“Panibagong umaga, ngunit tila ba wala pa ding pag-asa. Ang aking mga mata ay tila isang lente, na patuloy na naghahagilap ng kasagutan sa isang madilim na kweba. Sa dami ng mga tao sa mundo ay bakit ako pa. Sa dami ng masasamang tao na nabubuhay ay bakit hindi sa kanila ibinigay ang ganitong klaseng parusa? Naging mabuting tao naman ako pero bakit hindi naging mabuti sa akin ang mundo? Siguro nga ay isa akong sanggano sa nakaraang buhay ko kaya’t nararapat lamang na parusahan ako ng ganito.” - sentimyento ng naglalakad na si Penelope na patungo sa Gusali ng Arkitektura. Tila ba umagang umaga ay ubos na ang kanyang enerhiya para sa buong araw na iyon.
“Ayy sh*t, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” - sigaw ng isang lalaki kay Penelope na siya namang ikinagulat niya. Hindi kasi napansin ni Penelope na naapakan na niya ang isang papel na nakalapag sa sahig, nahulog ito sa isang binata na tila baga kumikislap ang mala anghel nitong mukha. Tumigil ang mundo ni Penelope ng lumapit sa kanya ang ginoo na ubod ng gwapo, lumuhod ito sa harapan niya at dinampot ang papel mula sa paanan ni Penelope. Pakiramdam niya ay naengkanto siya, hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at wala siyang ibang magawa kundi ang titigan sa mukha ang binata.
“Friend! Friend!!” - sigaw ni Ginger na kanina pa palang kumakaway sa harap ni Penelope. “Ante, tara na male-late na tayo oh! Para ka namang namaligno dyan bakit hindi ka gumagalaw?” - dire diretsong saad ni Ginger habang nagpupumilit na mahigit sa braso si Penelope patungo sa gusali kung nasaan ang kanilang klase.
Hirap na hirap si Penelope sa paghakbang dahil patuloy siyang humahabol ng tingin sa kahuma - humaling na ginoo na noon ay nagpapaskil ng mga anunsyo sa bulletin board. Simula ng umagang iyon ay hindi na mawala sa isip ni Penelope ang tungkol sa ginoo na noon nya lamang nakita sa tagal ng inilagi niya sa paaralang iyon.
“Teh! Sabi ko kung anong gusto mong kainin?” - naiinis na sambulat ni Ginger kay Penelope. Nakangiti sa kawalan si Ginger at wala sa wisyo niyang itinuro ang dinuguan. “NAwiwirduhan an ko sayo ha, nakakatakot ka na! Kanina ka pang wala sa sarili, ipapa ospital na ba kita?” - dire diretsong saad ni Ginger.
Huminga ng malalim si Penelope at muling ngumiti na tila ba may anghel sa kisame ng canteen, Tapos na pala ang klase nila at hindi pa din nakaka balik sa normal nitong sarili si Penelope, patuloy pa din siya sa pag ala ala ng matikas at gwapong binata na kanyang nakasalamuha kaninang umaga. Gamit ang sign language ay sinabi ni Penelope kay Ginger na siya ay parang umiibig na.
Kamuntik muntikan ng mabulunan si Ginger dahil sa labis na pagka gulat. Uminom siya ng tubig at napa buladas ng - “Takte! Himala!” - saad niya at tumingin siya ng matagal kay Penelope na parang hindi makapaniwala. Si Penelope naman ay walang ibang ginawa kundi ang tumango at ngumiti kay Ginger na para bang siya ay nasa loob pa din ng isang napaka gandang panaginip.
“Sheeet! Dalaga ka na frieeend! Sabi na makakahanap ka din ng lalaki na magpapatibok sa puso mo!” - sabik na sabik ni wika ni Ginger. “So who’s the lucky guy?” - dagdag pa nito.
Sumenyas lamang si Penelope, sinasabing malabo na magustuhan siya ng ganung klaseng lalaki, gwapo, mabango, at suntok sa buwan kung papatol ito sa isang babaeng pipi na katulad nya. Ni sa hinagap ay hindi nya mailapit ang kanyang sarili sa binatang marilag.
