Chapter 21

411 8 3
                                    

“SERENA! Wake up babi!” saad ng kung sino dahilan para magising ako. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto dahilan para magtaka ako. Hindi ko naman kwarto 'to ah? Nang mapatingin ako sa taong gumigising sa akin kanina ay halos tumigil ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala, buhay siya? Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang makita ko siya. Kaagad akong tumayo sa kinahihigaan ko at lumapit sa kaniya.

“Babi?” paninigurado ko bago ko hinawakan ang pisnge niya. Tumulo ang luha ko nang mahawakan ko ang pisnge niya.

“Bakit babi? Why are you crying? May masakit ba sa'yo?” nag aalalang tanong ni Clevy sa akin bago niya ako hinalikan sa noo. Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak ng umiyak. Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko ngayon dahil buhay siya.

Nabigla naman ako ng bumitaw siya sa yakapan naming dalawa at lumabas siya ng walang sinasabi. Kaagad naman akong sumunod sa kaniya para malaman kung saan siya pupunta.

Nang makalabas ako ay napagtanto kong nasa beach pala kami. Walang ibang taong nandoon maliban sa aming dalawa.

“Clevy, papaano tayo napunta dito?” tanong ko sa kaniya habang nakatalikod siya sa akin dahil sa dagat siya nakatingin.

“I'm sorry.” saad niya dahilan para magtaka ako. Sorry? Bakit siya nag so-sorry? May nagawa ba siyang mali?

“Bakit ka nag so-sorry? May problema ba?” nagtatakang tanong ko. Nabigla ako nang may tumulo na luha mula sa mga mata niya.

“I tried everything babi pero hindi na talaga kaya. I'm sorry dahil hindi ko na matutupad sayo 'yong mga pangako ko.” lumuluhang saad niya dahilan para muling tumulo ang mga luha ko. That's when realization hit me.

“Hindi na ba talaga kaya babi? Hindi ko kakayanin Clevy.” pagmamakaawa ko sa kaniya. Bakit hindi? Gustong gusto ko pa siya makasama.

“Hindi na talaga eh. Sa totoo lang ayaw ko pang umalis. Ayoko pang iwanan ka kase nangako tayo sa isa't isa di'ba? Na habang buhay na natin mamahalin ang isa't isa.“ saad niya dahilan para mapalamyak ako sa may buhangin.

“Siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa't isa Serena. Hindi siguro ako ang lalaking nakatadhana sa'yo kaya naman, kailangan mo na akong kalimutan Serena. Kalimutan mo na lahat ng mga masasayang memories nating dalawa. Kalimutan mo na lahat ng tungkol sa akin. Dahil paulit ulit mo lang mararamdaman ang sakit kapag maaalala mo ako.” nakangiting saad niya bago siya naglakad papalapit sa may tubig.

“No! Hindi totoo 'yan Clevy. Huwag mo akong iwanan babi.” pagmamakaawa ko sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. Palayo na siya ng palayo kaya naman tumayo ako para habulin siya. Hindi niya ako pwedeng iwanan!

“Huwag ka nang sumunod sa akin Serena. Mahal na mahal kita, kaya naman kalimutan mo na ako.” aniya bago siya tuluyang nawala dahilan para mapahagulgol ako ng malakas. Papaano ko siya makakalimutan kung siya lang ang lalaking gusto ko mahalin? Ano nang gagawin ko ngayon? May magagawa pa ba ako para maayos ang lahat—

“Gumising ka Serena!” nagising ako dahil kay Miya. Nang imulat ko ang aking mga mata ay naabutan kong umiiyak siya.

“M—Miya.” nanghihinang saad ko bago niya ako tinulungan makabangon sa kinahihigaan ko.

“Serena.. Tama na Serena. Itigil mo na 'yan.” lumuluhang saad ni Miya dahilan para magtaka ako.

“Serena 4 months nang p*tay si Clevy at kailangan mo nang tanggapin 'yon. Hindi ka ba naaawa sa magiging anak niyo? Pinababayaan mo ang sarili mo Serena. Hindi ka kumakain at palagi kang wala sa sarili.” aniya dahilan para mabalik ako sa ulirat. Kaagad akong napatingin sa may tiyan ko. Doon ko napagtanto na nagdadalang tao nga pala ako.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now