CHAPTER 6: The Supportive BrotherKIM'S POV
"Kimmy! Ang galing galing mo talagaaa!"
"Pwede ba ako magpaturo maglaro ng volleyball sa'yo? Grabe ka pumalo ng bola girl!"
Natawa ako kay Liv at Janella. Manghang mangha sila sa'kin, noong nag audition nga ako para sa volleyball team captain ay hindi sila makapaniwala, kesyo marunong daw ba akong maglaro ng volleyball. Noong una nila akong mapanood maglaro nganga sila, hindi raw kasi halata sa hitsura ko na may alam ako sa sports. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin sila na marunong ako mag volleyball.
"Don't worry, kapag may available time tayong tatlo tuturuan ko kayo mag serve." Pang-asar ko.
" Grabe ka Kim, mukha bang pang serve lang ng bola ang beauty namin?" Janella.
" May sinabi ba ako? Siyempre one step at a time lang muna tayo."
"Slowly but surely ganon? Parang sa nararamdaman mo sa taong gusto mo? Hahahhaa! " Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Olivia. Eto naman eh, bigla bigla nalang humuhugot.
"Tara na nga. Nagugutom na ako." Pag-aaya ko sa kanila. Napatingin ako ulit sa buong gym at hinanap nang mata ko ang taong gusto kong makita kaso hindi ko siya makita. Marami pa ring estudyante Dito sa gym kaso sa lahat nang nanood sa laro ko, siya pa yong wala. Tss. Paasa talaga.
Flashback..
"Pasok na." Tiningnan ko muna siya at inirapan. Naiinis ako sa kanya. Kanina ko pa siya tinatanong at kinakausap pero ngayon lang siya nagsalita.
Dere-deretso akong pumasok at umupo sa couch niya. Iginala ko ang paningin ko at di ko maiwasang mainggit dahil ang ganda ng tinutuluyan ng Loko.
"What do you like? Coffee or juice?" Seryosong tanong nito. Inirapan ko siya ulit.
"Both." Sagot ko.
"What?" Gulat na gulat lang?
"I said both."
"Seriously?"
"Tinatanong mo ako tapos di ka maniniwala? "
" Fine. Fine."
Sinundan ko siya nang tingin at natatawa sa reaksyon niya. Wala talaga siyang magawa kundi sundin ako. Takot niya lang.
Maya-maya ay bumalik na siya, may dala siyang dalawang juice at kape.
"Ba't walang tinapay?" I asked.
"Huh?"
"Tss. Nevermind."
"How are you?" He asked out of the blue.
"I'm good. Ba't ka na naman ba nakipag away?"
"Sila ang nauna."
" Dapat di mo nalang pinatulan. Tingnan mo yang mukha mo, nabangasan ka tuloy tss.."
"Kaya nga eh, malalagot talaga yong mga gag*ng yun pag nagkita kami ulit."
" Wag ka na ngang makipag-away! Gusto mo bang ako ang manira sa mukha mo? " Naiinis na saad ko. Ke-gwapo gwapong lalaki at sobrang kinis ng mukha tas hahayaan niya lang bangasan siya ng mga kung sinu-sino?
BINABASA MO ANG
Till Series #1: Till You Love Me (On-going)
Teen FictionWhen they first met he felt strange. He knew there was something special about her. At first, he thought that he just wanted to take good care of her because he pity her, until he realized that he cared because he loved her. But he decided to just b...