UNANG KABANATA

13.4K 226 2
                                    

#TheBrokenMansGame



UNANG KABANATA


"Saan ka pupunta?" tanong ni Anton sa girlfriend slash ka-living partner na si Diana ng makitang nakabihis ito ng corporate attire. Nasa loob sila ngayon ng may kaliitan na inuupuhang apartment. Nasa tabi ito ni Diana na kasalukuyan namang nakaharap sa malaking salamin at inaayos ang sarili.

Napatingin si Diana kay Anton. "Mag-aapply ng trabaho..."

"Di ba sinabi ko na sayo na ako na lang ang magtatrabaho sa ating dalawa? Bakit mo ipinipilit sa akin ang gusto mo?" tanong agad ni Anton na nakakunot pa ang noo. Kahit kailan talaga napakamahinahon magsalita ni Anton kahit iyong tipong galit na ito.

Napairap ng mata si Diana sa kinakasama. "Sawa na ako dito sa bahay... Gusto ko ng may ginagawa... Saka anong gusto mo? Lagi na lamang akong maghintay sa ibibigay mong kakarampot na pera sa akin?" mataray na sabi ni Diana. "Gusto ko rin naman na kumita ng sarili kong pera para naman hindi ako laging umaasa sayo..."sabi pa nito. "Sawa na rin ako sa buhay nating ito na parang manok... isang kahig isang tuka... Gusto ko naman na magkaroon ng matiwasay at magandang buhay hindi yung ganitong buhay na kailanman... hindi ko pinangarap..." sabi pa nito na ikinasakit naman ng loob ni Anton.

"Pero..."

"Aalis na ako..." sabi kaagad ni Diana at kinuha ang shoulder bag nito na nakapatong sa maliit na mesa kasama ang folder rin nito at kaagad ng umalis ng bahay.

Napabuntong-hininga si Anton at nakatingin na lamang sa pintuan kung saan lumabas si Diana. Magkahalong sakit at pakaapak sa kanyang pride ang nararamdaman nito.

Sino ba naman kasing lalaki ang hindi masasaktan sa sinabi ni Diana. Kulang na lang na sabihin nito sa kanya ay isa siyang walang silbing lalaki. Lahat naman ng kailangan nito ibinibigay niya kahit na alam niyang mahirap. Ano pa bang kulang?

Ilang taon na ring nagsasama sila Anton at Diana. Since high school pa lamang ay nagsimula na ang kanilang love story na humantong sa kanilang pagsasama pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng kanilang high school. Hindi na rin sila nakatuntong pa ng kolehiyo dahil na rin sa hirap ng buhay at kailangan na agad na magtrabaho.

Parehong ulilang lubos ang dalawa kaya marahil ay nahanap rin nila sa isa't-isa ang pagmamahal na matagal rin nilang hindi naramdaman. Unang nobya ni Anton si Diana at mahal na mahal niya ito. Kung may pagkakataon nga lang at may pera siya, pinakasalan na niya agad-agad si Diana. Ganun rin naman si Diana, unang nobyo niya si Anton at mahal niya ito ngunit may kung anong hinahanap siya na hindi naman maibigay ni Anton.

Maganda si Diana. May kaliitan ang tangkad nito pero sexy ang pangangatawan. Maliit ang hubog ng mukha, may katangusan ang ilong, bilugan ang mga mata, manipis ang natural na mapula nitong labi, may kaputian at makinis ang balat. Si Diana ang tipo ng babaeng pwede mo ng gawing covergirl ng isang magazine.

Si Anton naman ay maituturing mong isang hunk. Sa tangkad nito na 5'11, aakalain mong isa itong modelo ng isang brand ng brief. Maskulado ang pangangatawan na hapit sa suot nitong puting t-shirt at siguradong kahit sinong babae, talagang masisiyahan na hawak-hawakan at haplos-haplusin ito. Ang maumbok nitong dibdib na tiyak ikababaliw ng mga babae.Ang mga hita at binti nito na natatakpan ng suot nitong kupas na maong na talaga namang sing-tigas ng bakal sa tigas dahil sa mamasel nitong anyo. Napakagwapo pa ng mukha nito.Clean-cut ang gupit ng buhok, Proportioned ang hugis ng mukha na pinartneran pa ng dalawang pares ng mga matang kung tumingin ay parang nang-aakit, iyong tipong napakalalim nitong tumingin at abot hanggang sa kaloob-looban mo. Matangos ang ilong nito at ang labi, may kakapalan pero napakasarap halikan. Moreno ang kulay ng makinis nitong balat na bumagay sa kanyang lalaking-lalaking anyo. At ang pinakamatindi pa na magpapagwapo rito, ay ang nagsisimula muli na tumubo na bigote at balbas na talaga namang mapapadila ka sa inyong labi dahil sa maaakit ka talaga sa kanya.

Nasa 24 anyos na si Diana habang si Anton naman ay nasa 25 anyos na. Tamang edad na sana para sila'y magpakasal.

Matiwasay naman ang pagsasama nila ni Diana, nakakaraos sa pang-araw-araw na buhay. Kargador sa isang palengke si Anton habang si Diana, lagi lamang nasa bahay pero ngayon, mukhang nagsawa na ito na laging nasa bahay kaya gustong maghanap ng trabaho. Pigilan man yata nito ang nobya pero wala na yata siyang magagawa para mapigilan pa ito dahil desidido na ito.

Alam naman niya na may ugali si Diana na pagka-ambisyosa. Gusto nito na laging nabibili at nasusunod ang gusto kaya lahat ginagawa niya para lang masunod ang gusto nito. Sabihin man ng iba na para siyang uto-uto dahil sunod lamang siya ng sunod sa gusto ng nobya, wala siyang pakielam. Nagmamahal lamang siya at lahat ng gusto ng kanyang mahal, gagawin niya.

Wala pa silang anak na dalawa. Ayaw kasi muna ni Diana na magkaroon sila ng anak. May pangarap raw kasi ito at gusto muna iyon matupad bago ang pagkakaroon ng anak.

Marami ng nangyari sa kanilang pagsasama. Kung nung una ay masaya pa sila at kuntento sa piling ng isa't-isa pero ngayon, mukhang nag-iiba na ang takbo. Nag-iiba na si Diana pero hindi na lamang ito pinapansin ni Anton. Mahal niya si Diana at lahat ay gagawin niya para lamang maging masaya ito sa kanyang piling.

-KATAPUSAN NG UNANG KABANATA-


DATE POSTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY)

THE BROKEN MAN'S GAME (M2M INTENSE DRAMA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon