Ending

935 36 0
                                    

DALAWANG linggo na din ang nakakaraan mula nang umuwi ako sa probinsya. Ang alam lang ng mga magulang ko ay nag-asawa na ang amo ko kaya may mag-aalaga na kay Chichi.

Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari, lalong-lalo na ang aking alaga, hindi ko maiwasang maiyak.

Kumusta na kaya siya?

Sana naman hindi siya nalulungkot na tulad ko.

Ngumiti ako sa ginang na lumapit sa puwesto ko.

"Magkano po ang isang kilong bangus?"

"One hundred sixty po," sagot ko.

Inabot niya sa akin ang tatlong pirasong bangus. Pagkatapos ko itong ikilo, agad kong nilinisan.

Tutok na tutok ako sa aking ginagawa hanggang sa mangawit ako kaya umayos ako ng tayo. Sakto namang nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na mukha.

Nananaginip ba ako?

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata, bago ako muling tumingin sa gawi niya.

Hindi umalis si Sir mula sa kinatatayuan niya. Titig na titig pa nga siya sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Umirap ako at hindi na muling tumingin pa sa kaniya. Nang makaalis ang customer, lumapit siya sa akin.

"Magkano ang isda?" tanong niya.

"Sarado na kami," mataray kong sagot. Napakamot naman siya ng kaniyang ulo.

"Ang sungit naman ng tindera." Inirapan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong.

"Bibili ng isda."

"Tsk!"

"Magkano ba lahat, para maubos na itong paninda mo nang makapag-usap tayo."

Naumid ang aking dila sa huli niyang sinabi.

Tumikhim ako saka siya tinaasan ng kilay.

"Wala tayong dapat na pag-usapan."

"Meron. Sorry, Lorena. Sorry for. . ."

Tsk. Dito talaga?

"Bilhin mo na muna lahat ng paninda ko!" inis kong sabi.

"Magkano ba lahat?" tanong niya. Binunot niya ang lahat ng laman na pera ng kaniyang pitaka.

Tinanggap ko ito bago ko nilagay sa malaking plastik ang mga isda.

Nagtataka tuloy na nakatingin sa amin ang ibang tao dito sa palengke. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin?" Sabi ko nang makapasok kami sa loob ng kaniyang sasakyan.

"I'm sorry if I choose Jessica over you."

Napalatak ako pero hindi ako nagsalita.

"Bago namatay ang mommy ni Chichi, binilin niya sa akin na if ever I would love again. Piliin ko ang kaniyang bestfriend dahil tiyak na mamahalin daw niya ang anak namin."

Umismid naman ako. "But I was so wrong. Wala akong ibang paliwanag doon. Nagkamali ako, I'm sorry. Patawarin mo ako. Bigyan mo ako ng chance na itama ang pagkakamali ko. Gusto kita, Lorena. Sorry kung sa halip na sabihin ko ito sayo at iparamdam. Kabaliktaran ang ginawa ko. Please, bumalik ka na. Bumalik ka sa amin ni Chichi."

"Ginagawa mo ba ito dahil kay Chichi?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Ginagawa ko para sa akin, para kay Chichi, para sa pagmamahal ko sa'yo."

Mahal daw.

"Kung hindi ka naniniwala, manliligaw ako sa'yo. Papatunayan ko na nagsasabi ako ng totoo."

"Dapat lang na manligaw ka, no!"

Tumawa siya. "So, pinapatawad mo na ako?"

"Ano pa nga ba!"

"Yes! Tama nga si Chichi. Hindi mo ako matitiis dahil mahal mo din ako."

Mangha akong napatingin sa kaniya. Ang daldal talaga ni Chichi. Pero infairness, tinulungan niya kami ng kaniyang daddy na magkaayos.

Umuwi kami ng bahay at nadatnan namin doon si Chichi na masayang nakikipaglaro sa mga kapatid ko.

Mukhang dito dumiretso ang mag-ama pagdating nila sa probinsya namin.

"Mommy!" tili ni Chichi nang makita ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Pumayag na siyang maging mommy ko, Daddy? Pumayag na siyang maging wife mo?"

Nakangiwi akong tumingin kay Ford na kakamot-kamot ng batok niya.

Natawa naman sina Nanay at Tatay na nakaupo sa bangko sa ilalim ng puno.

Tuwang-tuwa sila kay Chichi at tinuring na nga din nila itong parang tunay nilang apo.

Nag-stay muna silang mag-ama dito sa probinsya ng ilang linggo bago kami lumuwas pabalik ng Manila.

Sinama namin ang aking mga magulang at kapatid dahil sa Manila namin dinaos ang aming kasal.

Matanda na kasi ang magulang ni Ford kaya hirap na silang bumiyahe papuntang probinsya kung doon idadaos ang aming kasal.

Alam kong mabilis, pero doon din naman papunta ang lahat. Alam ko na siya ang binigay na sagot ng Diyos sa akin sa gabi-gabi kong pagdadasal. Siya ang binigay niyang lalake na makakasama ko habang buhay.

"I love you so much, Lorena."

Hindi man ako ang unang babaeng minahal niya, masaya ako na ako ang babaeng mamahalin niya hanggang sa kami ay uugod-ugod na.

"Mahal din kita, Ford. Kayo ng mga anak natin."

Nakangiti naming pinagmasdan si Chichi habang karga niya ang kapatid niya.

Masaya ang naging pagsasama namin ni Ford. Kung noon, tutok na tutok siya sa trabaho. Ngayon mas madami na siyang oras na binibigay sa amin ng kaniyang mga anak. Talagang tinupad niya ang pangako niya na kami ang magiging priority niya.

    END

HUWAG KOPYAHIN
HUWAG NAKAWIN

My Boss Is A Hot Byudo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon