yung pangalan niya tapos sinubukan niya akong harutin pero iniwan ko siya. Hindi ko siya type, eh." Mahabang sabi ni East kaya natigilan ako at napatingin kay Yuzu na seryoso lang din nakatigin sa amin

"Pero alam mo, Astrid, parang nakita ko si Langit kanina." Kunot noong tukoy ni Blue kay Heaven. "Hindi kaya buhay pa siya?"

"Gaga ka, Blue. Paanong buhay iyon nakita naman natin na patay–" Hindi na tinuloy ni East ang sasabihin niya ng panlakihan ko siya ng mata para iparating na may kasama kaming iba.

"Patay na patay siya sa akin." Awkward itong tumawa kaya napailing iling ako at nagsimula na rin kumain.

Ng matapos kami ay nagpaalam na din sila Yuzu dahil may practice pa daw sila. Si Rox din may kailangan asikasuhin sa faculty.

My Queen! (G×G)Where stories live. Discover now