Entry 5
October 21, 2007
"Happy 2nd monthsarry momie! Uyy! Excited na syang makita ako."
Yan ang unang bungad ni Dryll sakin ng sagutin ko ang tawag nya. Excited pa syang sinabi sakin kung saan kami mag kikita. Kahit ako naman eh na e.excite sa pagkikita namin pero there are part of me na parang ayaw umasang magkikita nga kami. Hindi ko naman masisis ang sarili ko dahil ilang beses na nga ba kami nag plano na magkita kami? And ilang beses na din kaming nabigo. Merong parte ng puso ko na umaasa at meron ding hindi. Pero hindi ko na lang pinansin yun. Mag aanatay na lang ako sa kanyang dumating. Kasi palagi namang ganun eh. Ako ang nag aanatay sa wala. Pero bakit nga ba ako pumapayag na mag antay sa wala? At bakit nga ba ako patuloy na umaasang this time eh matutupad na nya ang pangako nya? Simple lang ang sagot. Yun ay dahil sa mahal ko sya.
"Ano ka. Hindi kaya. Baka ikaw. Excited ng makita ako."
Biro ko sa kanya na ikinatawa naman nya.
"Haha! Si momie talaga. Syempre naman noh. Abah. Makikita at makakasam ko na ata ang pinaka mamahal ko noh. Ikaw lang naman dyan. Walang tiwala sakin."
Nakaramdam naman ako ng guilty sa huli nyang sinabi. Parang biglang kinurot ang puso ko sa klase ng tono nya. Para syang nalungkot at na dissapoint dahil sa naramdaman nyang parang halos ayoko nga maniwalang magkikita na kami ngayon.
"Hindi naman sa ganun. Actually eh nag hahanda na nga ako ngayon para mamaya. Hindi ko nga alam kung ano ang isusuot ko eh. Syempre gusto ko ma maganda ako sa paningin mo mamaya."
"Talaga? Hmm im happy to hear that. And im sorry talaga mhie sa lahat ng pangako kong hindi ko natupad sayo. But this time eh sigurado na to. Totoo na talaga 'to momie. Magkikita na talaga tayo."
"Oh sya. Sige na at ako eh mag papa.parlor muna. Kailangan ko na din kasibg magpa hair treatment eh. Medyo dry na yung hair ko. Haha natuyo sa kunsimisyon sayo."
Binaba ko na ang linya at saka lumabas ng bahay para pumuntang salon. Aba eh kung magkakatotoo nga na magkikuta kami ngayon. Dapat lang na magpaganda ako noh. Para naman hindi ako magmukhang alanganin sa kanya. Kung bakit ba naman kasi ang pogi nya sa cam?.
After an hours eh nakarating na ako sa meeting place namin. Nag text sya kanina na on the way na sya kaya naman eh umalis na din ako ng bahay pagkabasa ko nun. Hay. Finally. This is it. Sana wag mapurnada.
Naupo ako sa bakanteng bench at doon ay tahimik na nag aanatay. Nag text ako sa kanya na nakarsatng na ako. Kinakabahan ako na ewan. Patuloy akong nag darasal na sana ay dumating sya. Lumipas ang 15minutes eh nakatanggap ako ng text mula sa kanya.
"Ill be there at 10minutes. Can't wait to see you."
Hindi na ako ng reply pa at nag antay na lang ako. Habang inaantay ko ang pag dating nya eh nawili naman ang mga mata ko sa mga batang nag lalaro. Nasabi ko ba na nasa isang park ako ngayon? Ewan ko b dyan kay Dryll at ang daming pauso. Kesyo ayaw nya daw sa mall kami magkita kasi madami daw tao. Kesyo wala daw privacy at keso hindi daw nya ako ma sosolo. Yung totoo? Hindi naman nya siguro ako kikidnapin diba at ayaw nya makipagkita sa mataong lugar? Daming arte sa katawan.
Habang abala ako sa panonood sa mga batang nag tatakbuhan at ng tatawanan eh nagulat naman ako ng biglang magdilim ang paningin ko. Kinabahan ako ng maramdaman ko ang dalwang kamay na nakatakip sa mata ko. Oh my gosh! Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Mix emotion. Kaba, saya at takot? Ewan ko. para na nga akong nabibingi sa lakas ng kabog ng puso ko. At ang mga balahibo ko? weh? Nagtayuan?.
Dahil sa pagkagulat ko eh hindi ko agad nagawang makapag salita ng bigla syang mag salita sa likuran ko.
"Hello momie."
BINABASA MO ANG
the saddest love story
Storie d'amorehave you felt in love to a stranger? yung tipong mahal mo sya at minahal mo sya dahil pinaramdam nya rin sayong mahal ka din nya even that you really dont know who really he is? yung tipong sya na yung taong gusto mong makasama panghabang buhay dahi...