Maaliwalas ang kalangitan..
Presko ang simoy ng hangin..
Malayang nakakalipad ang mga ibon sa mga nagtataasang puno..
Namumukadkad ang iba't ibang kulay ng Rosas sa hardin..
Mga alagang hayop na malulusog..
At higit sa lahat... Ang mga trabahador ng Ferros Farm ay abala at masaya sa kani-kanilang trabaho.
Eto ang Ferros Farm... Kung saan matatagpuan ang...
"Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!"
"Tuloooooooonnnnnnnggggggggggg!"
"Hahahahahahahahahahahahahaha!"
"Heeeeeeelllllllllllllllppppppppppppp!"
"Anong nangyayare?! Jusko kayong dalawa talaga! Ang init init, naghahabolan pa kayo!"
"Nang! Si Babs po kasi eh! Alam niya namang takot ako sa bulate."
"Hahahahaha! Eh hindi ka naman kakainin nito patpat! Duwag ka lang talaga!"
"Kahit na! Nakakadiri pa rin!"
"Ang arte mo!"
"Hindi ako maarte."
"Maarte ka."
"Hindi ngaaa–"
"Tumigil na nga kayong dalawa! Araw-araw na lang ba talaga kayong nag-aaway? Harujusko! Baka hindi na ako umabot sa susunod na taon sa inyo!"
"Nang... Sorry po.. Si Babs po kasi nag-umpisa eh."
"Siya, sumunod kayo sa'kin sa may ubasan.. Marami pa tayong aanihin."
Sumunod ang dalawa sa matandang babae pero panay pa rin ang asaran nila.
"Ang panget mo talaga! Ba't ganyan yang suot mo? Mukhang basahan hahahahaha!"
"Hoy! Anong akala mo sa hitsura mo? Tumingin ka kaya sa salamin? Mukha kang baboy ramo! Tse!"
"Naririnig ko kayo. Bilisin niyo na at tanghali na."
"Sige po Nang!" Sabay na wika ng dalawa at nagsamaan ng tingin.
Masayang tinulungan ng dalawang bata ang matanda sa pag-aayos ng mga ubas sa lagayan. Kahit papaano ay nagkasundo ang mga ito. Napangiti nalang ang matanda sa nasasaksihan.
"Zeph, ayain mo na ang kapatid mo para maligo.. Darating daw mamaya ang Daddy niyo." Saad ng matanda na ikinatuwa ng dalawang bata.
"Talaga po Nang? Uuwi na po si Daddy?"
"Yay! May pasalubong na naman ako!"
"Oo mamaya ay narito na ang Daddy niyo kaya maligo na kayo."
Sabay na naglakad ang dalawang bata pauwi sa kanilang mansion.
"Isusumbong kita kay Daddy! Hmmppp!"
"Edi magsumbong ka. Sasabihin ko rin na napaka-iyakin mo."
"Huh? Hindi ako iyakin no!"
"Iyakin ka kaya!"
"Binubully mo kasi ako!"
Nagtalo ang dalawa hanggang makarating sa Mansion. Natigil lang ang mga ito nang maghiwalay sila para maligo at maghanda sa pagdating ng kanilang ama.
Magkapatid man ay hindi sila kailanman nagkasundo. Para silang aso't pusa kung mag-away. Dalawa lang silang magkapatid kaya naman ang tanging hiling lang ng kanilang ama't ina ay ang magkasundo silang dalawa.
Magkalayo ang agwat ng dalawang batang nag-aantay sa pagdating ng kanilang ama galing sa business trip nito abroad.
"Ayan na si Daddy!"
"Nakikita ko may mata ako!"
"Tinatanong ko ba?"
"Kinakausap ba kita?"
"May nagsasalita ba?"
"Wala akong naririnig."
"Sinabi ko bang makinig ka?"
Nagtatalo at nagpapalakasan ng boses na naman ang dalawa kaya hindi nila napansin ang paghinto ng itim na kotse sa harapan nila.
"Ano na naman bang pinag-aawayan niyong dalawa?"
"Dad?"
"Daddy?"
Tuwang tuwa ang dalawa at sabay na yumakap sa daddy nila.
"Ang sabi sa'kin ni Manang Amor ay lagi raw kayong nag-aaway."
"Si Babs po kasi e, lagi akong binubully."
"Anong ako? Ikaw kaya diyan. Napaka-iyakin at Arte."
"Oh tama na yan.. Kahit kelan talaga ay hindi na kayo nagkasundo. Tutal ay bakasyon naman.. Sasama muna sa'kin si Zeph sa Manila, at ikaw naman Dahlia.. Stay here with the maids, okay?"
"Dad. I don't want to stay here with the maids! I'll just stay in Nanang Amor house." Napailing naman ang ama. Alam niyang malapit ang loob ng anak na babae kay Amor.
"Sige. Ibibilin kita kay Manang Amor pero please lang... Wag mo masyadong pasakitin ang ulo ng Nang Amor mo okay? Next next month ay uuwi na rin ang Mommy niyo. "
"Yey! Thanks Dad. Don't worry magpapakabait po ako at saka wala naman na akong kaaway eh!"
Nagkahiwalay nga ang magkapatid. Ang isa ay dinala sa Manila at doon na rin ginustong mag-aral habang ang isa naman ay naiwan sa probinsya.
Sa pagdaan ng oras, araw, linggo, buwan at maraming taon...
Matututunan rin kaya ng magkapatid ang magkasundo?
Mananatili kayang magulo at maingay ang Ferros Farm dahil sa dalawa?
O
Magiging magkasundo sila at magkakaroon ng mga kaibigan?
BINABASA MO ANG
Till Series #1: Till You Love Me (On-going)
Teen FictionWhen they first met he felt strange. He knew there was something special about her. At first, he thought that he just wanted to take good care of her because he pity her, until he realized that he cared because he loved her. But he decided to just b...