His Heart

931 33 8
                                    

His Heart

Mahal mo ko...

Mahal mo rin siya...

Naguguluhan ako, ano ba talaga???

Sa aming dalawa, ako ang pangalawa mong minahal. Sabi nila, piliin mo daw ang pangalawa, kasi hindi ka magmamahal ng pangalawa, kung mahal mo ang una. Pero hindi ba nila naisip na baka panakip butas lang ang pangalawa? Na baka minamahal ang pangalawa dahil wala si una.

Ako si Jhenneth. Isa lang ako sa libu-libong kabataan na nasaktan nang dahil sa pageexpect, nang dahil sa pagbibigay ng ibang kahulugan sa salitang "I love you.", nang dahil sa pagmamahal sa isang lalaking hindi ko alam kung mahal nga ba akong talaga.

"Hoy Jhenneth, paki-ayos nga 'to."-- may tinuro ka sa akin na gawain since ikaw ang group leader namin. Simula pa lang nang maghighschool tayo, sobrang hinahangaan na kita, bukod kasi sa matalino ka na, magaling ka pang sumayaw.

"Ahh ito? Paano ba 'to gawin?"-- syempre ako, nagtanga tangahan na naman. 'Yun naman ang tingin mo sa akin di ba? ENGOT. 

"Tsk. Ang tanga naman ohh!"-- napakamot ka noon sa ulo mo at ikaw na ang gumawa nung inuutos mo sa akin. Oo nga naman, ang tanga ko. Magsusulat lang sa Manila Paper para sa report natin, hindi ko pa magawa.

Naging successful ang report natin nang wala akong naitutulong.

"Congrats. Na-very good ka ni ma'am sa report mo."-- yan ang sabi ko sayo noon.

Ngumiti ka lang sabay sabing,"Hindi naman ako mavevery good kung wala ka."

Kinabahan ako noon. Ako? Ehh ano naman kung wala ako? Na-awkward-an ako noon kasi hindi naman tayo ganoong kaclose pero sinabihan mo ako ng ganun. Siguro kasi assuming ako? Oo nga tama, nag-aassume lang ako. Syempre, kagrupo mo rin ako kaya sasabihin mo 'yun.

"A-ahh? G-ganun ba???"-- hindi ko alam pero nagstammer ako sa harapan mo. Nakakahiya.

Ginulo mo ang buhok ko sabay sabing,"Nakakapanggigil yung pisngi mo!"

Umalis ka nun samantalang ako, nanatiling nakatulala. Pinanuod kitang bumalik sa upuan mo, feeling ko, yung "crush" na nararamdaman ko sayo noon, naging "gusto" na ngayon.

Simula nung araw na 'yon, sinipag na akong pumasok sa school. Naglalakas loob na rin akong itext ka kahit ang dalang dalang mo namang magreply. Kinukulit kita sa text kahit nagmumukha na akong desperada at tanga. Pero ayos lang, kasi sobrang saya naman kapag nagreply ka na.

"Hi Jhen!"-- 'yan ang lagi mong bati sa akin tuwing umaga. Batiin mo lang ako, kumpleto na ang araw ko. Ewan ko ba at ang lakas ng tama ko sa'yo!

Naging mas close pa tayo pagkalipas ng ilan pang taon. Naging magbestfriend tayo, parang tanga nga ehh, bestfriend ko, mahal ko.

"Gelo, pasan mo ko." >3>-- lagi ko yang sinasabi sa'yo tuwing uwian. At ikaw naman nginingitian mo lang ako at papasanin mo na ako. Kinikilig ako noon hindi mo ba yun alam?

One Shot Stories [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon