Nasa dalampasigan si Bryce at malapit na rin mag hating gabi. Nagpapa signal kasi ito dahil may i-se-send raw na files ang organization tungkol profiles na in-imbestigahan nila. Uuwi na sana si Bryce nang may marinig siyang paparating na isang grupo ng kalalakihan. Agad siyang kumubli sa isa sa mga puno.
"Pre, ngayon na ba ang dating ng mga armas?" nakikinig lamang si Bryce sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Bobo ka ba? Kaya nga tayo naka abang ngayon dito!"
"Mga armas lang ba ang darating?"
"Hindi ko alam, pero mukhang may iba pa."
Hindi maaninag ni Bryce kong sino-sino ang mga ito dahil sa madilim ang area. Wala rin kasi talagang buwan o bituin man lang na makikita sa kalangitan. Nanatili si Bryce sa pinagtataguan nito upang makakuha pa ng ibang information. Malalaki ang katawan ng mga ito halos doble ng katawan nya. Kaya kong babalakin nya man sumugod ay dehado siya. Wala rin naman sa mission nya ang sumugod kundi ang magmanman lang.
Mga ilang minuto pa na paghihintay ay may dumating na speed boat. Malakaking bag ang laman nito at mukhang naglalaman nga ito ng mga armas.
"Pre, mukhang naiiba ito."
"Ihahatid daw yan sa kabilang isla. Gagamitin ng mga guest doon." Mukhang kailangan ni Bryce na maka punta ng kabilang isla upang makakalap pa ng ibang impormasyon.
"Napakarami nitong shabu, pre. Mukhang tiba-tiba tayo nito."
"Dalian mo baka mahuli pa tayo!"
"Sus! Ano rin bang ikatatakot natin? Wala namang laban ang mga taga rito kahit mag sumbong pa sila wala silang kakampi. Malakas ang kapit natin dito sa batas!"
Binuhat ng mga ito ang bag na naglalaman ng armas at shabu. Marahan silang sinundan ni Bryce. Pa linga-linga pa ang mga ito at nakikiramdam din sa paligid.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba?" Huminto ito at tumingin sa paligid. Mabuti na lamang ay madilim ang paligid dahil sa wala ng kuryente sa naturang lugar kapag hating gabi na. Kaya hindi mahahalata si Bryce na tumatago sa matataas na mga damo.
"Wala naman, pre. Ano ba yang pinapagsabi mo?" umiling naman ito at nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Malayo na ang nilalakad ng mga ito, parang papunta na sa kabundukan.
'Gago, ang tanga ko! Hindi ko man lang na inform si Oliver about dito. Wala pa namang signal. Bahala na nga!' yan ang binabanggit ng utak ni Bryce habang sinusundan nya pa rin ang mga ito.
Habang papalayo ng palalayo ay mas lalong nagiging mapanganib para sa binata ang lahat. Pero desidido siyang malaman kong saan naglulungga ang drug lord na hinahanap nila. Napahinto ito sa pag sunod at agad na kumubli sa matataas na damo. May sumalubong kasi sa mga ito na may mga dalang armalite na baril. Malalaki rin ang mga pangangatawan ng mga ito.
"Ito na ba yon?" marahan namang tumango ang isa sa kanila.
"Pwede na kayong umalis." Binitiwan na ng mga ito ang mga bit-bit na bag at kinuha ng mga lalakeng may hawak na armalite. Umalis din agad ang kaninang sinusundan ni Bryce. Napagdesisyonan nya na di na lang muna ituloy ang pagsusunod sa mga armadong lalake. Lalo na malalim na ang gabi at baka mapahamak siya. Sumunod na lamang siya sa kaninang sinusundan nya.
"Nakapasok kana ba sa loob?" rinig ni Bryce ang pinag-uusapan ng mga ito. Pabalik na rin ang mga ito sa mismong baryo.
"Hindi pa, pero si pareng Gino nakapasok na sa loob."
"Talaga mukhang malakas siya kay bossing, ah."
"Oo, nakakatakot daw sa loob at sobrang higpit ng security."
YOU ARE READING
Once Upon A Time..In My Heart
RomanceLumaking mabait, masipag at masunuring anak si Anna. Kahit na salat sa buhay ay masaya ang kanyang pamilya pero nag bagong lahat yon nang mamatay ang kanyang ama. Nalubog sila sa utang at naging malamig ang naging pakikitungo sa kanya ng ina. Sa res...