Maya-maya pa ay Nagsimula na ang klase namin at ang first subject everymonday ay Homeroom. Walang ikakalesson si Ma'am kaya't pinatapos na lng ang mga project at assignments na di namin natapos. Eh, natapos nanamin kagabi ni Pat ang Diad Project namin so pinatawag kami ng President namin sa classroom na si Andee. Close friend din naman namin siya so kami na lng ang pinatawag niya sa ibang officers. Officer rin naman kasi kami ni Pat at Mader Earth :) Beadle ako, Asst. Sec. Si Pat at Treasurer si Mader. Nagmeeting kami about sa Prom.
"Eh ang tagal pa non Andee eh." sabi ko.
"Wala pa ngang Christmas Party eh." sabi ni Mader.
"November pa nga eh." sabi ni Sistine.
"That's the point. Matagal pa. Pero the more natin na iniisip na matagal pa, the more yan bibilis." sabi ni Andee.
"Di natin alam, baka bukas, February na. Hihintayin pa ba natin yun? Doon pa ba tayo paplano?" dugtong niya.
"Useless naman yang Prom eh! Wala tayong makukuha diyan!" sabi ko.
"Yun na nga Marj eh. Paplano tayo ngayon para mas memorable ang Prom natin. May makuha tayo doon. May mangyayari." sabi ni Pat.
"Alam niyo? Mabuti pa eh Christmas Party na lng muna ang pagplanuhan natin." Nag-agree naman yung iba sa akin so yun na ang inuna. Nakapagplano na nga kami ng theme. It's all about love. Love kasi si Jesus ang magbibirthday sa Christmas at ang pangunahing na-ituro niya sa atin ay LOVE so yun. Nakapagplano na rin kami ng food, nakapag-assign, nakapagplano na rin kami ng activities and etc..
![](https://img.wattpad.com/cover/4760360-288-k68617.jpg)
BINABASA MO ANG
Best Friends Til The End
General FictionFriends? Sila yung mga taong nandyan para sayo. Best friends? Sila yung asawa mo ngunit di kayo kasal. Pero paano kung best friends kayo na higit pa sa maga-sawa? Kaya mo ba siyang pakawalan kahit alam mong may pag-asa pa?