"Ayos ka lang?" tanong ni Rita sa akin. Marahan akong tumango nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Sinabi sayo ni Chichi?"
Marahan ulit akong tumango. Tinapik naman niya ang aking balikat, kaya pinilit kong ngumiti upang ipakita sa kaniya na ayos lang ako.
Inaayos ko ang tray na dadalhin ko sa silid ni Chichi, nang marinig ko ang sigaw ni Chichi.
Nagmamadali akong lumabas ng kusina upang puntahan siya. Napatingala ako nang makita ko si Chichi kasama ang kaniyang ama at ang balingkinitang babae.
"Ayaw ko sa kaniya! Ayaw ko siyang maging mommy!" Sigaw ni Chichi habang umiiyak.
Mukha namang disappointed ang kaniyang ama dahil sa inaasta niya.
Kahit na malayo, kitang-kita ko din ang pagsama ng timpla ng mukha ng babae.
Hindi sa nagseselos ako pero iba ang pakiramdam ko sa babae.
Dahil usapang pamilya ito, pinili kong huwag mangialam sa problema ng mag-ama.
"Si Yaya Lorena ang gusto kong maging mommy!" sigaw ni Chichi.
"I thought you like her! You even kissed her!"
Nagulantang ako sa narinig ko. Sabay namang napatingin sa akin si Sir at ang babae na kasama niya.
Hindi naman ako makatingin sa kanila ng diretso kaya nagbaba ako ng tingin.
"Siya lang ang gusto kong maging new mommy!"
Hindi nakasagot si Sir. Si Chichi naman ay tumakbo pabalik sa kaniyang silid.
Imbes na sundan ang anak, bumalik sina Sir at ang babae sa kanilang silid.
Bumalik ako sa kusina upang kunin ang pagkain ni Chichi.
Nang makarating ako sa kaniyang silid, nadatnan ko siyang umiiyak.
"Huwag ka ng umiyak," alo ko sa kaniya pero mas lalo pa niyang nilakasan ang kaniyang pag-iyak.
"Ikaw ang gusto kong mommy," iyak niya.
Malungkot akong ngumiti. Kahit naman ako ang gusto niya, hindi naman ako ang gusto ng kaniyang ama.
Parehas kami ni Chichi na nasasaktan ngayon. Kung wala sigurong nangyari na halikan sa pagitan namin ni Sir, masasabi kong wala akong karapatan sa mga nararamdaman ko ngayon, e.
Para din akong maiiyak pero pinigilan ko.
Ngayon pa lang, naiisip ko na ang maaring mangyari sa susunod na araw.
Baka paalisin na ako sa bahay na ito. Kailangan ko ng ihanda ang aking sarili.
Napamahal pa man din na sa akin si Chichi at lahat ng mga nakasama ko dito. Mamimis ko sila.
Sa mga sumunod na araw, hindi pa din kumain si Chichi kasabay ang kaniyang ama at ng nobya nito.
Maging si Sir ay mukhang umiiwas din naman sa akin.
Hanggang sa isang araw, nag-out of town si Sir.
At habang wala siya, ang kaniyang nobya ay nagpakita ng totoong ugali.
Nabalitaan ko kay Rita na dating bestfriend pala ng mommy ni Chichi si Jessica. Jessica ang pangalan ng girlfriend ni Sir.
Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya pinili ni Sir. Sabagay, ano ba naman ang laban ko sa isang katulad ni Jessica. Bukod sa angkin nitong kagandahan, may maganda din itong trabaho, at bukod doon, galing din ito sa mayamang pamilya.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Hot Byudo- COMPLETE
RomanceUpang matulungan ang mga magulang sa paghahanap-buhay, namasukan siya sa lungsod ng Manila. Ang kailangan lang niyang gawin ay alagaan ang makulit na anak ng isang byudo. Hindi lang basta byudo kundi, guwapo at sobrang hot na byudo. Gabi-gabi ay...