Mag isa akong kumakain sa Jollibee ng may umupong gwapo sa katapat kong lamesa may kasama pa itong cute na batang babae kaya naman naisipan ko itong kuhanan ng litrato upang may pang inggit ako sa mga kaibigan ko dahil hindi nila ako sinamahan dito.
Inanggulo ko pa ng maayos para masiguro kong maganda pagkaka-picture at para hindi mahalata ay nag pose pako para kunyari yung sarili ko ang kinukuhanan ko nakailang picture pa ako nang mapansin kong nakangiti ito habang nakatingin sa gawi ko ng i-check ko yung camera parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita kong may flash pa pala ito.
Ngunit hindi ako nag pahalata dito umakto ako na parang walang nangyari kahit sa loob ko ay parang gusto ko nalang magsisigaw sa sobrang kahihiyan
Sa pangamba ko na baka lapitan ako nito mamaya ay agad kong chinat ang mga kaibigan ko na sunduin ako dito at nag madali narin ako kumain
****
Ngunit kung tinamaan ka nga naman ng magaling
Nag chat sakin yung mga kaibigan ko na traffic daw kaya mukhang matatagalan pa daw sila ng kaunti hindi ko mapigilang magpapadyak sa isang tabi sa sobrang sama ng loob nagulat pa ako nang maramdaman kong may kumalabit sakin sa may bandang bewang nang tingnan ko ito ay yung cute pala na batang kasama nung gwapong lalaki
“Anong kailangan mo cutie?” Pagkausap ko dito.
“Ang gwapo po ng kuya ko no?” tanong nito bigla sa akin.
“Ha? Sinong kuya mo cutie?” Maang-maangan na sambit ko dito.
“Nakita ko po ni picturan mo si kuya ko kanina eh.”nakangusong sambit nito sa akin.
“Hindi cutie ah, Mali ka yata ng nakita yung sarili ko pini-picturan ko kanina haha” Pagsi-sinungaling ko dito.
“Sabi ni kuya masama daw po mag lie, Nakita ko po kanina ni picturan mo si kuya may flash pa nga po e.”
Napa pikit na lamang ako sa sinambit ng bata sabi ko nga bawal mag sinungaling ang bad influence ko talaga hahaha
“Hindi lang naman si kuya mo kinuhanan ko ng picture cutie e, Ikaw rin ang cute mo nga dito tingnan mo.” Sambit ko dito at pinakita ko pa dito yung mga kinuha kong picture
“Gusto mo po malaman name ni kuya?” tanong nito sakin sayang naman kung tatanggihan ko kaya tumango ako dito.
Agad naman nitong binulong nito sa akin
“Ikaw ano naman name mo?” Tanong ko dito.
“Nathalie po” Nakangiting sagot nito sa akin.
“Nice to meet you Nathalie, I’m Xhiantly.” Pagpapakilala ko rin dito.
“Ehem, What are doing there tally?” Tanong ng kung sino at medyo nagulat pa ako ng makita kong yung gwapong lalaki ito at nakatayo sa may gilid ko.
“Kuya! Kinakausap ko po si ate ang ganda niya po kasi.” Nakangiting saad nito sa kuya niya
Napatingin naman ito sa akin
“Am i handsome in there?” tanong pa niya sa akin
“Saan?” Lutang na tanong ko rin dito.
“The picture you take a while ago” Nakangising ani nito.
“Hindi ko alam yang sinasabi mo ah.” umakto pa akong busy sa selpon ko.
“Playing safe eh? Can i see your cellphone then?”
“Ayoko nga, Required ba?”
“I see, You're lying”
“Ayan na oh, Tingnan mo pa.” Saad ko dito sabay abot ng selpon ko, Kompyansa pa ako dahil akala ko naka lock na yon ngunit ng marinig ko itong bahagyang tumawa ay napakagat na lamang ako ng labi
“Gusto mo pala magpa picture sakin sana nag sabi ka, Look how shock i am in this picture hahaha” Natatawang saad pa nito sa akin.
Habang ako natulala na lamang sa ka-gwapuhan nito nagulat pa ako ng bahagyang lumapit ito sa akin at kinuhanan kaming dalawa ng picture
“Sama kuya! Ako rin.” saad pa ng kapatid niya kaya naman binuhat niya ito kinuhanan na kaming tatlo ng picture kaya naman napa ngiti na lang ako habang nakatingin sa camera
Deymm we're look like a family taking a selfie, Eme..
“Xhiantly!”
Sakto naman pagka kuha ko nang selpon ko dito ay ang pagdating ng mga kaibigan ko kaya naman agad na akong sumakay sa kotse nila
“Loka ka, Sino yung gwapo na yun?” tanong ni Yvonne isa sa mga kaibigan ko.
“Kabog sino ka diyan, Nag Jollibee lang may gwapo na agad na bingwit hahaha” Ani naman ni Lira
“Anak niya ba yung kasama niya? Infairness parang kayong isang pamilya kanina.” Nang aasar na sambit naman ni Thaliah
“Sandali! teka lang naman, Kaloka kayo isa isa lang naman tanong mag isa lang ako hahaha.”
“Ay ang arte! Sige na mag kwento kana bago pa kita masabunutan diyan, Choss!” Echoserang sabat sakin ni Yvonne
“Ang harsh ah! Eto na nga mag k-kwento na.”
Habang nasa byahe kami ay kwinento ko sa kanila lahat ng nangyari as in lahat walang labis walang kulang, Pinagtawan pa nila ako sa katangahang nagawa ko pagkatapos non ay sinearch pa namin ang pangalan nito sa insta dahil na kwento ko sa kanila na sinabi sakin ng kapatid nito ang kanyang pangalan.
Cale Riego
May isa siyang larawan don naka pukaw sa amin este sa kanilang pansin mistulang katatapos lamang nito mag work out dahil mahahalata mong basang basa pa ito ng pawis kaya naman na puno ng kanilang hiyawan ang kotseng kinalululanan namin habang pauwi..