Chapter 7: A Grandfather's Answer

74 0 0
                                    

DAVIEN

“SAWAKAS!!!”

Uh-oh! (-_-“)

“Uh… Miss pwede bang akin na lang itong music notebook? Tsaka ako naman unang nakakita eh.”

“Ano?! Kung nauna ka nga nakakita bakit nagkasabay tayo ng pagdampot?” Sabi ko nga Davien basag ka. Wala pang bumibitaw ni isa sa amin sa music notebook na ito.

*grerrrl*

Nagpaparamdam na mga alaga ko sa tiyan. 

“Sige na Miss. Ngayon lang kasi ako pwede lumabas ng bahay para makabili ng school supplies. Mukha namang pwede ka lagi gumala. Ayan oh. Kasama mo naman boypren mo. Sige na Miss.”

“No way in your face!” Sabay tinaasan ako ng kilay at inirapan. Haaaay, gutom na talaga ako.

“Sige na brad ibi---“

“MISSAYUNOH! MAYISAPANGMUSICNOTEBOOKDUN!”

*SWOOSH!!!*

Pagtingin nila sa tinuro ko kumaripas ako ng takbo papunta sa Cashier na malayo sa pinanggalingan ko. Mukhang di na rin niya ako masundan dahil sa dami ng tao. HAHA!

Ayan lang naman nangyari sa akin nitong kahapon ng kahapon ng kahapon. Hehe! Pero nakakapagtaka nun eh simula ng araw na yun paulit-ulit nagrereplay sa utak ko yung mataray niyang itsura para kasing nakita ko na.

“Brother Stups, aalis na ako. Dadalaw-dalawin nalang kita siguro tuwing Linggo or bahala na.”

“Oo na, oo na. Basta Kuya, atupagin mo naman babae oh! Kaya ka napapagkamalang bading. BWAHAHAHA! David bading!”

“Ulol! Davien bading! WOW BAGAY! Bwahahaha!!!”

“Pakyu kuya, never come back! Este mamimiss din kita! Bookerhead! LAYAS NA!!” At binato ko siya ng libro sa tabi ko.

“Langya! Dadalawin ka ni Lolo niyan. BWAHAHAHA!!!”

“BAKIT?!”

Tinignan niya ako sabay biglang tumawa ng demonyo.

“BYE STUPS!” At binagsak ang pintuan ng kwarto ko.

“Ay putcha! Ang talaan!!!”

Napunit ang front cover at naghiwa-hiwalay ang ibang pages.

“Lolo, please wag ka magpaparamdam. Sorry na po. Di ko sadya!!!”

Habang pinupulot ko ang mga pages may nakita akong page na may naka-drawing shaped like a swan.

Caption:

            A-re nga pala ang origami na itinuro ng aking Tatang Pedrito. Paper crane daw ang tawag di-ne at nagmula sa bansang Hapon. Ang sabi niya ga ay isusulat lamang sa loob ng papel ang iyong kahilingan at kailangan makagawa ng gani-re ng isang libo upang matupad ang hinihiling. Sa isang libong paper crane dapat iisang hiling lang ang isulat. Walang oras na dapat habulin basta isang libo ang magawa.

Itinabi ko na ito at nagpulot ulit ng iba pa. Another page catched my attention…

 Ika-23 ng Hunyo 1934 ---- Alas-diyes ng gabing puno ng maniningning na bituin

Ngayon ko natapos ang ika-isang libo’t huli ng paper crane na itinuro ni Tatang Pedrito sa akin. Sa aking buong kolehiyo ngayon ko lamang ito natapos at ang tanging hiling ko lamang dun ay kami ni Constancia ang magkatuluyan at magsama habang-buhay. Halos siyam na taon ko din siya hinintay upang mahingi ang kanyang kamay sa kanyang mga butihing magulang. Natatandaan ko pa nun ang sinabi sa akin ng kanyang itay.

“Iho, tanggap ka namin ng aking pamilya para sa aming dilag na si Constancia. Ngunit masyado pang maaga ang nais lamang namin ay makapagtapos muna kayo’t ikaw ay makapaghanap ng magandang hanapbuhay para sa ikabubuti ng magiging pamilya niyo.”

Kaninang alas-kwatro ng hapon kami’y nagkita ni Constancia sa Paradiso Marikit. Nagliwaliw kami’t kumain.

Nag-arkila ako ng mga manunugtog habang kumakain sa isang lihim na bahagi ng paradiso. Inanyayahan ko siyang sumayaw at lumuhod ako sa kanyang harapan. Binuksan ko ang maliit na kahon at inilabas ang mamahaling singsing. Isang singsing na may dyamante na ibinigay sa akin ng aking ina.

“Constancia, irog ko. Sa siyam na taong aking paghihintay, hindi ka nawala sa aking isipan at puso. Nagkaroon ng mga tukso ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ako nagpadala sapagkat iisa lamang ang alam ko simula ng makilala kita. Ikaw lamang iibigin ko lubusan magpakailanman, walang hangganan. O Constancia, handa ka na ba tahakin ang mga daanan ng buhay kasama ako?”

“Oo Bien. Mahal na mahal kita, ikaw lang at wala ng iba.”

Napakamaawain talaga ng Poong Maykapal at salamat na din sa tulong ng isang libong paper crane. Salamat sa namayapang tiyo ko na si Tatang Pedrito.

Mahal na mahal kita Constancia.

“Nice Lo! Kaya pala nainlove si Lola Cons sa iyo ha!” Napaisip ako tungkol sa origami na iyon. Totoo naman kaya yun?

Inaayos ko na yung Talaan at madali naman na napagsunud-sunod ko kasi di rin naman talaga ganun kakalat. Pagkatapos, binuksan ko na ang pc ko at nagresearch about sa paper cranes na ito.

…crane is the symbol for long life, prosperity and good health. Recently through the story of Sadako Sasaki, the crane has become a symbol of peace.”

“For thousands of years the Japanese culture has treasured the crane as a symbol of honor and loyalty. The crane symbol is used on many Japanese heraldic devices and is a theme in many famous works of art.”

I also searched a brief story about Sadako Sasaki. After researching, it somehow made me feel that this would be a sign, a good one.

“Lo, eto na ba yung dapat ko gawin para makita ko ulit si France?”

Tumaas bigla balahibo ko at…

“WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!! LOLO NAMAN EH!!!!”

Twisted Fate of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon