PROLOGUE
“No person is sent to you by accident. Totoo kaya ‘yun?” turan ng babaeng katabi ko. Hawak-hawak nito ang cellphone niya.
“Hindi ko din masasabing aksidente lang kitang masasapak kapag hindi ka tumigil diyan,” mariin kong turan, nanlilisik ang mga matang nakatuon rito. Ngunit imbis na manahimik ay hinarap pa nito saakin ang cellphone niya, pinapakita ang post na nakita niya.
“I was just curious, Rabiha. Can you explain this?”
“Itago mo ‘yan! Mamaya ka na mag Facebpook na babae ka!” mariin kong singhal rito, sapat lang para saaming dalawa, “Mahiya ka man lang, nasa loob ka ng simbahan, iba ang inaatupag mo.”
“Oo nga pala,” natatawa nitong turan bago itago sa bag niya ang cellphone, “Mamaya ah, explain ko saakin ‘yon.” napairap na lamang ako at nanahimik na lang.
Kung hindi ko lang ito kaibigan ay kanina ko pa ito tinadyakan. Hindi marunong tumahimik kapag kinakailangan. Hindi naman ako masyadong devoted sakanya, oo, minsan kung nakakaligtaan na magsimba o manalangin, but He was my center. Kulang man ang pananampalataya ko dahil hindi ako palasimba, ngunit ay hindi ko siya na nakakalimutan.
Kaya kapag nagsisimba talaga ako ay gusto kong tahimik at nakafocus lang sakanya dahil bibihira na lang naman. At least sa isang oras na iyon ay nasa kanya ang buong atensyon ko. It's not that hard, ngunit kapag may ganitong kasama ka ay talaga namang nasa loob ka pa lang ng simbahan, may kasalanan ka agad.
“No person is sent to you by accident. So ano ‘yun? ‘Yung mga taong pinakilala lang sa atin para magbigay ng panandaliang saya, at maging parte ng buhay na halos doon na umikot ang mundo mo, tapos ending sasaktan lang tayo, ay sadya? Like, why in the first place that person sented to us, if he'll end up causing us pain?” turan nito.
Matapos kong magpasalamat sa tindira ay kinuha ko na iyong binili namin at naghanap ng pwesto. She was trailing behind me, holding her food.
“Like, why? Oo nga at may mga taong pinagtagpo para sa isa’t-isa, good for them. Pero paano naman ‘yung iba na marami pang pagdadaanan? Like, why hindi na lang ipagtagpo lahat ng para sa isa’t-isa, hindi iyong dadaan pa sa sakit kung pwede namang happy ending agad,” halos hindi na maipinta ang mukha nito na hindi ko na lang pinansin. Sanay na ako.
“Do you get my point? Doon sa phrase na ‘no person is sent to you by accident’ hindi exemption ang mga exes, lahat ng exes in different terms. Lahat sadya, at hindi aksidente,”
Napabuntong hininga na lamang ako. Mula pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng simbahan ay ito na ang bukang-bibig niya. She's asking me from time to time about the post she reads on her feed, tapos ito na siya at hindi na matigil sa pagsasalita.
Parang ang laki ng problema, na mas pinapalaki niya pa lalo. Kung ano-ano kaseng nababasa sa social media. God, sumasakit tuloy ang ulo ko.
“Tingin ka sa comment section, baka may makasagot sa'yo sa problema mo. Ang lalim kase,” suhestiyon ko na may halong sarkasamo, ngunit binulsa na lamang nito ang cellphone niya.
“Walang kwenta, kung ano-anong comment nababasa ko,” problema nitong turan at binulsa na lamang ang cellphone. “Puntahan ko na lang si Cole or Vani, tatanungin ko baka may maisagot. Ayaw ko sa'yo, binabara mo lang ako, e.” nagkibit-balikat na lamang ako at pinagtuunan ng pansin ang pagkain.
Matapos naming kumain, sinamahan ko ito sa isang boutique na pag-aari ng kapatid ng Papa niya. May pinapakuha daw kase ang Mama niya sakanya. She was currently talking to her auntie, while I was stuck staring at the particular dress I used to stare. Palagi nitong nakukuha ang atensyon ko dahil sa kulay at ganda nito na talagang litaw na litaw kumpara sa mga katabi nito.
BINABASA MO ANG
Chasing the Sunrise (Youth Series #1)
RomansaA young girl with big dreams and an even bigger heart. Growing up in a humble town, Rabiha Cis Fria's life is simple-filled with love, laughter, and the close bond of her family and friends. Though her world is not as glamorous as she once imagined...