Pagkatapos ng Inna, Kapatid, Anak ay umuwi na sina Inna. Natulog na rin kami ni Pat.
-Hours later-
"4:00 na pala." sabi ko.
Nagluto na ako, nagplantsa, naglagay ng shoe shine at iba pa. Ako kasi ang gumagawa niyan araw-araw. Eh pano, tulog mantika si
Pat eh. Bukas ang mga mata ko na para akong yaya ng impaktang to. Di dahil sa mahal ko siya at ginagawa ko to. Mahal ko ang DIGNIDAD ko noh?!? Sino bang gustong ma-announce ang pangalan sa buong school dahil late ka. 7:20 kasi pasok namin at gumigising siya ng 6:00. Sinu ba ang di malelate?
Ginising ko na si Pat at natapos na rin ang aming morning routine. Sumakay na kami ng tricycle at 7:18 na pla. Nasaschool na kaya sina Maderling?
Dumating na kami sa school, exactong-exactong 7:20 :) Tumakbo na kami ni Pat papunta sa linya. Nagring na kasi ang bell.
"Uy! Timing kayo ah?!? Anong oras na ba kayo natulog ni Pat?" sabi ni Claire.
"Mga 11:00. Bakit?" sagot ko.
"Wala lang." sabi niya.
Pumasok na kami sa classroom kasi tapos na ang announcements.
Si Claire nga pala. Close friend rin namin na kilala namin siya kay Sistine at si Sistine naman nakilala namin kay Airich. Ako nga pla ang nagpakilala kay Airich kanila Pat kasi nasaharapan ko kasi si Airich sa seating arrangement at ipagsama mo kaya ang dalawang walang maggawa sa buhay at the same time, nakakatuwa kaya siya and boyish siya. Ang seatmate ko na si Mariel. Close friend namin siya kasi classmate namin siya Grade6 kaya magkakuntsaba kami kapag pinagtitripan namin Airich.
BINABASA MO ANG
Best Friends Til The End
General FictionFriends? Sila yung mga taong nandyan para sayo. Best friends? Sila yung asawa mo ngunit di kayo kasal. Pero paano kung best friends kayo na higit pa sa maga-sawa? Kaya mo ba siyang pakawalan kahit alam mong may pag-asa pa?