Untitled

9 2 1
                                    

Kasalukuyan akong nasa gilid ng kalsada naghahantay ng masasakyan pauwi, kasagsagan pa naman ng mainit panahon at kung minamalas ba naman ako hindi ako nakapag dala ng payong.

"Nakakapagod na nga ang init pa, tapos kung hindi ba naman ako tanga nakalimutan ko pa magdala ng payong..." Bulong ko sa sarili ko habang ginagamit pang paypay ng bimpo na dala ko.

Habang naghihintay ng masasakyan naisipan kong bumili ng palamig manlang para mabawasan ang init na na nararamdaman ko, Ngunit sa paglingon ko hindi ko napansin na mabubunggo pala akong pader? Charot tao pala ang nakabunguan ko tangkad ih.

"Done molesting me, Miss?" Tanong ng lalaking nakabungguan ko.

"Ha?" Lutang na sagot ko sa kanya.

At napansin ko na napahawak pala ako sa abs niya ng hindi ko namamalayan charot hindi 'ko kita pero ramdam ko hehe, Kaya naman sa gulat ko ay agad akong napabalik ako sa aking pwesto kanina.

Ngunit sa aking napabalik napansin ko na hindi na ako gaanong naiinitan at parang kumulimlim sa aking pwesto at nang akin tingalain ay nakita ko na pinapayungan pala ako ni kuya na nakabungguan ko.

At agad naman akong kinilig doon shems ang gwapo na ang gentleman pa, naisipan ko sanang mag thankyou kaso bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni kuyang gwapo magsalita.

"Are you still feeling hot? Here take this.." Tanong niya sabay abot ng pamaypay sa akin.

"Yep, Ang hot ko kasi. Charot Thankyou haha." Pabirong sagot ko sa kanyang at saka kinuha ko kinuha yung pamaypay sa kanya.

"Nice joke, but yes you are." Biro rin niya.

"Nakakainis ka naman eh, baka sa sobrang kilig ko ay ma-iuwi na kita, charot haha." Biro ko uli sa kanya, Kaya naman natawa lang siya sakin at hindi na ako sinagot.

"Cute mo naman, Nagbibiro lang ako ah wag mo sana seryosohin ako nalang hehe" Pahabol ko pang biro sa kanya, At tinawanan niya lang ako uli, mukha siguro akong clown sa patingin niya awts.

Naghintay pa kami saglit ng masasakyan, At maya maya ay dumating rin ang jeep na patungo sa amin kaya naman agad na akong sumakay naramdaman ko pa na medyo inalalayan niya akong sumakay at ng maka-upo na ako ay agad ako tumingin sa kanya at akala ko sasakay rin siya ngunit nag sign lang siya ng babye at saka umalis na.

Ng umandar na ang jeep ay saka ko lamang napansin na hawak ko pala yung pamaypay na ipinahiram ni kuyang gwapo naisip ko tuloy sayang hindi ko pala natanong yung pangalan niya haha.

-ZaikoNightmare✍️
"Plagiarism is a crime"
Don't repost this.

ONE SHOT STORY Where stories live. Discover now