Jai's POV
*Sa park
Naglalakad ako pauwi nang bigla kong makita si Shar, kaya tinawag ko sya.
"Shar!"
Pero di parin lumilingon si Shar.
"Sharlene! Shash! Shar! Lene! San Pedro! Sharleng! Sharshar! Ine! Lelang! Payat! Sherlen! Shurlunu! Shaaaaaaaaaaaar!" sa wakas tumingin din.
"Oh, bakit?" tanong nya na halatang nagmamadali.
"Ah, wala naman. Ano ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Bumili lang ako ng inhaler."
"Kanino? May sakit kaba?"
Shar's POV
Naglalakad ako sa park nang tawagin ako ni Jairus.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Ah, wala naman. Iniiwasan no ba ako?" tanong nya.
"Hindi ah. Bakit naman kita iiwasan?"
"Tinanong kita, sinagot mo din ako ng tanong. Dahil dun sa kahapon."
"Pasensyaaaa. Ano ka ba? Wala lang sakin yon. Distansya lang ng konti. Iba na kasi sitwasyon natin ngayon."
"Hindi naman na kailangan nun Shar eh."
"Kailangan Jairus. Kailangan!"
"Tapos Jairus na tawag no sakin , hindi na Jai. Pero sige. Kung yan yung gusto mo. Ano nga pala ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Bumili lang ako ng inhaler."
"Bakit? May sakit kaba?"
Ayokong malaman ni Jai na may sakit ako. Paano ba to?
"Ah eh... Ah! Kay Manang to. Hinihika eh." palusot ko.
"Ganun ba? Sige. Pagaling kamo sya ha?"
"Sige."
Papaalis na sana ako nang may tumawag kay Jairus.
"Babe! Ang tagal mo naman. Sabi mo bibili ka lang? Ay. Sino sya?" tingin kay sakin.
"Hmm. Mika, sya si Sharlene. Kaibigan ko. At Shar, sya naman si Mika. Girlfriend ko."
"Nice meeting you." sabay abot ng kamay sakin ni Mika.
"Okay. Nice meeting you din. *smiled*"
"Sige, alis na ako ha? Kailangan na kasi ni manang tong Inhaler eh. Bye.."
"Sige. Ingat ka." sabi ni Jairus.
"Tara na babe. Gagala pa tayo. Sa mall? " dinig kong sinambit ni Mika habang naglalakad na ako paalis kaya lumingon ako ng palihim.
"Sige babe. Kung saan mo gusto. Tara?" sabi naman ni Jai.
Nakauwi na akong hingal na hingal sa kakaiyak at kakatakbo. Dahil sa natinig ko. Hindi ko in-expect na ganun magiging reaksyon ko matapos kong marinig at makita yung lambingan nila.
"Oh! Hija, Shar? Bakit hingal na hingal ka?! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari." tanong ni Manang.
"Wala po manang. Aakyat na po ako sa kwarto ko. Wahg nyo na po akong isipin." sagot ko.
"Inaatake ka ba ng asthma?" pahabol nyang tanong habang nasa hagdan na ako.
"Hindi po. Wala lang 'to."
Nang mawalan ako nang malay malapit sa pinto ng kwarto ko.
Manang's POV
"Sharlene! Nako jusko. Ma'am! Ma'am! Si Sharlene po. Nahimatay!"
"Oh? Nako apo ko. Jusko. Tawagan nyo yung personal doctor nya. Bilis!"
"Sige po. Hello? Doctor, si Sharlene po nahimatay."
"Ano bang nangyari?" tanong nung doctor.
"Pawis na pawis pong umuwi at umiiyak eh."
"Nako po. Sige, pupunta na ako."
Nasa bahay na nga yung doctor at naihiga na si Sharlene sa kama nya habang naghahabol ng hininga.
"Nako po, lola. Wag po natin sagadin ang pagiging mapagod nya. Maaari nya po itong ikamatay. Sabi ko naman po kasi sa inyo, wag nang pagalain. Ano po bang ginawa nya at hingal na hingal nang ganyan?" ani doctor
"Hindi ko nga rin po alam doc eh. Basta umuwi nalang daw po na hingal na hingal."
--
BINABASA MO ANG
Just You (JaiLene)
FanfictionHello :) First time ko gagawa ng wattpad story ng Jailene. Sana magustuhan niyo! ;)