3

49 3 0
                                    


"I know you don't want to accept my help, and you're not comfortable with me, but don't worry... Kapag nakausap ko na 'yung doctor, aalis na rin ako."


Nanatili akong nakatulala, malayo ang tingin. Parang wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya at parang nanatili ang utak ko sa mga nasaksihan ko kanina. It seems like I've had a stroke because I can't move right now.


Ramdam ko ang titig niya sa akin mula sa gilid ngunit hindi ko pa rin ito pinansin. Gusto kong murahin nang paulit ulit ang sarili ko. Gusto kong saktan ang sarili ko. Bakit nandito pa rin 'yung sakit? Bakit sila masaya? Bakit ako, durog na durog at parang hindi makaahon sa mga bubog na ibinato nila?


"H-Hey... Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali? Don't worry aalis na rin ako... Wag ka na umiyak..." Nataranta siya nang makita niya ang pagpatak ng luha mula sa mata ko. Para akong tanga na naluluha dito.


Kalaunan ay dumating na rin ang doktor at maging siya ay nagulat nang makitang tuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko at suot suot ang walang ekspresyon kong mukha. "Hijo... Kaano-ano ka ng pasyente?" Tanong ng doktor sa lalaki.


Kita ko pa sa peripheral vision ko ang alanganing tingin niya sa akin na para bang hindi niya alam ang isasagot niya. Kung makatingin siya sa akin ngayon ay para siyang nanghihingi ng tulong. "Schoolmate... Schoolmate po..." Iyon ang tanging naisagot niya.


Tumango ang doktor at inaya siyang lumabas ng hospital ward para kausapin. Ako naman ay parang namanhid na talaga ang buong katawan. Gusto kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero wala ni isang boses ang lumabas. Lagi nalang ba akong ganito? Hindi ko na naman kaya ang sarili ko pagdating sa ganito? Kailangan ko talagang mambulabog ng tao dahil lang sa lintek na sakit na 'to?


Napatingin ako sa bedside table ng kama at nakita ko pa roon ang isang malaking illustration board at may sketch na 'yun ng isang building. Alam kong dinala na ng lalaking 'yun ang mga plates niya dito sa ospital para lang bantayan ako.


See? Pati buhay ng ibang tao, inaabala ko pa talaga. You're such a disappointment, Braelynn.


Agad akong napapunas sa basa kong pisngi nang maramdaman ko ang pagbalik ng lalaki sa tabi ko. Umupo siya sa upuan na katabi ng kama ko at tinignan ako, mukhang hindi niya alam kung paano ako kakausapin.


"Can I go home?" Paos kong tanong. Parang may nakabara na kung ano sa lalamunan ko.


He slowly shook his head. "No... Dahil magpapalipas ka muna dito ng gabi para ma-monitor ka pa nila. Nabanggit ko rin kay Doc na... Eto na ang pangalawang beses na inatake ka ng anxiety mo na ganyan kalala. He's asking if you're taking your meds every day, and if you do, but still nothing happens, he'll prescribe you a new one."


"Wala ng makakagamot sa akin... Kahit laklakin ko pa 'yang mga gamot na 'yan. Walang mangyayari." Mahinang sabi ko na ikinatahimik niya. Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit ma-overdose pa ako sa mga gamot na 'yan, papatayin pa rin ako ng sakit na 'to.


"Don't say that... Magiging ayos ka rin. Naniniwala ako." Bigla akong napatingin sa kanya. Paano niya... nasasabi 'to? "I'm sorry... Nagulat ba kita sa sinabi ko?" Napansin niya siguro ang pagkabigla ko dahil para siyang nataranta mula sa kinauupuan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rescued SoulWhere stories live. Discover now