"What you did was wrong, Braelynn."
I know. Maging ako ay hindi rin alam kung bakit ganoon nalang ang pagkairita ko sa ginawa ng lalaking 'yun. Basta ang alam ko lang ay ayokong gumagawa pa nang paraan para sa akin. Malay mo ay hindi pala totoo lahat ng 'yun.
"Yup..." Was all I could say to Nurse Lei. Nandito ako ulit ngayon sa clinic dahil tinawag niya ako at akala ko ay may sasabihin lang siya tungkol sa anxiety ko pero hindi ko naman alam na may pa-sermon siya. Sana nagsimba nalang ako kung ganoon.
She frowned. "Labas sa ilong na naman 'yang sinasabi mo, Braelynn. Hindi pwedeng maging ganyan ka parati." Patuloy pa niya.
I sighed. "Alam kong mali ako. You don't need to repeat it again, you'll just get tired."
"Kung ayaw mong mag-paulit ulit ako, wag mo nang ulitin, Brae. Sinasabi ko 'to sayo dahil concern ako. Ayokong napapaaway ka." Dagdag niya pa.
I nodded. "Yup. Makakaasa ka." I dryly said at tinalikuran na siya. Bahagya akong tumigil sa paglalakad at kumaway sa kanya para magpaalam.
"Your meds!" Pahabol niyang sigaw. Inangat ko ang kamay ko para mag thumbs habang nakatalikod at naglalakad papalayo sa kanya.
While walking towards the library... I felt a wave of realizations hit me. Since people left me and hurt me... I lost interest in everything. I get annoyed whenever someone worries about me. I lost emotions in my body. I don't feel anything anymore.
But this is better, isn't it? With this, nobody can hurt me anymore. They won't even attempt to climb the wall I built for myself.
Nang pumasok ako ng classroom ay agad na dumako ang tingin nila sa akin dahil late ako. Well, hindi naman ako malalate kung hindi ako sinermunan ni Nurse Lei. Alam ko namang mali ako, hindi na niya kailangang sabihin pa.
"Ms. Vandela. Why are you late?" Baritonong boses ang umalingawngaw sa buong room nang itanong 'yun ng istrikto naming professor.
Oh, crap. Mararanasan ko na rin ang bagsik ni Sir Letrano.
"I studied para sa test po natin ngayon. Hindi ko po namalayan ang oras kaya nalate po ako. I'm sorry... It won't happen again." I lied. Napaka-lame namang sabihin na nalate ako dahil lang kay Nurse Lei. Of course, he won't believe me.
Nakipag-sukatan siya nang tingin sa akin at para bang nag-iisip siya kung papahiyain ba niya ako sa harap ng klase o wag nalang dahil sayang lang sa oras. Kotang kota na ako ngayong linggo, wag na sana dagdagan ang problema ko.
"You're a Vandela, right?" Sir Letrano suddenly asked. Halata naman na dahil kalat na kalat ang pangalan ko sa buong campus kaya bakit nagtatanong pa siya?
"Yes po..." Even though I don't want to admit that I'm a Vandela, I can't do anything about it. I'm still trapped in that surname.