"Eh doc, ayaw nyang laging nasa bahay. Ayaw nya na hindi sya nakakagala eh."
"Hindi po pwede yun. Kung gusto nyo pang mabuhay yang anak nyo, wag nyo nang palabasin."
"Sige po doc. Salamat po."
Shar's POV
Nadinig ko yung pinaguusapan nila lola at ni doc. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nalang. Hindi ko manlang nagawang magsalita.
"Ano apo? Are you okay?" tanong ni lola.
Tumango nalang ako.
*Kinabukasan...
"Sharlene!" sigaw ng isang lalaki.
Lumingon ako at nakita ko si Jairus.
"Bakit?" pagmamadali kong tanong.
"May lakad kaba? Tara! Sumama ka samin ni Mika. Bilis!" pagaaya nya.
"Hindi ako pwede Jairus. Uuwi na ako ha? Kung pwede lang din wag muna akong kausapin o lapitan." pakiusap ko
"Ano?! Nagbibiro ka ba? Bakit ko naman gagawin yon? Bigyan mko ng magandang dahilan para gawin ko yun."
"Jairus! Hindi na kailangan ng dahilan. Basta magiwasan nalang tayo, tapos!"
"Nako naman Sharlene! Dahil ba to kay Mika? Pwes, kung oo, hindi ako papayag. Girlfriend ko yun Sharlene. MAHAL NA MAHAL KO SI MIKA."
"Ganyan ba talaga tingin mo sakin? Na gusto kong mahkahiwalay kayo dahil sakin? Sabi ko na nga ba eh. Una palang, gusto mo na talaga yang si Mika. Pero hindi Jairus! Basta lumayo ka nalang."
Naiiyak na ako sa sobrang selos at galit. Hindi ko mai-explain.
"Jairus please? Iwan mo nalang ulit ako. Iwan muna ako."
"Ayoko! Basta ayoko, hindi ako iiwas."
"Jairus!"
"Eh bakit nga kasi?"
"Ayoko na Jairus!"
"Ayoko saan?! Babaguhin ko! Wag lang yung ganito."
"Ayoko na Jairus. Lumayo kana! Lumayo kana kasi..."
"Lumayo kasi?!" sabay harap sakin ng malapit.
"Kasi nagiging totoo na 'to! *turo sa puso*"
"Ano?"
"Nagiging totoong mahal na kita! Ikaw na hinahanap lagi neto!" sigaw ko sakanya.
"Huh? Hindi pwede Sharlene. Hindi pwede yan, tigilan mo yan!"
Hindi pwede? Tigilan ko? Paano?! Kung sa una palang ganito na talaga. Paano?!
"Jairus, hindi ko to gusto. Alam mo na yung dahilan ko, kaya pwede iwan mo na ako?!"
"Sige, kung ganyan ang gusto mo." sabi nya habang papaalis na.
Umalis na din ako at umuwi. Napagdedisyunan kong wag na talaga makipagkita o makipagusap kay Jairus. Wala akong magagawa kundi mamamatay ako.
Author's Note: May mga twist po yung story ko. May ala- SDTG mga ganun. Pero iniiba ko talaga yung tema nya. Sana nagugustuhan nyo.
BINABASA MO ANG
Just You (JaiLene)
FanfictionHello :) First time ko gagawa ng wattpad story ng Jailene. Sana magustuhan niyo! ;)