Upang matulungan ang mga magulang sa paghahanap-buhay, namasukan siya sa lungsod ng Manila. Ang kailangan lang niyang gawin ay alagaan ang makulit na anak ng isang byudo. Hindi lang basta byudo kundi, guwapo at sobrang hot na byudo. Gabi-gabi ay laman ng panaginip niya ang kaniyang amo na hot byudo. Pakiramdam niya mahal na nga niya ito, kaso hindi man lang yata siya nasulyapan ng tingin ng lalake. Hindi gaya niya ang tipo ng hot byudo na amo.