“Hon?”
Busy ako sa pagluluto ng tawagin ako ng asawa ko.
“Yes, Hon?” Tanong ko dito.
“Ahm mag iinuman lang kami nila gray later, Is it okay to you?”
“Sure, You can go with them”
“Are you sure?”
“Yeah, Okay lang nga hon” Medyo natatawang sagot ko dahil sa naging reaction niya.
“I'm just asking ‘cause maybe you will get mad at me later” Kamot ulong sambit nito.
“Bakit naman ako magagalit e bonding niyo yon, Just know your limit okay?”
“Opo, Hon. Thankyou” Sambit nito sakin at nginitian ko naman ito.
Pagkatapos non ay agad ko ng ibinaling ang paningin ko sa niluluto ko.
Maya maya pa naramdaman ko may pumulupot na kamay sa bewang pagkatapos ay pinatakan nito ng halik saglit ang leeg ko na makontento ito ay pinahinga nito ang ulo niya sa pagitan ng ulo at leeg ko at agad naman akong napangiti sa paglalambing nito.
“Stop that hon, I'm cooking”
“Why i'm just resting, You can still cook while i'm here.”
Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto ko habang ang asawa ko ay tahimik parin nakayakap sa akin.
“Hon, Can you taste this?”
Agad naman tong humiwalay sa pagkayap sakin kaya naman humarap nako dito upang ipatikim ang nilutong kong paborito niyang adobo, Nang matikman niya ito ay agad naman itong napapikit na para bang ninanamnam ang lasa ng niluto ko.
“How was it? Maalat ba or what?” Tanong ko dito.
“No, It's okay hon. Taste good as always” Sambit nito sabay halik sa labi ko.
“Thankyou, Hon. Ihanda mo na yung pagkakainan natin, Tawagin mo narin yung mga anak nating makukulit malapit na ’tong maluto.” Utos ko dito ngunit ng tingnan ko ito ay nanonood parin sakin habang nagluluto ako.
“What?” Tanong nito sakin.
“Sabi ko handa mo na kako yung pagkakainan natin at tawagin mo yung mga bata.”
“Oh, Sorry i didn't hear you. Your too beautiful that i can't quit watching you cooking.” Nakangiting ani nito.
“Sus nambola ka pa, Sige na kumilos kana don ng makakain na tayo” Sambit ko dito habang bahagyang tinutulak siya palabas ng kusina.
Nang makalabas ng kusina ay tumitig pa ito sakin saglit.
“I love you” Nakangiting sambit nito.
“I love you more” Nakangiting sagot ko rin dito saka ko siya tinalikuran at binalikan yung niluluto ko.