Hindi maiwasan ni Cham ang mapatitig sa sariling hubad na repleksyon sa salamin habang nakatayo at nakaharap siya roon nang mapagpasyahan niyang magbihis na ng damit pambahay.
Hanggang nang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang balitang nalaman. Hindi pa rin niya matanggap na nagdadalang-tao na siya. Hindi pa lubusang nagsi-sink sa utak niya ang katotohanan na halos walong buwan na lamang at magsisilang na siya ng bata sa mundong ito.
How can she possibly do that, right?
Iyon ngang iraos ang pang-araw-araw niyang pamumuhay ay hirap na hirap na siya. Paano pa kaya kapag naging dalawa na sila? Mas lalong hindi na niya alam kung paano kakayanin iyon.
Wala sa sariling napabuntong-hininga siya roon kasabay nang marahang paghaplos sa tiyan niyang impis pa at hindi pa halata ang umbok.
Isa pa sa dagdag isipin niya sa mga oras na iyon ay kung paano ipapaalam at sasabihin sa kanyang ina ang tungkol sa kalagayan niya. Nakasisigurado kasi siya na magugulat ito ng husto dahil alam nito na wala naman siyang kasintahan at hindi rin naman siya ang klase ng babae na isusuko kaagad ang iniingatang pagkakababae nang basta-basta na lamang.
Hindi na niya alam ang gagawin pa. Para bang bigla ay hindi na niya alam ang patutunguhan ng buhay niya dahil sa biglaang pagkabuntis na iyon.
Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago tinapos na ang pagbibihis at nagpasya ng matulog.
Bukas.
Panibagong araw.
Saka na niya muling haharapin ang mga problemang paboritong-paborito siya.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroroon na sa tinutuluyan niyang apartment ang katrabaho niyang si Jemmalyn. Doon na ito dumiretso matapos ang shift nito at ang overtime. Day-off kasi nito sa araw na iyon kaya ganoon na doon na ito dumiretso sa kanya sa halip na umuwi sa bahay nito para matulog at magpahinga.
Sinabi pa nito na kaya gusto nito na makausap at makita siya ay dahil sa may nais itong malaman tungkol sa pagbubuntis niyang iyon at sa kung anong plano niyang gawin.
"Wala ka talagang balak na sabihin sa nanay mo ang sitwasyon mo ngayon?" tanong ni Jemmalyn sa kanya habang magkasabay silang kumakain ng almusal na dala at binili nito sa nadaang tindahan sa labasan nila.
Bahagyang napakibot ang labi niya roon kasabay nang marahang pag-iling, "Sa ngayon, Ate Jem wala. Hindi ko pa kayang sabihin kay nanay na buntis ako. Alam mo naman ang sitwasyon niya, 'di ba? Baka mamaya, tumaas na naman ang altapresyon niya kapag sinabi ko."
Bukod pa sa dahilang iyon ay natatakot din siya na madismaya niya ang pinakamamahal na ina. Iyon ang ayaw niyang mangyari sa lahat. Siya na nga lamang ang inaasahan ng mga ito pagkatapos ay ganoon na nagpabuntis pa siya.
Marahan itong tumango-tango sa sinabi niyang iyon saka bahagyang nagkibit-balikat, "Sabagay nga. May punto ka naman dyan. Pero dapat, sabihin mo. Malaking tulong iyong alam nila ang nangyayari sayo para kahit papaano ay may mapagkukuhanan ka ng lakas ng loob at may matatakbuhan ka sa oras ng problema."
She nodded her head on that but deep inside her, she doesn't have any plans on telling her mother her situation right now. Saka na siguro. Kapag na-figure out na niya ang dapat niyang gawin.
Ilang sandaling katahimikan ang dumaan sa kanilang dalawa sa harap ng maliit na mesang kinakainan nila habang patuloy sila sa ginagawang pag-aalmusal. Kapwa sila nawalan ng imik na para bang nagpapakiramdam sila ng kaibigan.
"Eh, sa ama niyan? Kailan mo balak sabihin kay Sir Gray na siya ang nakabuntis sayo at dapat ka niyang panagutan?"
Ilang sandali pa munang nag-process iyon sa loob ng utak niya bago unti-unting parang malakas na along humambalos sa mukha niya ang narinig na iyon.
BINABASA MO ANG
Denied by the Notorious CEO
RomantizmSTANFIELD SCION SERIES #2 Wala na yatang mas sasakit pa sa katotohanan na i-deny at ipagkaila ka ng isang taong akala mo ay handa kang panagutan. Wala naman sanang balak pa na manggulo si Cham sa buhay ng notorious playboy na nakilala niya sa pinagt...