Entry 2
July 12, 2007
Nakaramdam ako ng lungkot simula nung huling text namin ni baby chaos. Halos isang linngo na din ang nakalipas na walang chaos na nangungulit sakin. Hindi ko tuloy napigilang hindi sya ma miss, lalo na ngayon at wala akong mapag sabihan ng hinaing ko. Kung sana lang eh katext ko sya ngayon. Ni hindi ko man lang natanong ang tunay nyang pangalan.
Kaya heto ako ngayon at tahimik na nakaupo sa bench sa likod ng building ng room namin. Kelan ko lang napansin na meron palang garden dito. Kaya naman simula ngayon eh dito na ako palaging tatambay sa tuwing wala kaming klase. Hindi naman na ako nasamahan ni Hazel dahil pupuntahan nya daw muna ang new boyfriend nya.
Habang nag bubuklat ako ng libro ko at seryosong nag babasa eh ganun na lang ang gulat ko ng mag vibrate ang cp ko. Kinuha ko yun at saka tiningnan. Unregistered number. Binuksan ko ang message at natuwa naman ako ng malaman kung kanino galing ang text.
-hi blue! how are you?
Sorry kung now lang nakapag text.
Busy sa study eh. I miss you.
Nga pala save mo number ko ah.
^-^. -Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibik ng puso ko ng mabasa ko ang text nya. Siguro dahil sa matagal din kaming walang communication? Or dahil sa masaya lang ako dahil finally eh nag text din sya. Agad ko naman syang nireplayan.
>oh! Hi baby chaos!
long time mo text ah.
Ok lang yun, ako din naman.
Busy sa studies.
Kamusta ka na?
Ako? Eto ok naman.
:)Hindi rin naman nag tagal at nag reply naman din sgad sya.
-eto ok lang naman.
Nga pala wag mo na
akong tawaging baby chaos,
naasiwa kasi ako. hehe.
Jaydryll na lang.-Jaydryll pala ang pangalan nya. Sabagay kahit sinong lalaki naman maasiwa kung tatawagin mo syang baby chaos eh pang babaeng code name yun.
>Ah.. ok Jaydryll
Sabi mo eh.
Kaso pwede bang
Dryll na lang?
Haha haba kasi ng
Jaydryll n_n.<-sure. Ok lang sakin.
Eh ikaw?ano tunay mong
pangalan?->yumie tunay kong pangalan.<
-yumie,
ganda naman ng name mo.
Siguro maganda ka din
sa personal?-Natigilan ako sa text nya at napangiti. Bolero din pala sya. Pero ewan ko ba kung bakit hindi mapakali itong puso ko. Abnormal na sa pag pintig. Bakit kaya ako ganito? Hindi kaya may sakit na ako sa puso?
>haha! Bolero ka pala.
Hindi ako maganda noh.
Baka nga ikaw.
pogi ka siguro.<-haha! I dunno.
pero sabi ng mga friends ko
eh gwapo daw ako.
may pagka korean nga daw
ang itsura ko.-Hindi ko naman mapigilang wag ngumiti kasi baka mamaya eh may makakita sakin at mapag kamalan akong baliw. Pero wala eh, ang hirap pigilan. Actually eh hindi naman ako ganito noon kapag may nag bibiro sakin sa text. Wala ngang effect yun sakin pero ewan ko kung anong meron kay Dryll na 'to at nagagawa nya akong mapangiti. Ngayon ako nag papasalamat at wala si Hazel sa tabi ko dahil kung nagkataong kasama ko sya eh katakot takot na kantsaw nanaman ang mapapala ko sa kanya.
Hindi ko na nagawang balikan pa ang binabasa ko at itinuan ko na ang atensyon ko ka Dryll. Nakakatuwa kasi syang ka text. Nakakawala ng bad vibes. Ni hindi ko na nga maramdaman ngayon yung lungkot na naramdaman ko kanina. Hindi kaya may gayuma sya at palihim na nya akong ginagayuma?
BINABASA MO ANG
the saddest love story
Romantiekhave you felt in love to a stranger? yung tipong mahal mo sya at minahal mo sya dahil pinaramdam nya rin sayong mahal ka din nya even that you really dont know who really he is? yung tipong sya na yung taong gusto mong makasama panghabang buhay dahi...