PROLOGUE
NANLALABO ang paningin at hilong-hilo siya sa sobrang kalasingan. Pasuray-suray siyang naglalakad. Kinuha niya ang cellphone mula sa loob ng bulsa. She tried to call her driver but she's too drunk.
Natatawa na napapailing na lamang siya at patuloy na naglakad hanggang sa may nabangga siyang matigas na bagay. Kaagad na may humawak sa magkabila niyang balikat nang akmang matutumba siya. Hindi isang bagay ang nabangga niya kundi isang tao.
Dahan-dahan siyang napatingala sa kung sino man ang humawak sa kaniya. Sa nanlalabong pangingin ay sumalubong sa kaniya ang tila isang pamilyar na mukha. Kahit hindi klaro sa paningin niya ang mukha nito ay alam niyang lalaki ang nasa harapan niya. The man is too tall.
Muli ay mahina siyang natawa. Funny how she likes this man's smell. She's not someone who admires any man's smell very easily. Sa totoo niyan ay mailap siya sa mga lalaki. Tinabig niya ang mga kamay ng lalaking humawak sa kaniya at patuloy siyang naglakad, tinalikuran ito. Naririnig niya itong nagsasalita pero hindi niya ito maintindihan hanggang sa mahigpit siya nitong hinawakan sa pulsuhan.
She automatically looked at her hand. Matalim niyang tiningnan ang lalaki. She tried to punch him but the man immediately blocked her. Akmang sisipain niya ang lalaki nang muli na naman siya nitong napigilan na tila ba nababasa na nito ang magiging kilos niya.
She heard the man heaved a sigh.
"You're too drunk not even to recognize me, you brat." She clearly heard his deep baritone voice.
Sa boses pa lamang na iyon at sa tono ng lalaki ay alam niyang kilala nila ang isa't-isa. Umayos siya ng tayo at inaninag ng husto ang mukha ng lalaki. Tinitigan niya itong mabuti at dahan-dahan ay kumunot ang noo niya.
"What are you doing here?" she asked.
Sa halip na sagutin siya ay napailing na lamang ito habang may disgusto sa guwapong mukha. Sa pagkabigla niya ay binuhat siya nito na parang isa siyang isang sakong bigas!
"Hey! Put me down!" Singhal niya at sinuntok-suntok pa ang likod nito pero tila wala itong pakialam.
Patuloy itong naglakad habang buhat-buhat pa rin siya at basta na lamang siya nitong hinagis sa loob ng kotse sa backseat na tila ba gigil na gigil ito sa kaniya. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito habang kinakabit ang seatbelt sa katawan niya.
"Can't you be gentle, Hernandez?!" Singhal niya.
Diretso siya nitong tiningnan sa mga mata kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi nito. Sa sobrang inis ay kinalmot niya ito sa mukha dahilan para dumugo iyon. Nakita niya kung paano nitong pinunasan ang dugo sa pisngi nito dahil sa kalmot niya. Napailing na lamang ito sa ginawa niya.
"I'll send you home." Tiningnan nito ang driver sa harapan. "Let's go," utos nito sa driver.
Habang nasa biyahe sila ay panay ang tingin niya sa binata sa matalim na paraan. Prenteng sumandal ang binata sa kinauupuan, pinag-krus ang mga kamay sa dibdib at kapagkuwan ay pumikit.
"You're drunk as well," she said when she smelled alcohol from him.
Hindi ito umimik at nanatili lamang nakapikit. Napangisi siya at dumukwang papalapit sa binata. He's still wearing a suit. Mukhang galing ito sa business dinner meeting. Tinitigan niya itong mabuti habang nakapikit pa rin ito. Is he asleep? She tried to wave her hand right in front of him. Mukhang tulog na nga.
Muli siyang napangisi, may naisip na kalokohan. Hinawakan niya ang neck tie nito at dahan-dahan iyong niluwagan. She unbutton his suit. Habang paisa-isa niyang tinatanggal ang butones ng suot nito ay mahina siyang humagikhik. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang nagmulat ito ng mga mata.
Napatitig sila sa isa't-isa. Halos hindi ito kumukurap, nanatiling nakatitig sa kaniya.
"What? Taking advantage of me?" Seryoso ang mukhang tanong nito.
Awtomatiko siyang napasimangot.
"You know that I'm into girls. You're a man. Hindi ako interesado sa'yo," aniya at dahan-dahang umatras pero ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang hinila siya nito sa kamay dahilan para maglapit ang mga mukha nilang dalawa.
Ilang dangkal na lamang ay magdidikit na ang mga labi nila. Napasinghap siya nang kinabig siya nito sa beywang. Gumapang ang isang kamay nito paangat sa dibdib niya habang ang isang kamay naman ng binata ay hawak ang baba niya.
"I'll give you a chance to fully unbutton my suit later and let's see if you're not interested," he said with his deep baritone voice. A sly grin tilted on his lips.
Napatitig siya sa binata. Hinahamon siya nito. Napatitig siya mukha nito.
"Huwag mo akong hinahamon, hindi kita aatrasan," mahinang sabi niya sabay ngisi.
He was about to speak when she reached for his lips and claimed it. Marahas ang klase ng halik na ibinigay niya sa binata. She managed to make him caught off guard for a second. Kaagad din itong nakabawi at hinawakan siya sa batok, mas pinalalim ang halik na siya mismo ang nag-umpisa.
Naglabanan sila ng halik, walang gustong magpatalo. Tila pareho nilang gustong parusahan ang isa't-isa, parehong ayaw magpa-kontrol. They both want to punish each other. Their kiss ended in a cold room.
Natagpuan nila ang mga sarili na nasa iisang kuwarto sila habang patuloy na inaangkin ang labi ng isa't-isa. Parehong mapagparusa ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Kinagat niya ang ilalim ng labi nito sa mariing paraan dahilan para dumugo iyon.
Ilang sandaling naghiwalay ang mga labi nilang dalawa para kumuha ng hangin. Pareho silang hingal na hingal ngunit pareho ring matalim ang tingin sa isa't-isa. Ngumisi siya at marahas itong itinulak dahilan para malakas na bumagsak ang likod nito sa malamig na pader ng kuwarto. Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa, nagkatitigan sila at sabay na muling inangkin ang labi ng isa't-isa sa marahas at mapagparusang paraan.
Mahina siyang napadaing nang gumanti ito. Mariin nitong kinagat ang ibaba niyang labi at kapagkuwan ay marahas na pinagpalit ang puwesto nilang dalawa. Ang likod naman niya ang malakas na bumagsak sa pader habang marahas siyang hinahalikan ng binata sa mga labi.
Mahigpit at mariing bumaon ang kuko niya sa magkabilang balikat nito nang bumaba ang labi ng binata sa leeg niya at mariin iyong sinipsip. It hurts a lot and she took her revenge by digging her nail unto his flesh.
Malakas siyang napasinghap nang walang kahirap-hirap siya nitong binuhat. Awtomatikong pumulupot ang mga binti niya sa beywang ng binata habang patuloy nilang marahas na hinahalikan ang labi ng isa't-isa.
"Don't..." Ilang sandaling naghiwalay ang mga labi nila at matatalim ang mga matang tiningnan nila ang isa't-isa. "Don't be gentle," mariing sabi niya.
He looked straight in her eyes and then he smirked.
"I won't," he responded and he kissed her again on the lips.
He walked towards the bed while they are still kissing each other. They shared their night together in a cold room with full of moans of pleasure. A cold room yet hot and wild night.
To be continued...
A/N: Can you feel the strong sexual tension? Can't wait for you to read this. Clayton Yale Hernandez story. As expected sa anak ng isang Clyde Hernandez.
YOU ARE READING
His Sweet Touch (Available on Nobelista this February 2024)
RomanceSecond Generation(Phoenix Series) : His Sweet Touch (the 9th installment) She is a woman who's attracted to women. Having a relationship with her opposite sex was never in her mind. She's rough and dresses like a man. She's not that kind of a damsel...