3. World of Magic

1 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko malabo man sa una pero nakakita ako ng dalawang babaeng nag uusap.

"Ayos lang ba siya Mina?" Tanong ng isa.

"Hindi ko rin alam Mona." Sagot naman ng isa pa.

Nang luminaw ang paningin ko ay nakita ko ang dalawang bataeng babaeng nakatingin saakin ng malapitan kaya naman napasigaw ako.

Nang marinig nila ang sigaw ko ay napasigaw din sila at napaatras upang lumayo saakin. Napatayo ako bigla saaking pagkakahiga.

"S-sino kayo? Nasaan ako?" Ayan agad ang nasabi ko.

Tumakbo ang dalawang bata at nagtungo sa labas ng makabalik sila ay may kasama na itong babae.

Lumapit saakin ang babae at pinagmasdan ang mukha ko.

"Are you okay now?" Tanong nito saakin

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya at sa kung ano ang gagawin ko. Kaya naman napatango na lang ako sa sinabi niya.

"Gusto mo ba ng maiinom?" Sabi nito.

Tumango na lang ako. Pinagmasdan ko ang mukha ng babaeng nasa harap ko at masasabi ko na maganda siya kaso nga lang hindi marunong ngumiti, matangos ang ilong at napakaganda ng buhok niyang kulay asul.

Wait asul? Nagpakulay ba siya ng buhok ang ganda naman parang totoo. Baka na man siguro wig lang ang suot niya.

Nang mawala siya sa paningin ko ay pinagmasdan ko ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Mula sa bubong na pawid at sa dingding masasabi kong nasa kubo ako. Maganda at maayos at malinis ang paligid. Para lang akong nag out of town sa province ganun ang vibes.

Hindi rin nagtagal ay dumating ang babaeng may kulay asul na buhok may dala itong baso na may lamang tubig.

"Here, uminom ka muna" sabi nito at iniabot saakin ang baso.

"Salamat." Ika ko at ininom ang ibinigay niyang tubig. Iniabot ko ulit ang baso sa kanya ng maubos ko na ang laman nito.

"Ako nga pala si Radleigh Seawright, nice to meet you." Pagpapakilala nito saakin.

"Amaryllis, Amaryllis Gazella" I smile at her.

Ngumiti rin siya pabalik saakin at doon ko lang napansin ng malapitan ang mukha niya. Maganda siya may porselanang balat at hindi pala talaga asul ang kulay ng buhok niya malapit lang ito sa kulay na asul.

"My i ask you a question?" Biglang sabi nito na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Oo naman" Nakangiting sagot ko.

"Galing ka ba sa kabilang mundo?" Tanong nito.

Napakunot ang noo ko ng itanong niya ito. Baliw ba siya? Nalilito ako sa tanong niya galing ako sa kabilang mundo? Bakit may iba pa bang mundo parang encantadia? O baka naman school ni harry?

"Ha?" Ayan na lang ang lumabas sa bibig ko. 

"Sa tingin ko kasi galing ka sa mundo ng mga mortal dahil hindi pamilyar ang mukha mo saakin." Seryosong sabi nito.

"Anong galing sa mundo ng mortal bakit may magic ba dito? Fairy? Monster?" I said while smilling.

Wala naman nagbago sa reaction niya kaya ang tawa ko napalitan ng pilit hanggang sa maging ubo ito.

"I'm not joking Amaryllis. This is the world of magic." Seryosong sabi nito. "Nakita ka ng kapatid ko nagaling sa Morpus Forest nakung saan makikita ang mga portal ng mga mortal na tao." Dagdag pa nito.

Napatingin ako sa kanya at napapikit at naalala kong nasa mall nga ako kasama sina Nicole at ate Shiela ng mahulog ako at mapunta doon sa sinasabi niyang Morpus Forest.

