TSLS

141 1 0
                                    

Entry 1

June 11, 2007

Unang araw sa school. First Year College na ako ngayon at exited na akong makita ang mga new classmates ko at the same time eh kinakabahan din. Madaming katanungan ang nabubuo sa isip ko gaya ng. Mababait kaya ang mga magiging classmates ko? Or terror ba kaya ang mga magiging professor k? Kakayanin ko kaya ang buhay kolehiyo? At tama ba kaya ang kursong kinuha ko? kasi sa totoo lang hindi ko naman gusto ang course na pinakuha sakin ni papa. Gusto ko sana mag Hrm or Culinary Arts eh ang kaso mo gusto naman ni papa eh mag Nursing ako. Kaya heto ako ngayon, sobrang kinakabahan.

After a few minutes eh nag datingan na nga ang mga bago kong classmates, yung iba eh mag kakakilala na at yung iba naman eh alone din na kagaya ko mabuti na nga lang at may nakatabi akong babae na ubod ng daldal pero tahimik naman pag dating sa klase. Sya si Hazel. Maganda sya, maputi at medyo chubby pero sexy. Mabait, madaldal at friendly. Unang araw pa nga lang eh marami na syang nakakilala unlike me eh tanging sya palang ang kilala ko.

Whole day kaming puro introduce your self muna tapos konting discuss about sa mga subjects namin. Wala pa namang madugong klaseng nagaganap. Kaya medyo nakakahinga pa ao ng maluwang. I swear, yung kaba ko hindi mawala wala. Buti na mga lang at hindi ako nabulol nung tumayo ako sa harapan ng klase at nag pakilala. Ang kaso mo nahiya naman ako nung merong isang lalaking bumanat ng pick up line nya.

"Alam mo bang ako ang buhay mo Yumie?, kasi hindi mabubuhay si Yu kung wala si Mie."

Nagtawanan ang lahat ng ka klase ko nun. Hindi ko alam kung ano ang rereact ko kaya hindi ko nalang sya pinansin at naupo nalang ako sa upuan ko. Nag kantsawan pa nga ang mga kaibigan nya na kesyo panis daw ang pick up line nya. Pero sa totoo lang hindi ko agad na gets ang sinabi nya.

Natawa naman si Hazel dun sa lalaki at sinabing.

"Wala ka pala sa bestfriend ko eh, Marco."

Nagulat naman ako nung sinabi nyang 'bestfriend ko' nagtatakang napatingin tuloy ako sa kanya. Nginitian naman nya ako at saka nya idineklarang simula sa araw na ito eh ako na raw ang bestfriend nya at sya na raw ang bestfriend ko. Napangiti na lang ako ng pilit dahil sa deklarasyon nya. Napa ok na lang ako.

Nung uwian na ay niyaya pa nya akong mageryenda muna sa Jollibee at nun ko nalamang batang jollibee pala sya. Nakakatuwa nga syang kasama eh dahil ang childish nya, masayang kasama at hindi ka talaga makakaramdam ng pagka bagot. Matapos naming kumain eh nag hiwalay na kami ng daan pauwi. Nag beso pa sya sakin bago sya sumakay sa sasakyan nila at nag paalam.

"Bye, Bestfriend. See you tomorrow."

Nag babay na lang din ako sa kanya at kumaway, tiningnan ko muna ang papalayong sasakyan nila bago ako nag lakad na papuntang sakayan.

Pag kauwi ko ng bahay ay nag kwento agad ako sa lola ko about sa new friend ko. Lolas girl kasi ako kaya mas malapit ang loob ko kay lola kesa sa mga magulang ko. Lumaki kasi ako sa bahay nila lola dahil palaging wala sa bahay ang parents ko, busy kasi sila sa pag papayaman nila. Buti nga at hindi about sa business ang course na pinakuha nila sakin. Thanks God.

-----------

Lumipas ang isang linggo and thanks God dahil naka survive ako! Unti unti ko ng nagugustuhan ang course ko at yun ay dahil sa tuling na din ni Hazel. Sya ang palagi kong kasama sa library, sa canteen at sa kung saan pa. Naging instant super hero ko pa nga sya nung minsang may isang malandeng babae ang humarang sa daraanan ko at tinabig ang mga librong daladala ko. Tinanong ko kung anong problema nya at ang sabi naman nya eh.

"Wala lang... akala ko kasi alikabok ka eh kaya yan tinabig kita. I never thought na tao ka pala."

Ayun at sabay tawa pa na akala mo mangkukulam. Butu na lang at dumating si Hazel at tinalakan nya yung girl.

the saddest love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon