1. Her Birthday

2 0 0
                                    

AMARY POV

Kasalukuyan akong nagbibihis dahil ngayon ang araw na kung saan makakasama ko ang mga kaibigan ko dahil ililibre nila ako sa mall.

First time kong makakapunta sa isang mall dahil na rin sa hirap ng buhay. Isasama nila ako dahil sa gusto nila maging masaya ako ngayong birthday ko.

Actually i am not in the mood to do this. Ayoko lumabas at mag gala dahil na rin kalilibing lang nung nakaraang lingo ang kasama ko sa buhay ang lola Pina ko.

Si lola Pina ang nagsilbing nanay at tatay ko. Hindi ko man siya tunay na lola ay inalagaan at pinalaki niya akong mabuti. Mahirap man ang buhay namin ay masaya ako at tinuring niya akong kadugo niya.

Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko ang kuwento lang ni Lola bago siya mawala ay nakita niya ako na umiiyak sa ilalim ng posteng may ilaw habang bumubuhos ang napakalakas na ulan.

Kaya naman kinukop niya ako at pinalaki. Pinagaral rin niya ako sa isang paaralan kaya naman labis ang iyak ko nang mawala siya. Pero laking pasasalamat ko na mayroon akong mga kaibigan na sinamahan ako at tinulungan nung namatay ang lola ko.

Malungkot mang isipin pero ayun ang totoo ako na lang mag isa sa mundong ito kaya kakayanin kong maghanap ng isang marangal na trabaho upang matustusan ko ang aking sarili sa darating na mga araw.

"Amary! Tapos kana ba? Nandito kami ni Nicole" Sigaw ng kaibigan kong si Shiela.

Si Shiela ang tumatayong ate ko at si Nicole naman ang nagiisang bunso namin. Sila ang tumayong pamilya ko bukod kay lola Pina.

"Teka lang patapos na rin ako." Sagot ko na lang sakanya.

Napatingin ako sa gilid ko ng makita ko ang isang necklace sinilid ko agad ito sa dala kong bag at lumabas na ng bahay.

"Napaka tagal mo talagang kumilos Amary." Reklamong bungad saakin ni Nicole.

"Anong sabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa hindi paggalang nito saakin.

"Ate Amary napakatagal mo talagang kumilos" Paguulit nito sa kanyang sinabi.

"Hindi yan ang narinig ko kanina Nicole." Sabi ni Shiela.

"Ayun talaga ang sabi ko di niyo lang narinig kasi may dumaan na eroplano." Pagtatangol ni Nicole sa kanyang sarili.

Natawa na lang ako at nagumpisa na kami sa mahabang biyahe. Tumingin ako sa dalawa kong kasama ngayong kaarawan ko at wala na kong masasabi pa kundi salamat sa kanila.

Sila lang naman ang nagtanggal ng kalungkutan ko at sila rin ang dumamay sa akin ng mga panahong hindi ko na kinakaya. I am so much love by my bestfriend.

SA sobrang tagal namin sa loob ng mall ang masasabi kong napaka memorable ng una kong punta dito. Halos lahat yata napuntahan namin mula ground floor ang hanggang sa pinaka huling floor ng mall na ito. Nanood kami ng sine, bumili ng ice cream, sumubok pumasok sa bookstore at bumili rin sila ng make up.

Grabe required ba pag nasa mall ka ay kailangan pasukan at bilhan mo ang lahat. Napaka gastos ng mga kasama ko.

Nagshopping din ang dalawang ito ng mga damit at binilihan na rin nila ako gift daw nila para saakin ng hindi daw ako magmukhang alalay nila.

Matapos ang mahaba- habang pagshoshopping ay napagpasiyahan naman nila na maglaro sa mall. Kaya nandito kami ngayon sa isang claw machine na kung saan ang price ay stuffed toys na si Zoro ng one piece.

"Gusto ko talaga makuha to pagbigyan nyo na ko." Sigaw ni Nicole saamin.

"Bakit wala namang umaawat sayo ha." Ika naman ni Shiela.

Naghulog ulit ng token si Nicole at kinontrol niya ang arrow ng claw machine ng makakuha siya ng pagkakataon ay pinindot niya ang isang botton at unti-unti itong bumaba upang kuhanin ang stuffed toy. Nakaabang lang kami ni Shiela sa susunod pang mangyayari at lahat kami ay napasigaw ng makuha ng claw ang isang stuffed toy.

Dahan dahan itong umangat kaso ng malapit na ito sa mismong butas ay bigla naman itong na hulog na ikinasanhi ulit ng pagsigaw namin.

"Sayang yun Nicole" ika ko.

"Konti na lang eh" ika naman ni Shiela

"Nakakainis ayun na eh." Bagsak ang balikat na sabi ni Nicole kaya naman tawa ako.

We are not done there kasi pumunta naman sila sa ibang station sa loob at naghanap ng mas magandang machine kung saan makakakuha ng maraming ticket.

Habang sumusunod ako sa kanila ay nahagip ng mata ko ang isang group ng mga teenager na nakatingin saakin. All there faces is a not familiar to me.

Sila yung mga taong kanina pa sumusunod saamin nila Nicole. May sinasabi yung isang babae sa kasama niya sabay kaway nito sa direction ko. Kinalabutan naman ako sa ginawa niya kaya naman dali-dali akong tumungo sa direction ng dalawa kong kasama.

I don't know but i feel nervous of them. Mula ng lumabas kami ng sine ay sinusundan na nila kami. Hindi ko alam pero natatakot ako sa kanila. Dali-dali akong pumunta sa direction ng dalawa.

"Guys uwi na tayo." I said. Hindi ko pinahalata sa kanila na kinakabahan ako at ayoko ring sabihin sa kanila ang tungkol sa mga kabataang sumusunod saamin.

"Too early pa, kakain pa tayo alam kasi naming hindi ka nanaman kakain." Shiela said.

"True, paubos narin token ko o tapos kain na rin tayo." Sabi naman ni Nicole.

Wala akong nagawa dahil alam ko ang mga ugali ng dalawang ito pag sinabi nila gagawin nila. Isinantabi ko na lamang ang inisip ko at nag focus na lang din sa kanila.

"LET'S go na, uwi na tayo." Ika ni Nicole.

"Gabi na rin kaya bilisan na natin." Sabi ko na lang dahil napapansin ko parin na sumusunod parin sila saamin. Kakatapos lang namin kumain at naghahanda na rin sila paalis.

"Wait punta lang ako restroom." Sabi ni Shiela kaya naman sumunod na lang ako sa kanila.

Nang makarating kami sa restroom ay mahaba ang pila kaya naman sa ibang floor kami pumunta at buti na lang ay sa sumunod na floor wala masyadong tao. Pumasok ang dalawa at ako ay naiwan lang sa labas at inaantay sila. Hindi ko na rin nakita ang nag sumusunod saamin kaya naging panatag ang loob ko kahit saglit lang.

Nagulat ako ng may lumapit saakin isang babae nang tignan ko ay siya yung kumaway saakin kanina.

"Hi i am Eastyn, what's your name?" Masayang ika nito saakin.

Bahagya akong napaatras dahil sa kanya hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko sabihin sa kanya ang pangalan ko kaso hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa takot ko sa kanya.

Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. Masasabi ko na maganda siya pero ang creepy niya nakakatakot siya.

"I guess you don't wanna say it, but i am happy to see you." Ika niya at lumayo saakin. Nang makalayo siya ng ilang hakbang saakin ay tumingin pa ulit siya saakin.

Nagulat ako sa binitawan niya salita na lalong nakapagpakaba sa akin.

"It's nice to see you Amary, I hope we will meet again, soon."

Hamington Academy: Girl In The Prophecy Where stories live. Discover now