"This world is different in your world. Maraming mga mababangis na hayop ang naninirahan dito, isa naroon ang umatake sayo kanina ang Irnes. Hindi namin alam kung paano mo natalo o may tumulong ba sayo para mapatay ang ganung kalakas na Rone pero mabuti naman at ligtas ka." Mahaba pang paliwanag nito saakin.

"May paraan pa ba para makabalik ako sa mundo ko. Alam kong may nagaantay saakin at hindi ako kabilang sa mundong ito." Sinabi ko na ikinagulat niya.

"Hindi ka mapupunta sa mundong ito kung hindi ka nabibilang sa mundong ito. Inshort lahat ng napupunta rito ay may tinataglay na mahika o magi hindi makakapasok ng portal ang isang mortal na tao para makapunta sa lugar na ito." Mahabang paliwanag nito na ikinasanhi nanaman ng pagkagulat ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa mga nalaman ko at talaga bang puro nalang gulat ang mararamdaman ko dito? Pero bakit nandito ako sa mundo ng mahika?

Tumayo ako at tinignan siya. "Para namang totoo itong panaginip ko." Sabi ko.

Tama panaginip lang ito. Isa lang itong panaginip walang mundo ng mahika sa mga libro at tv lang mababasa at mapapanood yun. Lahat ng ito ay panaginip lang. World of magic ha, funny.

Kinurot ko ang sarili ko at naramdaman ko ang sakit. Tinignan ako ni Leigh ng may pagtataka. Hindi panaginip lang ito pero bakit nasaktan ako sa kurot ko?

Inihanda ko ang kamay ko at sinampal ang sarili ko ng napakalakas na ikinasanhi para matumba ako sa sahig. Agad naman akong tinulungan ni Leigh na makatayo at ibinalik ako sa puwesto ko kanina.

"Ano bang ginagawa mo? Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Sandali may kukunin ako." Ika nito bago ako iwanan ulit.

Napatingin ako sa salamin na malapit sa puwesto ko at nakita kong namumula pa rin ang pisnge ko kung saan ko sinampal ang sarili ko.

Hindi siya nagbibiro totoong nasa mundo ako ng mahika? Pero bakit? Paano? Hindi ko alam kung ano pang itatanong ko sa sarili ko na hindi ko naman alam kung ano ang mga sagot.

Maraming tumatakbong katanungan sa isip ko na hindi ko alam kung ano ang tamang sagot at ano nga ba ang sagot.

Nang makabalik si Leigh ay madala na siyang isang halaman na hindi ko mawari kung ano. I just stare at her and i didn't utter any word.

Pinagmamasdan ko lang siyang ilagay ang halaman na ilagay sa pisnge ko. "Mawawala ang pantal ng pagsampal mo rito." Kumuha siya ng isang malinis na tela at ibinabad sa isang tubig na may kakaibang kulay at ipinahid ito sa pisnge ko kung saan na kalagay ang halaman na hindi ko alam kung ano ang tawag.

Matapos niya magawa yun ay pinahiga niya ko sa kama. Wala paring lumalabas sa bunganga ko sa subrang gulat dahil totoong nasa mundo ako ng mahika. Hinayaan ko na lang si Leigh na lagyan ako ng kumot.

"Lalabas na muna ako bukas na tayo mag usap, gabi na rin at kailangan mo nang magpahinga Amaryllis." Sabi pa nito.

Hindi ko na siya sinagot at hinayaan ko na lang siya makalabas ng kuwarto. Nang makalabas siya ay napaluha na lang ako. Araw ng kaarawan ko tapos napunta ako sa lugar na hindi ko alam at may mga mahika pa.

Nakarinig ako ng ingay sa labas na parang may naglalaro na mga bata labas na sana ako ng bigla na lang tumahik na parang binibigyan ako ng pagkakataon na pagpahinga at mag isip.

Marahil kailangan ko nga munang mag isip-isip. Happy birthday Amary. Nasabi ko na lang sa isip ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hamington Academy: Girl In The Prophecy Where stories live. Discover now