TSLS

50 0 0
                                    

Entry 4

September 21, 2007

Parang kelan lang ng naging kami ni Dryll at ngayon nga eh one month na kami. Gaya ng dati eh hindi pa rin matuloy tuloy ang pagkikita namin dahil he's under medication pa. After nya kasing ma confine sa hospital last week eh in.advice.san sya ng doctor nya na mag pahinga na lang muna at wag gumawa ng kahit na anong ikakapagod nya. kaya heto kami ngayon magkausap sa phone.

Gusto ko sanang dalawin sya sa bahay nila since alam naman na daw sa kanila na may gf na sya and gusto na din naman daw ng mga ito nameet ako. Kaso wala akong lakas ng loob na pumunta sa kanila para ma meet sila.

"You don't have to worry momie. Mababait sila and they are excited to meet you. So why so worried?"

Oo nga naman at ano pa ba ang ikinakabahalo ko? Eh hindi bat yun din naman ang gusto kong mangyari. Ang ma meet ko sya at makilala ang pamilya nya. Pero kasi alam nyo yung feeling na baka hindi nila ako magustuhan, na baka mapahiya lang ako sa harap nila. Na baka hindi ang tipo ko ang gusto nila para kay Dryll. And isama mo pa na parang langit at lupang agwat namin sa isa't isa. Masyado syang gwapo para sa isang katulad ko na average lang ang itsura. Ano na lang ang sasabihin nila?

"Im sorry dhie. Pero kasi. Nahihiya ako sa kanila. And baka kasi hindi nila ako magustuhan para sayo. And natatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin bilang parte ng family nyo. Lalo pa't Walang wala ang itsura ng lahi ko sa lahi nyo plus idagdag mo pa ang estado ng buhay namin kumpara sa inyo."

Para namang nabigla sya sa sinabi ko lalo na dun sa lahi thingy. Eh kasi hindi nyo ako masisisis kung nawalan ako ng self confidence pero kasi. Grabe naman talaga ang kagwapuhan ng itsura nya. Ikaw ba naman msgkaraoon ng triple half na lahi? Half brithish, half korean at half pilipino. Hindi nga lumitaw sa itsura nya ang pagiging pinoy nya. Anong panama ng half half din na katulad ko? Half tagalog at half bicolana? Walang halong half states sides.

"Hay naku momie. Ayan nanaman tayo eh. Masyado mong minamaliit yang sarili mo. Ano ka ba. Maganda ka inside and out. And isa pa hindi naman sila tumitingin sa itsura ng tao. They dont care kung maganda ba yan or panget. They just want a good hearted one and i found that to you. So please? wag mong maliitin ang sarili mo. Just be your self, enough na yun sa kanila."

"Pero kasi. Nahihiya pa rin ako."

"You dont need to be shy. Kasi ako hindi kita ikinakahiya at never akong ikahiya ka. Dahil mahal kita. At tanggap ko ang lahat sayo even your not perfect to others but for me you are the most perfect girl i ever meet in my life. At hindi ko papayagang may ibang taong pag hiwalayin tayo. That's because i love you. I love you for being what you are."

Wala na akong nasabi pa sa kanya. Sa haba nag sinabi at paliwanag nya sakin eh ano pa ba ang irereklamo ko? Wala na din naman akong mapapala kung makikipag debate pa ako sa kanya. And sa lahat ng sinabi nya eh may dapat pa ba akong ireklamo? Wala na. Dahil lahat ng sinabi nya eh tumagos sa puso ko.

"Thanks dhie. For accepting me for who i am."

"No momie. Kung meron mang dapat na mag thank you sating dalawa eh ako yun. Thanks dahil sa tinulungan mo akong makawala sa past ko. Thank you dahil sa tinanggap mo ako sa kabila ng kahinaan ko. Hindi mo ako iniwan kahit pa nalaman mo ang health condition ko. Ikaw ang nag bigay sakin ng lakas para patuloy na lumaban at wag mag paapekto sa sakit ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nag papakatatag ako ngayon at salamat momie for the love and care. Thank you for always there for me. Hindi mo ako binitawan kahit na alam kong nagsasawa ka na sa ganitong set up ng relasyon natin. I love you momie."

Masyado na nyang nilulunod ang puso ko sa kaligayahan. Simula noon eh palagi nyang sinasabi kung gaano nya ako ka mahal. Kaya naman eh hindi ko rin mapigilan ang sarili kong wag lumalim ang nararamdaman ko sa kanya gaya ng palaging sinasabi sakin ni Hazel.

the saddest love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon