CHAPTER 3 : PAIN

741 32 7
                                    


I cleared my throat to break the tense. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Are you okay, Anntonia?" Tanong ni Abraham nang naramdaman niyang hindi ako kumportable.

"Yes, I'm good. Medyo hindi lang talaga ako sanay. I'd rather sleep all day in my room." I chuckled.

Nag kwentuhan pa kami saglit at nagpaalam akong lalabas na muna para magpahangin. Gusto niya pa sana akong samahan pero tinanggihan ko siya. I want some alone time. Medyo sumama din talaga ang pakiramdam ko.

Nang makalabas ako ng hall ay naglakad ako papuntang dalampasigan. Umupo ako sa malaking kahoy na nakaharap sa dagat. Dinama ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Ang sarap magpahinga dito. Buti nalang talaga at kukunti lang ang tao dito banda. Karamihan kasi ay nasa harap ng isla dahil hindi naman masyadong maingay. Nasa bandang likuran kasi ang hall kay hindi maririnig ang ingay mula sa harapan.

Bumuntong hininga ako ng maalala ang nangyari. Hindi parin talaga ako makapaniwala. My bestfriend and Boyfriend betrayed me. Tumulo ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang dagat. Maliwanag parin ito dahil sa repleksyon ng buwan. Ang hampas ng alon ay para bang sinasabayan ako sa aking pag dadrama.

Niyakap ko ang aking sarili. Siguro ay tanggap ko pa kung ibang babae ang pinalit niya sa akin, bakit best friend ko pa?

Nag flashback na naman sa utak ko kung anong nangyari. It was the most painful day of my life.

*Flashback*

It was our 2nd anniversary today and I was planning to surprise him. This past few weeks ay medyo naging busy din kasi siya. He's a famous Singaporean Football player. Irfan Fandhi.

My cousin Naya helped me out. I cooked his favorite pad thai and phat si-io. A famous thai dish which I learned to cook for him.

"Do you think he'll like it?" I asked Naya excitedly. I planned to visit Irfan sa bahay nila dala ang paborito niyang pagkain.

"Of course, this was made with love." Aniya habang turo ang mga pagkain. We both laughed and packed.

Nag usap kami kanina sa chat. We greeted each other happy anniversary. We planned to date but he's so busy. Ang sabi niya ay babawi nalang daw siya.

Nilagay ko na ang mga pagkain at balloons sa likod ng sasakyan. I can't wait to see him again.

Nag ready na din ako at nag desisyon na umalis na. Maybe nasa bahay na siya ngayon. He texted me kaninang 6:00 pm na malapit na siya sa bahay. And it was past 7:00 na ngayon. Kakauwi niya lang kasi galing Singapore dahil may competition sila nga Football. Naiintindihan ko din naman kasi alam kong pagod siya.

Little did he know I'm on my way sa bahay nila. I chuckled with the thought of surprising him.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay pinark ko na din ang sasakyan. May ilaw kaya sigurado akong nakauwi na siya.

I got out of the car at kinuha ang mga gamit sa likod. I took a deep breath bago mag doorbell.

Nakailang pindot na din ako pero walang sumasagot. Siguro ay nakatulog siya sa pagod kaya ay hindi niya napansin. Thankfully I had the spare key with me. Binigay niya kasi sakin to nung may pinakuha siya sa bahay nila. I forgot to give it back.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Nilapag ko ang mga dala ko sa lamesa at inayos ang mga ito.

"Perfect." Nakangiti kong sabi nang makita ang kinalabasan nito.

Ginugol ng mga mata ko ang kabuuan ng lugar ng mapako ang tingin ko sa isang clutch bag na nasa wine bar. Siguro ay kay Iman iyon. Ang babaeng kapatid ni Irfan. Dahil bukod sa akin ay wala naman nang ibang nakakapasok dito kung hindi ang pamilya niya.

I decided na umakyat na din sa taas para sana e surprise siya. Double surprise dahil hindi niya din naman inasahang pupunta ako dito.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Para bang may bumubulong na wag kong buksan. Siguro ay dahil sa halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Pagka miss, excited at kunting kaba na din. Kumatok ako sa pintuan pero parehas kanina ay walang sumasagot kaya pinihit ko nalang ang door knob at binuksan ang pintuan.

Nanlamig ang buong katawan ko sa aking nakita. My man and my best friend in bed. Hindi ko namalayan ang sunod sunod na luhang pumatak sa mga mata ko. Nanginginig ako. Para bang na estatwa ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Naitulak ni Irfan si Veena at dali daling nagbihis. "Baby, let me explain." Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.

"Why did you do this to me?!" Humagulgol ako. Paano niya ako nagawang lokohin. "You told me you were busy the whole time. Is it because you're busy with someone else already, with my bestfriend?" Tinignan ko si Veena na ngayon ay nakaupo sa higaan at nakayuko. Ayaw niya yata akong tignan.

Akmang susugurin ko siya ng pigilan ako ni Irfan. "Anntonia calm down." I looked at him angrily.

"Calm down? After what you did to me?! Talk to me, bitch!" Bumaling ako kay Veena. Gusto ko siya sampalin pero hindi ako makalapit dahil pinipigilan ako ni Irfan.

"I'm sorry, Anntonia. It just happened." Naririnig ko na din ang mga hikbi ni Veena.

I tried to calm myself down. "Let me go." Sabi ko kay Irfan. Nang mapagtanto niyang medyo kumalma na ako ay binitawan niya din ako. "Since when?" I asked. Patuloy parin ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.

"Last month." It was Irfan. I feel like someone axed my heart. Sobrang sakit. All this time niloloko lang pala nila ako!

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. I slapped him hard again. "This one is for breaking my heart." I slapped him one more time " This one is for cheating on me with my bestfriend."

"I despise you two! I hope you'll rot in hell!" I shouted before leaving the house. Tinawag pa ako ni Irfan pero hindi na ako lumingon pa. Gusto ko nalang makalabas dito.

Sumakay ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na basta makalayo layo lang ako sa bahay na yun.

End of Flashback

Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako habang inaalala ang nangyari. It was still fresh to me up until now.

Natigil ako nang naramdaman kong may tumabi sa akin. Unti unti ko siyang tinignan.

It was Michelle.








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AT THE RIGHT MOMENT (PORDEE)Where stories live. Discover now