Gumising siyang maayos na rin kahit pa paano ang kanyang pakiramdam.
"Bilisan mo dyan Anna bumangon dahil pupunta tayo ng resort." Kusinera rin kasi ang ina nya sa resort kapag nangailangan ng magluluto. Lalo na kapag maraming guest.
Agad siyang naligo bago nag-ayos ng sarili. Sumabay siya sa ina habang naglalakad.
"Hoy Merlina! Pinagtataguan mo ba kami? Baka gusto mo ipa barangay ka namin sa utang mo?" Nagulat sila sa biglaang pagsalubong sa kanila ni Aling Nacing. Ito yong naniningil sa kanila dahil baon na sila sa utang sa tindahan nito. Yong kahapon naman na pumunta na si Maricar ay kapatid nito.
"Ikaw pala Nacing, mamaya nalang namin bayaran pag-uwi. Papasok 'tong si Anna sa resort. Sure na talaga na babayaran ka na namin sa pag-uwi."
"Siguraduhin mo lang ang tagal na nun, 'di pa bayad." Mabuti na lamang din ay 'di na ito nag tagal pa dahil may dumating itong bisita.
Pagdating sa resort dumiritso agad ang ina sa kusina para magluto. Mukhang maraming guest ngayon dahil pagdating nila ay lahat may ginagawa.
"Anna, pwede bang ikaw muna ang mag serve doon sa dalawang nasa dulo," utos sa kanya ni Daisy. Isa si Daisy sa nagseserve ng pagkain pero dahil busy din ito sa paggagayat ng mga lulutuin ay siya na lamang ang inutusan.
Kinuha ni Anna ang tray na may nakalagay na in-order ng dalawang guest. Sinulyapan nya ang dalawang guest na nasa pinaka dulo, dalawang lalake ito at halata sa mga ito na yayamanin.
Inisa-isa nya lapag ang in-order ng mga ito sa lamesa. Tsaka nya lamang na sulyapan ang mga mukha nito at talagang napakakisig ng mga ito at ang g-gwapo. Medyo nahiya pa siya dahil ang babango rin ng mga ito samantalang siya ay ni kahit pulbos man lang ay di nagawa.
"Miss," napatitig siya sa lalakeng tumawag sa kanya. Ang gwapo nito sa paningin nya at feeling nya tuloy sila na lamang dalawa ang naroon. Tsaka nya lang din naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso nya.
"Miss, ayos ka lang ba?" bigla siya namula lalo na parang natatawa ito sa naging reaction nya. Gusto nya na lang tuloy lamunin siya ng lupa. Masyado 'atang halata na star truck siya sa kagwapohan nito.
"Ano po yon, sir?" kahit ang kasama nitong isa ay tumatawa rin sa naging reaction nya.
"Padagdag na lang ng chicken fillet, thanks." pati boses nito ay ang ganda sa pandinig nya.
"Ano pong pangalan mo?" agad nyang natuptup ang bibig dahil sa biglaang lumabas na salita rito. Hindi nya akalain na maitatanong nya 'yon, mas lalo tuloy siyang nahiya at parang gusto nya na lamang mahimatay makatakas lang sa kahihiyan.
"Arthur Bryce nga pala," name pa lang ang ganda na at halatang sosyal.
Umalis na si Anna sa harapan nila dahil baka himatayin na siya sa mga titig nito at sa gwapong mukha nito. Masasabi nya lang ay pareho na gwapo ang dalawang binata pero iba ang impact ni Arthur sa kanya.
"Bakit parang natagalan ka? Hugasan mo muna ang mga pinggan si ate Daisy muna ang mag serve don," sabi sa kanya ng ina pagkarating nya sa kitchen.
Mukhang good mood ang kanyang ina dahil 'di pagalit ang pagsasalita nito sa kanya.
"Saan po pala ma si Lani?" Si Lani kasi talaga ang nagseserve kasing age rin ito ni Anna.
"Nilalagnat raw, hindi nya kaya bumangon at sayang nga na timingan nya napakarami pa namang guest ngayon."
Napangiwi naman si Anna ng makita ang isang tambak na hugasin na nasa lababo. Kukunti lang kasi ang staff ng resort dahil sa 'di naman talaga lagi may guest. Once in a blue moon lang talaga mangyare ang maraming dumadayo sa lugar nila. Sa loob kasi ng isang buwan ay tatlo or isang linggo lamang may guest pero nakakahimala ngayon dahil isang linggo na sobra ay marami pa rin ang dumadayo. Siguro dahil ay bakasyon kaya maraming dumadayo.
Tanging paghuhugas lamang ng plato ang ginawa ni Anna o kaya kapag wala na siyang ginagawa ay tumutulong siya sa paggagayat ng mga gulay na lulutuin. Nag hapunan sila sa mismong resort na rin.
"Anna, mauna kana umuwi sa bahay at ibigay mo 'to kay Nacing," inabot ng kanyang ina ang isang libong piso. "Wala ka muna sahod ngayon dahil marami tayong utang na babayaran," naiintindihan naman ni Anna ang ina.
"Ako na dyan," naghuhugas pa kasi siya ng mga kaldero. Medyo natuwa siya dahil kahit pa paano ay bumalik ang pagiging mabait ng kanyang ina.
"Ano pang hinihintay mo? Umuwi kana don!" Medyo galit na ang mukha ng kanyang ina kaya agad siyang naghugas ng kamay at inayos na ang mga gamit nya. May dala kasi siyang bag na pinag lagyan nya ng extra na damit at ang kanyang lumang cellphone.
Habang naglalakad siya naalala nya ay malapit na pala siya mag birthday. Mag twenty years old na siya next month at ang gusto nya lang sana ay makapag college na siya. Pero mukhang malabo na talagang mangyare 'yon lalo na wala silang pera.
Palabas na ng resort si Anna ng mapatigil siya sa paglalakad. Hindi nya nga alam kong itutuloy nya pa ba ang paglalakad, paano kasi ay nasa mismong gate si Bryce. Tingin nya kay Bryce ay matanda lamang ito sa kanya ng dalawang taon o tatlong taon.
Kong na tu-turn off siya dati sa mga lalakeng naninigarilyo pero ngayon ay parang attracted pa siya nang makita nya ang binata na naninigarilyo. Kahit na bawal ito sa kanya dahil bata pa lamang siya ay may hika na siya. Habang papalapit ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Anna.
"Pauwi kana?" sabi nito nang mapansin na papalapit siya. Agad nitong pinatay ang hinihithit nitong sigarilyo ng makalapit siya. Sa dibdib nya mas lalo siyang kinikilig dahil sa ginawa ng binata. Parang nababasa nito na ayaw nya sa usok ng sigarilyo. Marahan siyang tumango sa tanong ng binata.
"Ingat ka pauwi," halos dumagundong ang dibdib nya sa tinuran nito. Ngumiti siya dito bago tumakbo palayo sa binata sa sobrang kilig na nararamdaman nya.
First time nya lamang maramdaman ang ganitong pakiramdam dahil 'di naman talaga siya na attract sa mga lalakeng mabisyo. Pero iba talaga kapag si Brent, sa isip nya na love at first sight 'ata siya.
YOU ARE READING
Once Upon A Time..In My Heart
RomanceLumaking mabait, masipag at masunuring anak si Anna. Kahit na salat sa buhay ay masaya ang kanyang pamilya pero nag bagong lahat yon nang mamatay ang kanyang ama. Nalubog sila sa utang at naging malamig ang naging pakikitungo sa kanya ng ina. Sa res...