2. Strange Creature

1 0 0
                                    

Natulala ako ng marinig ko ang huling sinabi ng babae bago umalis sa harapan ko. Ang daming tanong ang biglang nabuo sa isip ko.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino siya? Nakita ko na ba siya? Hindi ko alam at lalong wala akong alam sa kung anong nangyayari kanina. Halo-halong kaba, takot at pag kakilabot ang nararamdaman ko ngayon.

Nabalik ako sa kasalukuyan ng tawagin ako nila Nicole.

"Amary let's go na." Sabi ni Shiela at nauna silang maglakad. Hindi ko alam pero hindi ko maigalaw ang katawan ko marahil siguro sa takot at kaba. Nakatingin lang ako sa harapan at pinagmamasdan ang dalawa na makalayo saakin ng mapansin nila na hindi ako sumusunod sa kanila ay bumaling muli ang tingin nila saakin.

"Amary are you okay?" Tanong saakin ni Shiela.

"Namumutla ka yata." Pansin naman ni Nicole sa akin.

"O-okay lang ako." ayun na lang ang nasabi ko.

"Are you sure? Para ka kasing nakakita ng multo na ewan." Ika ni Shiela.

"H-hindi w-wala yun." Sabi ko sabay tawa ng konti. "Hilamos lang ako." Sabi ko sabay takbo sa loob ng restroom.

Nagtungo ako sa sink ay tinignan ang sarili ko sa salamin at totoo nga ang sabi ni Nicole namumutla ako. Kaya naman dali-dali akong naghilamos matapos nun ay kinuha ko ang towel sa bag ko at pinunas ito sa mukha ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Wala lang yun siguro kakilala mo siya before kaya alam niya ang pangalan mo." Sabi ko. "Tama ayun nga baka classmate mo lang siya or nakasama ko sa church." Pagkukumbinsi ko pa sa sarili ko.

Matapos iyon ay hinanap ko ang lipstick ko sa loob ng dala kong bag at ng kukunin ko na sana ito ay bigla na lamang nawala ang inaapakan ko at bigla na lamang akong nahulog.

Napasigaw na lang ako sa sobrang takot ngunit mas ikinatakot ko ang naramdamang kong biglaang pagsakit ng aking ulo para akong nahihilo na hindi ko maintindihan. Nasusuka na parang hindi. Biglaan din nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa isang malambot na lupa.

Pagdilat ng mata ko matapos ang tagpong iyon ay nakita ko na lamang na wala na ko sa restroom ng mall dahil hindi ko na makita ang salamin na kanina lang ay pinagmamasdan ko. Wala na rin ang mga cubicle na kung saan makikita mo ang mga kubetang nasa loob nito bagkus ang nakikita ko ay isang napakaganda at napakaaliwalas na lugar.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil sa ganda ng lugar na ito. Ang mga halaman at puno ay makukulay na sumasabay sa indayog ng hangin. Napakasarap pagmasdan. May mga nagsisipagliparin din na makukulay na alitaptap sa paligid.

Nasaan ako napakagandang lugar na ito. Patay na bako? Langit na ba ito? Napabalikwas ako ng tayo ng maramdaman kong gumalaw ang lupang kinauupuan ko.

Nakarinig ako ng ingay mula sa kanan ko ng tignan ko ito ay nagulat ako sa aking nakita hindi ko alam kung tatakbo ako o sisigaw pero nakakita ako ng manok hindi isang daga hindi pinagsama.

Ang katawan nito ay katulad ng isang manok maging ang mga paa nito, may buntot ito ng isang daga maging ang mukha nito ay maihahalintulad sa daga. Hindi ko alam kung anong tawag sa hayop o kung ano man ang tawag dito pero nakakatakot siya.

Tumayo ako at magsimulang tumakbo ng magsimula itong tumakbo tungo sa direction ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa nilalang na ito pero isa lang ang masasabi ko nakakatakot siya.

Hindi ko alam kung nasa langit na ba ako o sadyang na nanaginip lang pero kung panaginip man ito sana magising na ako.

Takbo lang ako ng takbo dahil sinusundan parin niya ako lahat ng madaan ng nilalang na ito ay nasisira. Sa kakatakbo ko ay hindi ko napansin ang nakausling sanga na ikinasanhi upang ako ay matalisod.

Pagbagsak ko ay nakita ko na ng malapitan ang nilalang na nasaharapan ko at masasabi kong nakakakilabot ang itsura niya. Hindi nga ako nananaginip dahil naramdaman ko ang pag agos ng dugo sa tuhod ko. Tumilaok ito na parang isang manok pero madidinig mo parin ang sitsit ng daga.

Hindi ko na maigalaw ang paa ko dahil sa sakin ng pagbagsak ko at maging ang tuhod ko ay napuno narin ng dugo kaya naman umatras lang ako ng umatras habang papalapit ito sa direksyon ko. Iwawagayway na niya saakin ang buntot niya kaya naman napapikit ako.

Naisip ko agad si Lola Pina maging ang dalawa kong kaibigan. Mamatay na ba ako ngayon araw? Ito na ba ang huling sandali ko sa mundong ito.

Ipinikit ko pa lalo ang mata ko at iniisip na sana ay mabuhay pa ako. Nang maramdaman ko ang hangin na malapit na saakin dahil sa buntot ng nilalang na ito ay nakaramdam ako ng iba sa katawan ko.

Parang may iginuguhit sa batok ko na hindi ko maintindihan kung ano pero  nararamdaman ko na apoy ang ginamit sa pagsulat dito dahil ramdam ko ang  sobrang hapdi at damang - dama ko ang init at paso sa batok ko kaya naman napasigaw ako ng malakas na ikinasanhi upang tumalsik ang nilalang na kanina lang ay humahabol saakin. Bigla na lamang din sumakit ang ulo ko at nagdilim ang aking paningin.

THIRD PERSON POV

Nang mahimatay ang babae ay bigla nalamang nagliwanag ang kanyang buong katawan. Nagbago ang kulay ng buhok nito. Ang kaninang kulay itim na buhok ay naging orange sa hindi malaman na dahilan.

Habang nagliliwanag at lumulutang ang katawan ng babae sa ere ay makikita mo sa kanyang batok ang isang guhit ng kalahating araw at kalahating buwan na napapalibutan ng mga bituin. Nang mabuo ang mga ito ay biglang lumutang ang dalang bag ni Amary at lumabas ang isang kuwintas na kusang sumuot sa kanyang leeg.

Nang tuluyan ngang masuot ang kuwintas sa kanya ay dahan - dahang bumababa ang katawan nito sa lupa at kusa na lamang nawala ang liwanag sa kanyang katawan.

Sa hindi kalayuan ay nakita ng isang babae ang nangyari sa dalaga mula sa paglutang nito sa ere hanggang sa kusang pagsuot ng kuwintas sa leeg nito. Maging ang pagtalsik sa kaninang nilalang na humahabol sa kanya.

Gulat man sa nangyayari ay lumapit parin ang babae at pinuntahan ang dalaga. Hinawakan nito ang mukha ng dalaga at pinagmasdan ang kuwintas na suot nito.

Isa lamang ang tumatakbo sa isip ng babaeng na kakita sa dalaga.

"Dumating kana nandirito kana. Maraming salamat at ika'y nagbalik" nasabi na lamang ng babae.

Nagmadali ring umalis ang babae ng maramdaman na mayroong paparating. Hindi nagtagal ay may dumating na dalawang bata kasama ang kanyang ina.

"Dito namin narinig ang sigaw ng isang babae, ina!" Ika ng dalaga.

Nagulat sila ng makita nila si Amary na nakahiga sa sahig at walang malay.

Hamington Academy: Girl In The Prophecy Where stories live. Discover now