21

3.4K 102 6
                                    

#TheBrokenMansGame

IKADALAWAPU'T-ISANG KABANATA

"ANG BABABOY NINYO! MGA HAYOP!"

Isang nakakabinging sigaw ang kanilang narinig na naging dahilan para kaagad silang maghiwalay sa halikan. Napalingon sila sa sumigaw at halos manlaki ang mga mata ng dalawa nang makita ang galit na galit na nakatingin sa kanila na si Diana. Namumula talaga ito sa galit at nag-aapoy pa ang mga mata. Kitang-kita rin nila ang pagtulo ng mga luha nito.

"Talagang dito niyo pa sa mansion nagagawa ang mga kababuyang meron kayo sa katawan! Hindi man lang kayo nagkaroon ng konsensya at hindi niyo inisip na nandito lang rin ako sa loob ng mansion na ito... Mga wala kayong hiya..." puno ng galit na sabi ni Diana. Nanatili namang tulala ang dalawa habang nakatingin kay Diana. Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin ngayon. Huling-huli sila.

Dahan-dahang naglakad si Diana palapit sa kanila. Nanginginig ang kamao at kalamnan ni Diana habang palapit sa kanila. Matindi talaga ang galit na nararamdama nito.

"Ikaw!" sigaw ni Diana at dinuro si Harold pagkalapit niya rito. "Ang kapal ng mukha mo para pagmukhain akong tanga!... Minahal kita... Minahal kita pero ito ang igaganti mo sa akin? Ang gawin akong tanga sa loob pa mismo ng pamamahay na ito? Ang kapal ng mukha mo!..." sabi nito sabay hampas sa dibdib ni Harold ng paulit-ulit.

"Diana..." 'yun lang ang nasabi ni Harold. Pinabayaan niyang gawin ang gusto ni Diana. Kitang-kita niya kasi sa mga mata nito ang sakit. Naaawa siya.

Tinitigan nang matalim ni Diana si Harold. "Hanggang kailan mo ako gagawing tanga huh? Hindi mo ba alam na araw-araw akong nagmumukhang tanga? Araw-araw kong iniisip ang dahilan kung bakit bigla ka sa akin nagbago... Araw-araw kong iniisip at itinatanggi sa sarili ko na baka may iba ka... Araw-araw kong iniisip na kung may iba ka nga, sino iyon at anong itsura ng babaeng kalandian mo habang nakatalikod ako... Araw-araw akong nag-iisip ng paraan kung paano kami magkakaharap at anong gagawin ko sa kanya oras na magkaharap kami... Grabe... Tama nga ang hinala ko na meron ka ngang iba pero ang hindi ko inakala... Na ang kahati ko pala sayo ay hindi babae... Hindi katulad ko kundi isang lalaki! Nakakadiri ka! Hindi ko akalain na bakla pala ang napangasawa ko!" malakas na sigaw ni Diana sa harapan ni Harold. Tuluyan nang lumuha ang mga mata nito.

Walang nagawa si Harold kundi ang tingnan na lamang ang umiiyak na asawa. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Tumawa ng pagak si Diana habang patuloy pa ring lumuluha.

"Ano bang nasa isip mo sa tuwing magsisiping tayong dalawa? Ay mali pala ang tanong ko... Sino ba ang iniisip mo sa tuwing magsisiping tayong dalawa? Siguro, sa tuwing gagawin natin 'yon..." sandaling tumigil sa pagsasalita si Diana at tiningnan si Anton na nakayuko na lamang. Tumingin muli ito kay Harold. "Siya ang nasa isip mo di ba? Iniisip mo na ako siya, iniisip mo na lalaki ang kasiping mo para naman hindi ka mandiri sa ginagawa mo kasama ako!" sigaw pa na sabi nito.

Napalayo ng konti si Diana kay Harold. Pinunasan nito ang luhang patuloy pa ring dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Napakagat-labi pa ito.

"Nakakadiri ka... Ok na sana kung malalaman kong bakla ka, matatanggap ko pa iyon kasi asawa kita at mahal kita pero ngayon, paano pa kita matatanggap kung nahuli naman kitang nakikipaglandian sa kanya? Siguro nga hindi lang hanggang halikan ang ginagawa ninyo! Siguro nag-eespadahan din kayo... Tama ba?" sabi pa nito. Nanlalaki ang mga mata.

Tumingala si Diana para mapigilan ang pagluha. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Pakiramdam nga niya, parang pakwan ang puso niya na hiniwa sa pira-piraso, Sobrang sakit.

"Ang kapal ng mukha mo para gawin ito sa akin at saktan mo ako ng ganito... Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko at hindi mo na rin naisip ang anak natin... Ano na lang ang mararamdaman niya oras na lumaki na siya at malaman niya ang pinaggagagawa mong kataksilan?" sabi pa ni Diana. "Lalo na kung malaman pa niya na lalaki ang kalaguyo ng tatay niya? Grabe..." sabi pa nito.

THE BROKEN MAN'S GAME (M2M INTENSE DRAMA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon