SA BAWAT araw na lumilipas na hindi pa rin bumabalik si Clevy ay mas lalo akong nag aalala at kinakabahan. Alam kong nangako siya sa akin na babalik siya ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Halos mabaliw na ako kakaisip sa kaniya. Makakauwi ba ng maayos si Clevy? Ligtas kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Naiisip niya kaya ako ngayon?
Dahil sa sobrang pag iisip ko sa kaniya ay may mga gabi na na umiiyak ako. Gustong gusto ko na siyang mayakap at makitang muli. Bakit hindi pa kaya siya umuuwi?
Habang umiiyak ako dito sa may kama ko ngayon ay may kumatok sa aking pintuan.
“Si Miya ito Serena. Papasok na ako.” saad niya bago pumasok at nilock niya 'yong pintuan.
“Simula nung umalis si Clevy ay palagi ka na lang nagkukulong dito. Alam kong nag aalala ka para sa kaniya, pero nag aalala na rin sila Tito at Tita dahil sa ikinikilos mo.” aniya bago siya umupo sa may tabi ko. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit bago humagulgol.
“Hindi ko mapigilan ang sarili ko Miya. Nasa misyon siya ngayon, paano kung mapahamak siya?” umiiyak na saad ko habang pinapakalma niya ako.
“Malakas si Clevy, wala ka bang tiwala sa kaniya?” tanong niya bago niya pinunasan ang luha ko.
“Mayroon pero hindi ko lang talaga maiwasan na mag alala para sa kalagayan niya.” aniya dahilan para mapabuntong hininga siya.
“Magiging ligtas si Clevy, nangako siya sa'yo diba? December 24 na ngayon kaya sigurado akong mamaya lang ay nandito na siya. Magtiwala ka lang.” pagpapakalma niya sa akin at gumaan naman ang pakiramdam ko. Tama siya, uuwi si Clevy sa akin ng ligtas dahil nangako siya sa akin. May tiwala ako sa kaniya kaya kailangan ko na lang mag hintay.
Kaagad akong kumuha ng tissue para suminga. Habang nagpupunas ako ay may hindi inaasahan akong napansin sa may leeg ni Miya. Kaagad kong hinawi ang buhok niya at nabigla ako nang makita kong may chikinini siya sa leeg.
“Oh my god Miya. Is that a hickey?” gulat na sigaw ko dahilan para takpan niya ito at namumula siyang umiwas ng tingin sa akin.
“Let me guess, pinagod ka nanaman ng Kuya Stanley kagabi 'no?” kinikilig na saad ko habang si Miya naman ay namumula na ng parang kamatis.
“Wala naman akong choice. Nag chat kase si Daniel kagabi at may sinabi lang siya. Nag I love you siya sa chat tapos nabasa ni Stanley. Ayon nag selos siya at hindi niya ako tinigilan hanggang madaling araw.” pagku-kwento niya dahilan para mapasigaw ako sa kilig. Tama talaga na nagkasama sila sa kwarto. Finally, nagkakaroon na ng progress ang relationship nilang dalawa.
“May pa-sabi sabi pa si Kuya Stanley na ayaw niya sa'yo pero grabe naman mag selos. Napaka indenial talaga ng Kuya kong 'yon.” natatawang aniya bago ako tumayo at umunat.
“Tara kumain na tayo ng breakfast. Maghihilamos lang ako saglit.” saad ko bago ako pumasok sa banyo dito sa loob ng kwarto ko. Kagaya ng dati ay sinimulan ko na ang skincare routine ko.
Matapos akong mag hilamos at magpahid ng mga cream ay lumabas na kami at kumain.
Sa paglipas ng mag hapon ay hindi ako nag e-enjoy. Sa bawat oras na lumilipas ay bumabalik nanaman ang pag aalala ko kay Clevy. Masayang nag lalagay ng mga decorations sila Mom and Dad pati na rin sila Miya at 'yong mga Kuya ko pero hindi ako mapakali.
Maya't maya ko tinitingnan 'yong cellphone ko, nagbabaka-sakaling mag chat si Clevy ng papauwi na siya at makakasama ko na rin siya. Napansin siguro ito ni Mom dahil bigla niya akong tinanong.
“You don't look happy anak? Is there a problem?” tanong ni Mom habang nagbabalot sila ng regalo para sa mga bodyguard namin.
“W—Wala naman po Mom. May iniisip lang ako.” saad ko nang biglang nag salita si Kuya Stanley.
YOU ARE READING
DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn Delacroixvern
RomanceSerena Vienn Delacroixvern is the spoiled heiress of Delacroixvern Family. Trouble maker, hot tempered and expensive. She always makes a mess that always ends up in the newspaper and news causing her father who is the President to be angry. She is...