Istorya ng isang dalaga na pinagkaitan ng kakayanang makapagsalita, tunay nga ba na mayroong ibang makakaunawa? Isang halimaw na nagkukubli sa kalooban ng kanyang pagkatao, may maglalakas loob ba na sa kanya ay makipag talo? Siyang walang salita, ngunit higit sa kaninuman ang kanyang nakita. Walang kakayahan, ngunit higit sa kahit kanino ang kanyang karanasan. Si Penelope na may kakaibang katauhan, lalabas ang isang hindi pangkaraniwan at masasagasaan ang sinumang haharang sa kanyang daraanan. Isang sakit na tila ba walang lunas, mundong marahas, nakaririndi ang bawat pintas, ang hindi manahimik ay tuluyang mauutas. Hindi sila naawa, kaya't nararapat na hindi sila kaawaan. Hindi nagpaubaya, sige at kanilang pangatawanan ngunit walang sisihan, pagdating ng ganti ng may kapansanan.