“Ay hindi! Hindi ako papayag. Gagawan natin ng paraan yan, dahil ngayon ka lang na inlove, dapat meron akong gawin!” - Sabik na saad ni Ginger. Agad siyang pinatahimik ni Penelope dahil sa lakas ng boses nito.
“Umiibig na pala ang ating munting Pipenelope, sige nga pano mo sasabihin ang katagang ‘mahal na kita’?” - napalingon sina Ginger dahil sa lalaking nagsalita. Nagtawanan ang lahat ng tao sa canteen na nakarinig sa sinabi ng lalaki.
“Shatap, Derby!, baka gusto mong dalhin kita sa sabungan!” - banat naman ni Ginger pabalik.
“Shatap ka din! Kerby ang pangalan ko!” - galit na tugon naman nito sa pang - aasar ni Ginger.
“Penelope naman ang pangalan nya! Hindi Pipenelope!” - muling saad ni Ginger at sabay inirapan ang lalaki. Kaklase nila ito sa History at wala na itong ibang ginawa kundi ang pagtawanan lagi at laitin ang kaawa awang si Penelope.
“Whatever, Luya! Magsama kayo ng kaibigan mong inlababo tutal parehas kayong nababagay sa kusina!” - nang - uuyam na saad pa nito. “Rekado ka naman tapos pipe sya (metal tube used to convey water)” - tumawa sila ng mga kaibigan nya at tuluyan ng lumabas sa canteen kasama ang mga barkada niya.
Doon napansin ni Penelope na kasamang lumabas ni Kerby ang ginoo na nagpa humaling sa kanya. Napa iling iling ang lalaki habang napapa tawa ito na nakatingin kay Penelope. Pinagtatawanan siya ng lalaki!
Doon ay unti unting nadurog ang puso ni Penelope, hindi niya nakita ang malakas na pagsambulat sa kanya ng mapait na katotohanan. Na hindi nababagay sa kanya ang magmahal at mahalin dahil kung ikukumpara siya sa ibang mga babae ay nasa talampakan lamang siya ng mga ito. Isang dalagang hindi karapat dapat sa pagtingin ng mga normal na tao dahil ang nagbibigay ng depinisyon sa kanyang pagkatao ay ang kanyang kapansanan, na kahit kailan ay hindi na maaaring alisin sa kanyang pagkaka kilanlan kailanman.
Umiiyak na tumakbo si Penelope, dali dali siyang pumara ng jeep at sumakay, humahangos naman si Ginger na sumunod sa kanya. Mabuti na lamang at umabot siya, kung hindi ay naiwan sana siya ng jeepney. “Huy ano ka ba? Bakit bigla bigla kang tumatakbo? Pano kung nasagasaan ka?” - sermon ni Ginger sa kaibigan.
Dagliang yumakap na lamang si Penelope sa kaibigan, gumanti na lang din ng yakap ang babae kahit hindi nya lubos na nauunawaan kung ano ang nangyare.
“Oh! Anong nangyari sa prinsesa ko?” - salubong ng kuya ni Penelope na si Oliver, agad itong dumalo sa kapatid at inalo ito habang umiiyak pa din.
“Hindi ko nga din alam kuya ehh, bigla na lang umiyak sa canteen pagkatapos syang asarin nung mga kaklase naming lalaki, tapos itong gwapong lalaki —” - napatigil si Ginger ng bigla itong may mapag tanto. Napa singhap ito sabay sabing “Sya ba yung crush mo? Yung gwapong lalaki?” - tanong ni Ginger.
Tumango si Penelope sabay napa lakas pa lalo ang kanyang paghagulgol. “Tahan na bunso, nandito lang si kuya”
BINABASA MO ANG
Conversion
Mystery / ThrillerIstorya ng isang dalaga na pinagkaitan ng kakayanang makapagsalita, tunay nga ba na mayroong ibang makakaunawa? Isang halimaw na nagkukubli sa kalooban ng kanyang pagkatao, may maglalakas loob ba na sa kanya ay makipag talo? Siyang walang salita, ng...