[a/n: first time kong magsulat ng ganitong story. Haha feeling ko ang epic xD ayun nainspire ako sa kantang safe & sound. LSS rocks xD sana magustuhan niyo tong story wahahaha result of a big boredom lang ito xD
Dedicated to my mami! Hi mami sorry ginamit ko ang name ni Red mo wahahahaha <<33
Paplay nung video sa side please guys para masaya lols de, para mas feel niyo yung story. Swear --->]
"SAFE & SOUND ♪"
written by: iamANGEEEL
"Just close your eyes... the sun is going down. You'll be alright... No one can hurt you now..."-- kinakanta ko kay Red yung Safe & Sound.
Boyfriend ko si Red. Actually first anniversarry namin ngayon at nasa park kami at doon ko siya kinantahan gamit ang gitara ko.
Mahal na mahal ko si Red. Actually, bestfriends lang kami nung una. Pero mas lumalim ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Paano nangyari yun???
*FLASHBACK*
"SHIT KA RED!!! TIGNAN MO GINAWA MO SA PROJECT KO!!!!"-- tinuro ko ang project ko na natapunan niya ng juice.
"Oh? Nakikita ko!"-- pamimilosopo niya.
"GRRR. The nerve!!! Ayusin mo yan! Ang hirap kaya gumawa ng book report!!! Nakakainis kaaa!!!!"-- nagdabog ako at iniwan ko si Red doon.
Naiinis ako. Paano ba naman kaya niya natapunan ng juice yung project ko ay dahil sa kalandian niyang babae na si Vei!!!!! Masyado kasing naghaharutan!!! Kaya ayan tuloy! Natapunan ang project ko >__<
Bestfriend ko si Red... at the same time... boyfriend ko din siya... sa utak ko lang xD
May gusto ako kay Red pero never kong sinabi. Ano ako engot? Ayoko nga nahihiya kaya ako!!! Saka ayaw kong masira ang friendship namin. Childhood friends kami nito ni Red kaya naman hanggang ngayon, friends pa rin kami. Lagi siyang napunta sa bahay namin para magmovie marathon kami, kadalasan ang dahilan niya sa pagpunta sa amin ay dahil sa babae. Broken hearted siya lagi at laging nasasaktan nang dahil sa pag-ibig. Kung pwede nga lang maging shield niya ehh! Ewan ba pero gwapo naman siya kaya nakakapagtaka kung bakit pa siya nabobroken hearted. Naiinis ako tuwing magpapakatanga siya sa ibang babae. Pwede naman ako na lang ehh! Masyado kasing tumitingin sa malayo. Ehh naandito na naman ako sa tabi niya.
Kinahapunan, pumunta na naman si Red sa bahay dala-dala yung project niya at iba pa niyang materials. Dire diretso siyang pumasok sa loob ng bahay, pinatong ang nga dala niya sa table at humiga sa sofa. Ginawa pa ngang unan yung binti ko ehh! Gusto ko sanang haplusin yung buhok niya kaya lang nahihiya ako. Sabunutan ko na lang kaya siya? XD
"Oy Sandra! Ayan nagdala ako ng ibang materials para gawin yung nasira kong project mo kanina. Sorry ah!"-- he said habang nakapikit.
"Basta ayusin mo gawa! Aba naman! Nagpakahirap ako dun tapos sisirain mo lang! Tsk!"-- pangongonsensya ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories [Completed]
Teen FictionNagmahal ka na ba? Minahal ka na ba? NBSB ka ba? O baka naman, nakaraming syota ka na? May crush ka ba? O nabroken-hearted ka na? Pinaasa ka na ba??? O ikaw ang nagpaasa???