IT'S been a a few days since Christmas and today was December 30. Umaga pa ngayon kaya mamaya maya pa kami uuwi dahil birthday ni Kuya Lancer bukas Siyempre kailangan naming um-attend kaya mas mauuna pa kaming umuwi kaysa kila Mom, Dad at mga Kuya ko.
Ever since nung sinabi ni Clevy sa buong pamilya ko ay hindi na namin kailangan pang itago ang relasyon namin. Sobrang saya ko dahil pumayag sila sa relasyon namin.
It's already 9:00 PM at nag gagala pa rin kami ni Clevy dito sa may Tokyo. Bumili kami ng mga pagkain at nag ikot ikot hanggang sa mapagod kami. Kasalukuyan akong umiinom ng kape nang may biglang tumawag kay Clevy.
“Hello?” aniya habang patuloy kami sa paglalakad.
“Okay, we'll be there in 15 minutes. Dadalhin ko si Serena.” saad niya dahilan para magtaka ako. Dadalhin niya ako? Pero saan?
“Saan tayo pupunta babi?” tanong ko sa kaniya.
“Sa headquarters namin dito sa Japan. Gusto mo bang sumama?” aniya kaya naman na-curious ako kung ano nga ba ang hitsura ng headquarters nila dito sa Japan. Kaagad naman ako tumango at sumakay na kami sa kotse. Nang makarating na kami sa may abandonadong building ay nagtaka ako. Dito ba 'yong headquarter?
Dinala niya ako sa isang kwarto at nabigla ako nang gumalaw 'yong inaapakan namin pababa.
Nang makarating kami sa may baba ay binati nila kami ni Clevy.
“Welcome back Coldicer. Congratulations nga pala sa latest mission mo.” pag bati ng isa sa mga agent sa kaniya. Nagpasalamat naman siya bago kami pumasok sa isang room na may malaking lamesa at naupo kami sa mga upuan doon. Nagtinginan naman ang ibang mga agents na nandoon sa amin dahilan para kabahan ako.
“Nandito na pala kayo. Eto tsaa, uminom muna kayo ” saad ng isang lalaki. Kaagad na uminom si Clevy ng tsaa habang ako ay nagdadalawang isip pa. Hindi naman kase ako mahilig sa tsaa pero wala namang mawawala kung susubukan ko diba?
Akmang iinom na sana ako ng hablutin ni Clevy 'yong tsaa sa akin at itinapon niya ito sa muka nung nagbigay sa amin. Napasigaw naman 'yong lalaki dahilan para mabigla ako.
“Babi bakit mo ginawa 'yon?” gulat na tanong ko pero sa lalaking 'yon siya nakapokus.
“Why did you put a f*cking poison in this tea? Are you trying to k*ll us you mother f*cker?” galit na sigaw ni Clevy bago siya bumunot ng bar*l at itinapat niya ito sa ulo nung lalaki.
M—May lason 'yong tsaa? Pero kung may lason 'yon, papaano na si Clevy? Naubos niya 'yong isang baso. Kailangan ko na siyang dalhin sa hospital. Akmang mag sasalita na ako nang mag salita si Clevy.
“Joke lang 'yon Clevy. Ikaw naman hindi mabiro.” natatawang saad nung lalaki dahilan para mas lalong magalit si Clevy.
“Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko dahil hindi naman tayo close. Saka anong joke lang? Tang*na mo! Paano kung nainom ng girlfriend ko 'yong tsaa at nam*tay siya? Gag* ka ba?” galit na saad niya. Nabigla ako ng bigla niyang ipinutok ang bar*l at tinamaan niya 'yong lalaki sa may braso. Napasigaw ito sa sobrang sakit kaya naman pinigilan ko na si Clevy.
“Ayan, joke lang din.” inis na asik niya habang namimilipit sa sakit 'yong lalaki.
“Throw that mother f*cker away!” utos ni Clevy at kaagad namang sumunod 'yong ibang mga agents na nandoon.
“Babi calm down. I'm perfectly fine naman at wala akong nainom. Pero ikaw, okay ka lang ba? Ininom mo 'yong may lason na tsaa. May nararamdaman ka bang kaiba? Kailangan na ba natin pumunta ng hospital?” sunod sunod na tanong ko dahil sa pag aalala. Akmang sasagot na siya ng may mag salita sa likuran niya.
YOU ARE READING
DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn Delacroixvern
RomanceSerena Vienn Delacroixvern is the spoiled heiress of Delacroixvern Family. Trouble maker, hot tempered and expensive. She always makes a mess that always ends up in the newspaper and news causing her father who is the President to be angry. She is...