"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa lalaking 'yon! How could he be this reckless? And why the heck does he need to be drunk every night that he's here?"
Napakibot ang labi ni Cham sa naririnig na pagtungayaw na iyon ng kanilang boss na si Blue habang pauli-uli ito sa may likod ng counter kasama ang second cousin nito na si Caevan.
Abala siya sa pagpupunas ng mga mesa sa may hindi kalayuan sa kinaroroonan ng mga ito kaya naririnig niya ang ginagawang pag-uusap ng dalawa niyang boss.
May tatlumpo't limang minuto pa bago tuluyang magbukas ang bar kaya naman sila-sila pa lamang ang mga taong naroroon sa loob.
Hindi niya masisi ang Sir Blue nila sa reaksiyon nito dahil totoo namang halos sa tuwing si Gray ang bantay sa bar ay wala naman itong ibang ginagawa kundi ang magpakalango sa alak hanggang mag-umaga at hindi na ito halos magkandagulapay sa pagtayo at paglalakad patungo sa ikalawang palapag ng naturang bar para doon ay matulog at magpahulas ng kalasingan.
Saksi siya sa mga gabing halos lunurin nito ang sarili sa alak habang kung sino-sinong mga babae ang kasama.
Minsan ay gusto na niyang maawa sa atay nito dahil sa sobrang pag-inom nito ng alak.
"I heard, he's still guilty for what happened to your sister. Kaya siguro siya nagkakaganyan pa rin hanggang ngayon," Caevan said while leaning on the counter's nook.
Blue exasperatedly sighed on that while shaking his head, "Gago siya, eh. If he just didn't meddle with Greenie's life, hindi naman aalis 'yong kapatid namin. Pakialamero kasi," anito na bakas sa boses ang pagkairita.
Marahan siyang naglakad sa may gilid ng counter kung saan naroroon ang mga ito habang pinapasadahan ng punas ang ibabaw niyon.
Saglit na napasulyap sa kanya si Blue at Caevan bago muling nagpatuloy ang mga ito sa ginagawang pag-uusap.
A moment later, the bar opened and as usual, it was full of customers. Loyal customers they earned for quite some time already.
Mga customers na naroroon para magpakasaya, magpakalango sa alak at kalimutan ang mga problemang kinakaharap sa realidad ng buhay.
Nothing special happened that night.
Bukod sa maya't-mayang pagkahilong nararamdaman niya ay wala naman ng kakaiba pang nangyari.
"Naku Cham, hindi na okay 'yan, ha. Ilang araw mo ng iniinda ang sama ng pakiramdam mo na 'yan. Ipagpapaalam na talaga kita kay Sir Blue. Umuwi ka na para maipahinga mo iyan."
Mabilis siyang napailing sa tinuran na iyon ni Jemmalyn habang magkasama silang kumakaing dalawa, sa break time nila nang gabing iyon.
Alam niyang hindi na naitago pa ng manipis niyang make-up ang totoong estado ng hitsura niya nang mga sandaling iyon.
She's really not feeling well these past few days but she's enduring it all as being gone and absent from her work is not an option.
"Hindi ate. 'Wag. Kaya ko pa naman. Sayang ang isang gabi," mariing tutol niya sa suhestiyon nito na ikinaingos naman ng katrabaho.
The woman tsked at her, "Inaabuso mo na ang katawan mo, Cham. Baka akala mo maganda 'yan? Kaya mo pa sa ngayon. Paano kapag bukas, hindi na? Lagi mong iginigiit na sayang ang kita pero sa kalusugan mo, hindi ka nanghihinayang?" anito na bahagya pa siyang pinandilatan.
Napakibot ang labi niya sa sinabi nitong iyon.
Alam niya na naiinis na rin ito sa katigasan ng ulo niya pero anong magagawa niya?
BINABASA MO ANG
Denied by the Notorious CEO
RomanceSTANFIELD SCION SERIES #2 Wala na yatang mas sasakit pa sa katotohanan na i-deny at ipagkaila ka ng isang taong akala mo ay handa kang panagutan. Wala naman sanang balak pa na manggulo si Cham sa buhay ng notorious playboy na nakilala niya sa pinagt...