25

3.2K 102 6
                                    

#TheBrokenMansGame

IKADALAWAPU'T LIMANG KABANATA

Madilim ang paligid at tanging mga ilaw lamang na nanggagaling sa lampshades at ang ilaw na nanggagaling sa nakabukas na tv ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Kasalukuyang nakaupo sa sofa si Harold. Nasa living room siya ngayon. Nakasindi ang tv na nasa harapan lamang niya pero hindi roon naka-focus ang atensyon niya. Tulala kasi ito at malalim ang iniisip.

"Anak... Gabi na, bakit gising ka pa?" biglang sumulpot out of nowhere si Madam Esmeralda. Napatingin sa kanya si Harold.

"Mom..." ang nasabi lamang nito.

Ningitian siya ng kanyang ina bago ito naupo sa sofa katabi niya, ipinatong sa gitnang mesa ang hawak-hawak na tasa ng tsaa. Napatingin ito sa anak.

"Sinasayang mo naman ang kuryente natin anak... Mukhang hindi ka naman nanunuod eh..." pabirong sabi nito at natawa ng mahina. Napangiti na lang si Harold at umiwas ng tingin sa ina.

"Thinking of him?" tanong nito na nagpatingin naman kay Harold kay Madam Esmeralda.

"Mom..." magkasalubong ang magkabilang kilay at nakakunot ang noo na sabi ni Harold. Nagtataka sa sinabi ng ina.

Ngumiti si Madam Esmeralda. "I know... Kahit naman hindi ka magsalita at sabihin sa akin ang iniisip mo... Alam kong siya ang dahilan nang malalim mong pag-iisip..." sabi nito.

Lalong nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold dahil sa pagtataka.

"What do you mean Mom? Hindi kita maintindihan?" tanong ni Harold.

"Si Anton? Siya di ba ang iniisip mo?" sabi ni Madam Esmeralda na may ngiti sa labi. Nagulat naman si Harold sa sinabi ng ina.

Pamaya-maya, natawa ito. "Mom naman, bakit naman sa dinami-dami ng pwede kong isipin... Siya pa talaga ang pumasok sa isip mo na iniisip ko?" tanong ni Harold at napangiti.

Napangiti muli si Madam Esmeralda. "Kasi... siya ang mahal mo..." sabi nito.

Umiwas ng tingin si Harold. Napakagaling talaga ng kanyang ina, biruin mo, nahulaan nito kung anong iniisip niya.

"So kumusta naman ang trabaho mo na kasama siya? Anong nararamdaman mo? Naiilang ka ba or what?" tanong ni Madam Esmeralda.

Napabuntong-hininga si Harold. "Ok lang... Ewan ko... Pati kasi pakiramdam ko, nalilito na..." sabi ni Harold.

Napangiti si Madam Esmeralda.

Muling napabuntong-hininga si Harold. Napatingin ito sa kanyang ina.

"Bakit ganun Mom... Sa kabila ng sakit at galit na nararamdaman ko sa kanya dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya? Hindi ba pwedeng kapag sinaktan ka ng isang taong mahal mo, kasabay rin nun ay kaagad ring mawala ang pagmamahal mo sa kanya at ang matira na lamang ay ang galit dahil sa nasaktan ka niya?" tanong ni Harold.

Napabuntong-hininga si Madam Esmeralda. "Alam mo kasi Anak... Ang pagmamahal, hindi 'yan parang isang bula na isang tusok mo lang, kaagad ng maglalaho o mawawala... Ang puso kasi natin anak, wala 'yang isip kaya kahit na anong pilit nating kalimutan ang isang taong nanakit sa ating damdamin, patuloy lamang itong titibok at magiging laman ang taong iyon kahit na ilang beses pa tayong masaktan ng taong iyon... Maihahalintulad mo ang puso sa isang tangang tao kasi katulad ng tangang tao, ang puso, hindi makaintindi... Pero alam mo ba... Sa lahat ng parte ng katawan na meron tayo, ang puso ang hindi traydor... Oras kasi na tumibok ito sa isang tao, ibig sabihin, iyon ang taong karapa't-dapat mahalin... Iyon ang taong kahati ng puso natin..." sabi ni Madam Esmeralda.

THE BROKEN MAN'S GAME (M2M INTENSE DRAMA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon